Posts

Showing posts from September, 2021

Kuya Kim Atienza, kumpirmadong lilipat sa GMA Network?

Image
Kim Atienza: "I would highly suggest that you watch me on TV Patrol this coming Friday. It will be a very historical day for me on TV Patrol on Friday... I’ll tell you what’s going to happen." Kinunan nitong Martes, September 28, ang Opening Break Bumper o OBB ng bagong programa ni Kuya Kim sa GMA Network Inc. Sakay ng kanyang motorsiklo, leather jacket, denim jeans, at boots ang kasuotan ni Kim nang dumating siya sa GMA Network building sa Timog Avenue, Quezon City.   Naganap ang OBB shoot ni Kim sa lobby ng GMA-7, na nagsimula ng 9 a.m., pero hindi pa tiyak ang pamagat ng mga bagong show niya sa Kapuso network. “Mga” dahil, diumano, dalawa at hindi lamang isa ang programa ni Kim sa kanyang bagong tahanan. May mga nagdudang fake news ang paglipat ni Kim sa GMA-7, pero sapat nang dahilan ang sighting sa kanya sa Kapuso Network compound at sa mga pahayag niya sa Facebook Live ngayong Martes ng gabi. “Alam ko bakit napakaraming mga viewers natin ngayon, lalung-lalo na

Drone footage sa aktwal na biglaang pagragasa ng tubig sa isang talon sa Cebu

Image
Drone footage sa aktwal na biglaang pagragasa ng tubig sa isang talon sa Cebu kahapon. Nasa tatlong katao kabilang ang isang 7-taong gulang na batang babae ang napaulat na nawawala matapos tangayin ng biglaang pagragasa ng tubig sa Tinubdan Falls sa Barangay Tabili, Catmon, Cebu nitong pasado ala-una ng hapon nitong Linggo. Ayon sa uploader, hindi nila inaasahan ang pangyayari dahil kalmado at wala namang naranasang malakas na ulan noong araw na naliligo ang mga biktima sa talon.

Raffy Tulfo sa mga netizens 'Huwag magpakalat ng fake news'

Image
Raffy Tulfo, nakiusap sa mga netizen: Huwag magpakalat ng fake news Mariing pinabulaanan ng Broadcaster at sikat na vlogger na si Raffy “Idol” Tulfo ang mga kumakalat na balita na tatakbo siya sa pagka-bise presidente sa 2022 elections at sinabing mataas ang kanyang respeto kay Pang. Rodrigo Duterte. Sinabi ni Raffy na may mga pulitikong hindi niya pinangalanan, ang nag-alok sa kanya upang maging bise presidente nila sa eleksiyon, ngunit tinanggihan niya ang mga ito. “Hindi po ako tatakbo sa pagka- bise presidente sa darating na halalan. Meron naghikayat sa akin na maging ka-tandem nila sa 2022 elections at tinanggihan ko. I said no. Why? Mataas ang respeto ko kay PRRD. Kay Pangulong Duterte,” ani Tulfo. “Wala po akong intensiyon na banggain siya sa darating na halalan,” dagdag pa niya, na ang tinutukoy ay ang plano ni Duterte na tumakbo sa 2022 elections bilang vice president. Inamin naman ni Raffy na binanggit niya ang 16 million voters at 42 million, ngunit nilinaw na ang mga

Yorme Isko, tatakbong pangulo sa Eleksyon 2022

Image
Kinumpirma ng Manila Public Information Office ang kandidatura ni Manila Mayor Isko Moreno sa pagkapangulo sa darating na eleksyon. Si Dr. Willie Ong naman ang magiging running mate niya. Sina Moreno at Ong ang magiging pambato ng Aksyon Demokratiko political party. Nitong Lunes, kinumpirma ni Moreno ang pagkikipagpulong niya kina Vice President Leni Robredo at Senador Manny Pacquiao pero tumanggi siyang sabihin kung ano ang kanilang napag-usapan.

Cristy Fermin: “Hindi po si Yen yung babae, hindi po si Paolo yung lalake,”

Image
Talagang pinag-usapan ang pangalan ni Paolo Contis matapos makumpirma ang kanilang hiwalayan ni LJ Reyes. Kahapon, September 3, ay mas lalo pang umugong ang pangalan nito nang may mga kumalat na litratong may kasamang ibang babae ang aktor sa restaurant at isang video clip ng naglalakad sa kalye kasama ang parehong babae na nasa kumalat na litrato sa resto. Ayon sa mga netizens, sina Yen Santos at Paolo Contis umano ang kanilang mga nakita. @mizakimizaki Sino kaya tong nakita namin sa manaoag church? ♬ original sound - Mica Ancheta Subalit tila pinagtanggol naman ni Cristy Fermin si Paolo Contis sa mga netizens. Sa kanyang programang na Cristy FerMinute, napag-usapan dito si Paolo Contis. At ayon sa Cristy Fermin, hindi daw si Paolo at hindi din si Yen ang na sa viral photos and video na kumakalat sa social media. Sa bandang 10:38  ng video ito ang sinabi ni  Cristy Fermin: “Hindi po si Yen yung babae, lalong hindi po si Paolo yung lalake,” pagdidiin ni Cristy

