Alex Gonzaga, na-snatch ang cellphone sa Makati City




Arestado ang isang snatcher matapos biktimahin ang aktres at vlogger na si Alex Gonzaga sa Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City.
 
Ayon kay Makati Sub Station 7 Commander Police Captain Edison Mabaet, nasa loob ng sasakyan ang aktres sa EDSA nang tangayin ng tatlong suspek ang cellphone nito.


Hawak umano ng assistant ng aktres ang cellphone para sana kunan ng larawan ang isang billboard sa EDSA nang hablutin ito ng mga suspek nitong Miyerkoles nang hapon.

Narito ang kwento ng aktres sa pangyayari:

"Got my phone back after mahablot sa edsa!!! Thank you so much sa Guadalupe nuevo police sub-station 7 for helping us. Grabe taas dalawa kamay namin sa galing at bilis ng action nyo mga sir.
  • Police Captain Edison Mabaet
  • PStaff Seargent Jeffrey Paloma
  • PCorporal Nick Cariaga
  • Patrolman Bernamy Herrera
  • Patrolman Jacinto Longcop
  • Patrolman Karl Villagracia
  • Patrolman Marlon Gatchalian
  • Patrolman Ruben Flores
  • Kuya Jimmy Quibada
Salamat din Talaga sa driver ko Kay kuya arvi kasi hinabol nya yung mga snatcher at maraming motorista and mga kapwa na nasa kalsada ang nakihabol at tulong sa paghuli ng isa sa mga snatchers.

And lastly salamat sa asawa ng snatcher ko dahil subscriber daw pala sila! ๐Ÿ˜…๐Ÿ˜‚

Thank you Lord! Marami pa rin talaga ang mas mabubuti at matulungin na kapwa natin ๐Ÿ™๐Ÿผ

Ps:

Si sofie po may hawak ng phone ko at mabagal takbo ng trapiko kaya nung may pinapicture ako sa kanya biglang nahablot agad cellphone ko habang hawak nya. Ang pinakamalaking tulong po talaga ay dahil may nahabol at nahuli si Kuya Arvi na isa sa mga snatchers dahil akala nila hindi na sila mahahabol. kaya thank you po talaga sa lahat ng tumulong๐Ÿ™๐Ÿผ"




Napagalaman na ibebenta na sana ang cellhpne ng aktress na nagkakahalaga ng halos P80,000 nang marekober ito ng mga awtoridad.

Ayon pa kay Makati Sub Station 7 Commander Police Captain Edison Mabaet,, agad din pinalaya ang suspek dahil hindi na nagsampa ng reklamo ang aktres matapos na marekober ang kaniyang cellphone.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo