Julia bagong leading lady ni Coco sa 6th anniversary ng ‘Ang Probinsyano’




Mangyayari na ang pinakahihintay na balik-tambalan sa telebisyon ng CocoJul dahil mapapanood na si Julia sa “Ang Probinsyano” bilang bagong leading lady ni Coco Martin sa Kapamilya series na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Noong Hulyo 28, ini-announce ng ABS-CBN na e-exit na si Jane de Leon sa buhay ni Cardo Dalisay, dahil sisimulan na ni Jane sa Setyembre ang lock-in taping ng DARNA TV Series.


Kinumpirma ng Dreamscape Entertainment ang pagpasok ni Julia sa serye nang ilabas nito sa social media ang mga litrato ng aktres sa story conference at pictorial ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na ginanap ngayong Biyernes sa ABS-CBN.

Maliban kay Julia, papasok din sa FPJ’s Ang Probinsyano ang mga bagong karakter nina Tommy Abuel, Rosanna Roces, Vangie Labalan, Michael Flores, Chai Fonacier, Marela Torre, Elora Españo, at Joseph Marco.


Sa ikaanim na taon ng serye ngayong Setyembre, dadaan sa mas matitinding pagsubok si Cardo (Coco) at ang Task Force Agila sa patuloy na pakikipaglaban nila para sa bayan.

Kapana-panabik ang pag-entra ni Julia sa ikaanim na taon ng longest-running action-drama series ng bayang magiliw!

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo