Pamangkin ni P. Duterte, nahablutan ng cellphone; suspek agad na-aresto

Hawak-hawak ang cellphone ng isang lalaki habang naglalakad ito sa isang bangketa sa Maynila mag-aalas onse ng gabi nitong Huwebes.
Nang biglang may isang tricycle na lumapit sa lalaki at tsaka hinablot ang cellphone nito.
Sinubukan pang lumaban ng biktima ngunit mabilis na nakatakas ang mga kawatan.
Ang biktima pamangkin pala ni Pangulong Duterte ayon kay NCRPO chief major general Vicente Danao.
"Pamangkin nga po niya 'yan. He just came from work yata and then going home. Nung nakuha 'yung cellphone, tumakbo. Inireklamo niya na, at ipinakisusap niya na kung puwedeng ma-ecover yung cellphone na yun dahil ginagamit nga sa trabaho." pahayag ni NCRPO chief major general Vicente Danao.
Comments
Post a Comment