Mensahe noon ni Yen Santos tungkol sa mga “KABIT” trending online

Image
Binalikan ng mga netizens ang panayam noon sa aktres na si Yen Santos tungkol sa mga “KABIT” sa totoong buhay. Ito ay matapos madawit ang pangalan ng aktres na si Yen Santos sa hiwalayan nina LJ Reyes at Paolo Contis. Hula ng marami na si Yen ang 3rd party sa hiwalayang Paolo at LJ.  Ito ay matapos na kumalat ang isang video clip kung saan makikitang naglalambingan habang naglalakad si Paolo at ang isang babae na namukaan ng mga netizens at ito ay walang iba kundi si Yen Santos. Dahil sa pangyayari, binalikang muli ng mga netizens ang naging panayam noon ni Yen kung saan nagbigay siya ng mensahe tungkol sa mga “kabit” sa totoong buhay. Ito ay noong mga panahon na sikat ang kanilang serye na “Halik.” Narito ang pahayag ni Yen: “May kanya-kanya siguro silang dahilan kung bakit sila pumapasok sa ganyang sitwasyon pero sana bago nila isipin na pumasok sa ganyang sitwasyon, siguro isipin muna nila ‘yung consequences na pwedeng mangyari kapag pumasok sila sa maling relasyon na pwede

2 pulis 'kamote' rider sa Zambales, tukoy na ng PNP

Image
Sa isang viral na Facebook post, makikita ang dalawang rider na pulis na hinahawi ang mga nakakasalubong na sasakyan habang gumagawa ng "stunts" sa pagpapatakbo nila ng motorsiklo. Kumento ng mga netizen, malinaw na nilabag ng dalawang pulis ang mga road rules. Kinumpirma ng PNP na mga tauhan nga nila ang dalawang rider ng motorsiklo na nakuhanan ng video na nag-e-exhibition sa national highway sa Zambales. Kinilala ang dalawang pulis na sina Police Chief Master Sergeant Israel Bondoc at Police Master Sergeant Manuel Tolentino, na nakatalaga sa Police Regional Office 3. Ayon kay PNP cheif General Guillermo Eleazar mapanganib ang ginawa ng kaniyang mga tauhan at maaaring makapandamay ng ibang tao kapag nagkaroon ng aksidente. “Let this serve as a warning that we will not tolerate this kind of misbehavior because as police officers, we should serve as the role models in abiding the laws that include traffic rules and regulations,” ayon sa opisyal.  Inatasan ni Eleazar  ang Reg

Paolo Contis at Yen Santos spotted na magkasama sa Pangasinan?

Image
Kahapon lang ay isang emosyonal na LJ Reyes ang humarap sa panayam ni Boy Abunda sa digital talk show nito. Kung saan ay kinumpirma na niya na hiwalay na nga sila ng dating partner at ama ng kanyang anak na si Paolo Contis. Matapos kumpirmahin ni LJ Reyes ang kanilang hiwalayan, nahuli cam ng isang netizen si Paolo Contis na may kasamang ibang babae sa Manaoag, Pangasinan. Ayon sa komento ng mga netizens si Yen Santos umano ang babae sa video na kasama ng aktor. Matatandaan na naging magkatrabaho ang dalawa sa pelikulang “A Faraway Land” na ipinalabas sa Netflix kamakailan lang. Sabi sa caption ng uploader na si Mica Ancheta: "Sino kaya tong nakita namin sa manaoag church?"    @mizakimizaki Sino kaya tong nakita namin sa manaoag church? ♬ original sound - Mica Ancheta Si Yen Santos nga ba ang nasa video? Kayo na ang humusga.

Paolo Contis kay LJ Reyes: "Ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa pag tanda ko."

Image
Trending ngayon ang Facebook post ni Paolo Contis apat na taon na ang nakalipas na naglalaman ng birthday message ng aktor para kay LJ Reyes. Ito ay matapos kumpirmahin ni LJ Reyes sa panayam sa kanya ni Boy Abunda na hiwalay na sila ni Paolo Contis.. Narito ang post ni Paolo: "Alam ko marami pa ang malabo at hindi malinaw sa ating hinaharap... pero isa lang ang malinaw para sa akin... Ikaw. Malinaw na ikaw lang ang gusto kong makasama habang hinaharap lahat ng kalabuan sa mundong ito. Ikaw lang ang nagbibigay saya sa akin sa gitna ng ilang kalungkutan ko. Kaya naman malinaw na ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa pag tanda ko. Salamat sa lahat Mahal. Maligayang Kaarawan sayo! Lagi kong ipinagdadasal ang iyong kaligayahan, kalusugan, at tagumpay sa lahat ng bagay... 😍😘😍😘 mahal na mahal kita! LJ Reyes."

Mura, may mensahe para sa kaibigang si Mahal

Image
"Susunduin niya sana ako ngayong September. Kaso wala na siya..." Hindi akalain ni Mura na ang pagbisita ng matalik na kaibigang si Mahal sa kanilang bahay sa Albay sa Bicol ay ang magiging huling pagkikita nilang dalawa. Kahapon August 31 nagulat ang marami matapos lumabas ang malungkot na balita na pumanaw na ang komedyante na si Mahal, o Noeme Tesorero sa tunay na buhay. Gulat na gulat si Mura lalo na at wala naman siyang alam na iniindang sakit ang kaibigang si Mahal. "Sabi ko maniwala kayo, diyan fake news lang 'yan, tapos nalaman ko nga dun sa nagba-vlog sa akin dito na totoo nga. Tinanong ko nga siya kung saan nakuha ang balita, sabi niya... nag-post ang kapatid na si Irene,"  pahayag ni Mura.    Ito naman ang mensahe ni Mura para kay Mahal. "Mahal, sana masaya ka sa iyong paroroon at nagpapasalamat ako sa 'yo at pinuntahan mo ako dito. Binigyan mo ako ng tulong. At sa mga kamag-anak niya, nakikiramay ako, gustuhin ko man na pumunta diyan

Full Unedited Interview ni Boy Abunda kay LJ Reyes

Image
Kumpirmado na nga ang hiwalayan nina LJ Reyes at Paolo Contis. Sa inilabas na latest episode ng Boy Abunda’s “The Interviewer,” tinanong ng host si LJ na: “Ang separation niyo ni Paolo, was it mutual?” Pigil ang luha na sinabi ng aktres na: “It was so difficult, it was so painful.” Patuloy niya, “Kung hindi lang malakas ’yung pananampalataya ko sa Panginoon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin.” Nang tanungin ang aktres kung sino ang humiwalay, sinabi ni LJ na, “Matagal ko nang nararamdaman na parang nakahiwalay na siya sa amin.” View this post on Instagram A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes) Hindi malinaw kung ang ibig sabihin ni LJ kung ang tinutukoy niya ay kung tingin niya ay nanlamig sa kanya si Paolo. Limang taong ang itinagal ng pagsasama nina Paolo at LJ. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng isang supling. View this post on Instagram A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes) Sa ngayon ay tikom pa din ang bibig ni Paolo Con

LJ Reyes kinumpirma na ang hiwalayan nila ni Paolo Contis

Image
Kumpirmado na nga ang hiwalayan nina LJ Reyes at Paolo Contis. Sa inilabas na 21-second teaser ng Boy Abunda’s “The Interviewer,” tinanong ng host si LJ na: “Ang separation niyo ni Paolo, was it mutual?” Pigil ang luha na sinabi ng aktres na: “It was so difficult, it was so painful.” View this post on Instagram A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes) Patuloy niya, “Kung hindi lang malakas ’yung pananampalataya ko sa Panginoon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin.” Nang tanungin ang aktres kung sino ang humiwalay, sinabi ni LJ na, “Matagal ko nang nararamdaman na parang nakahiwalay na siya sa amin.” View this post on Instagram A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes) Hindi malinaw kung ang ibig sabihin ni LJ kung ang tinutukoy niya ay kung tingin niya ay nanlamig sa kanya si Paolo. Limang taong ang itinagal ng pagsasama nina Paolo at LJ. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng isang supling. View this post on Instagram

Sanya Lopez, nakatikim din ng mura mula kay Madam Inutz

Image
Hindi nakaligtas sa pabirong mura ang Kapuso aktres na si Sanya Lopez kay Queen of l𝔦ve s𝔢lling na si Madam Inutz. o Daisy Cabantog sa totoong buhay. Habang kausap ni Wilbert Tolentino (t𝔞lent m𝔞nager ni Madam Inutz) si Sanya sa isang v𝔦deo call ay ipinasa nito ang kanyang cellphone kay Madam Inutz at ipina-kausap niya ito kay Sanya. "Walang arti-artista dito ha. Puk*ng in* mo Sanya Lopez saksakan ka ng ganda inutil!" sabi ni Madam Inutz.    Hindi ikinagalit ni Sanya Lopez ang m𝔲ra sa kanya ni Madam Inutz bagkus ay ikinatuwa pa niya ito.  G𝔞ndang g𝔞nda si Madam Inutz kay Sanya at nagbiro pa na dalawang ligo lang ang lamang ng magandang aktres sa kanya.  Sinabi naman ni Wilbert na magkakaroon silang dalawa ng coll𝔞b na siguradong ikakatutuwa ng kanilang mga fans. Panoorin ang video sa ibaba.