Tokyo Olympics: Pamilya nag-iyakan; Nesthy Petecio pasok na sa finals




Isang panalo na lang at masusungkit na ng Pinay boxer na si Nesthy Petecio ang gintong medalya sa 2020 Tokyo Olympics.

Wagi sa semi-finals ang Filipina boxer ngayong Hulyo 31 matapos talunin si Irma Testa ng Italy sa women’s featherweight class sa Kokugikan Arena.

Matapos ideklarang panalo, agad na napaluhod si Petecio at walang tigil sa pag-iyak matapos ideklara ng hurado ang kanyang panalo.

“Sobrang saya ko po,” ani Petecio na inialay ang panalo sa kanyang ama na nangarap na makita siyang lumalaban sa Olympics.

“Hindi lang po para sa akin ito, para po ito sa bayan,”
wika nito.

Split decision ang pasya ng mga judges pabor kay Petecio.

Sigurado na sa silver medal ang pambato ng bansa ngunit malaki ang kumpiyansa nitong maiuwi ang ikalawang gintong medalya para sa Pilipinas.



Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo