Dating Olympian boxer Onyok Velasco, matatanggap na ang cash incentive mula sa gobyerno

Ito ay matapos na isiwalat ni Velasco na hindi natupad ang mga pangako sa kanyang pabuya matapos masungkit ang silver medal sa summer Olympic games noong 1996.
Sa kanyang statement, aabot sa P2.5 million pledges mula sa mga miyembro ng Kongreso, kasama ang scholarship grants para sa kanyang mga anak ang hindi pa niya natatanggap.
Sa ngayon, si Onyok Velasco ay nagtatrabaho bilang komedyante sa telebisyon.
Ayon kay Senator Bong Go, Chairman ng Senate Committee on Sports, ang kalahating milyong piso na ibibigay para kay Velasco ay bilang pagkilala sa karangalan at inspirasyon na ibinigay nito sa mga atleta na nagtagumpay ngayon.
Napag alaman ng tanggapan ni Senator Go na naibigay naman ng gobyerno ang lahat ng dapat na insentibo para kay Velasco ang hindi aniya nito natanggap ay ang mga pangakong pabuya bukod sa bigay ng pamahalaan.
Comments
Post a Comment