Lyca Gairanod binenta ang napanalunang bahay sa The Voice Kids

Ayon kay Lyca, ibinenta nila ang bahay na nasa subdivision upang samahan ang kaniyang lola na ayaw umalis sa dati nilang tinitirhan sa tabing dagat.

“Marami rin pong memories sa napanalunang bahay. Pero para kay lola, gusto niya kami makasama kaso malayo po kami. Dinala namin siya doon pero umuwi. Ayaw niya po talaga doon,” sagot ni Lyca.
Dagdag pa niya, hindi rin sila sanay na pamilya sa kasing tahimik ng lugar ng kanilang magarang bahay.
“Nandito kaluluwa ko. Pilit niya kong binabalik,” dagdag ni Lyca.
Nakatira na ngayon malapit sa dati nilang tagpi-tagping bahay ang pamilya ni Lyca.
Abala ngayon si Lyca sa kaniyang YouTube channel na kasalukuyang may nasa higit 1 milyong subscribers.
Nitong March 2021, ibinalita rin nito na nakabili na siya ng sariling sasakyan na talagang pinag-ipunan niya nang bonggang-bongga..
Comments
Post a Comment