Pulubing magkapatid na nakasuot ng plastik, umantig sa puso ng mga netizens!




Viral ngayon sa social media ang isang post ng netizen na si Pearl Jhene David, na kung saan ibinahagi nito ang kuhang mga larawan sa kaniyang social media account.

Makikita ang dalawang magkapatid na nadaanan niya sa San Matias malapit sa over-pass ng SM/Robinsons Starmills.

Ang magkapatid na nakilala niyang sina Aldin at Santino ay natagpuan niyang namamalimos habang nakasuot ng plastik at tanging hawak lamang ng mga ito ay kapirasong Styro Cup, habang nanlilimos sa kalye.

Ayon sa post ni Pearl, namamalimos umano ang magkapatid para may pangbili ng gamot sa karamdaman ng bunsong kapatid na si Santino dahil ito ay mayroong sakit sa bato.


Ayon sa nakatatandang kapatid na si Aldin, namamalimos umano sila ng kanyang kapatid habang hinihintay ang kanilang ina na nangangalakal. "Wala po kasi si mama, nangangalakal pa po, mamaya pa po iyon uuwi."

Narito ang post ni Pearl

"Halos madurog yung puso ko at naiiyak nung nakita ko silang dalawa lalo na yung bata, kase nilalagnat . Nanginginig pa sya habang mahimbing na natutulog sa may hagdan."

"Ang nagawa ko nalang ay bigyan sila ng konting pera. Alam ko hindi sapat yung naiabot ko kaya binigay ko nalang yung number ko sakanila, tas sabi ko kay Kuya Aldrin na ibigay nya yung number ko sa mama nya at tawagan ako, para kung makahanap pako ng ibang way para matulungan sila eh tutulungan ko sila."

"Kaya sana po, kapag makita nyo sila sa may OVERPASS sa SM/STARMILLS sana po matulungan nyo po sila.Sana kahit papaano makatulong tong ginawa kong pag post para may tumulong sakanilang magkapatid lalo nankat Baby Santino na may sakit. Halos dina po maka bangon yung bata kanina, nanghihina sya sa gutom."

"PS : I'M NOT POSTING THIS PARA MAPANSIN AKO OR WHAT. I just want to post this para maka tulong kahit papaano sakanila."


Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo