Robin Padilla, kinumpirma ang hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica

Sa kanyang latest interview kay Ogie Diaz, kinumpirma ni Robin na talagang naghiwalay na ang dalawa.
Nang tanungin kung mayroong kasangkot na third party, sinabi ni Robin na meron, na ikinagulat ng mga netizens.
Sa pagpapatuloy ng panayam ibahagi ni Robin ang kanyang mga saloobin tungkol sa nangyaring hiwalayan at lantaran na inamin na nakaka-relate siya sa nangyari.
Narito ang ilang pahayag ni Robin.
"Ako, para sa akin ah, ang dalawang mag-asawa na hindi na nagkasundo. Hindi kayo dapat maghiwalay ng magkaaway. Bakit? Nagmahalan naman kayo.
"Nasarapan naman kayo pareho. Bakit kailangan kayong magkaaway? Dahil yung dahilan, nagtaksil yung isa? "Eh tao ka, mangyayari't mangyayari yan. Hindi yan pwedeng hindi mangyari. Kalokohan ang hindi mangyari lalo na't nasa showbiz tayo."
"Third party? "Meron daw eh. Imposible ba yun? Yan ang sinasabi ko kay Kylie, 'Lalaki yan.'"
Panoorin ang interview sa ibaba:
Panoorin ang interview sa ibaba:
Comments
Post a Comment