Mahal, pumanaw na sa edad na 46





Pumanaw na nitong Martes ang 46-anyos na komedyante na si Mahal, o Noeme Tesorero sa tunay na buhay.

Mismong ang kapatid ni Mahal na si Irene Tesorero ang nagbahagi ng malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

“Ang aming kapatid na si Mahal ay pumanaw na. Wala pa schedule sa kanyang burol due to COVID restriction,” ani Irene Tesorero.


Noong nakaraang linggo lang, ay ipinalabas pa sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang pagpunta ni Mahal sa Bicol para bisitahin at tulungan ang kaniyang kaibigan at dating ka-love team na si Mura.

Wala pang karagdagang detalye na inilalabas ang mga kapamilya ni Mahal tungkol sa naging sanhi ng kanyang biglaang pagkamatay ngunit ayon sa paunang ulat, nagka-pneumonia raw ang aktres at nagpositibo rin sa COVID-19.

Huling napanood ang komedyana sa Kapuso series na “Owe My Love” na pinagbidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves.



Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo