UPDATE: Bulkang Taal nag-erupt, Alert itinaas na sa Level 3

Nagkaroon ng Phreatic Eruption sa Bulkang Taal sa ganap na 3:16PM ngayon Huwebes.
Dahil dito, itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Siesmology sa Alert Level 3 ang estado ng Bulkang Taal ngayong araw, dahil sa "magmatic unrest."
Ang Phreatic Eruption ay ang pagbuga ng usok o steam bunga ng pag-init ng tubig sa ilalim ng lupa na nadikit o maaaring lumapit sa magma.
Nagkaroon ng tinatawag na "magmatic intrusion" sa loob at gitnang bahagi ng bulkan na maaaring mag-resulta ng mga susunod pang pagputok nito.
Ayon sa Philvolcs, mahigpit na pinaaalahanan ang mga barangay na malapit sa bulkan na mag-umpisa nang lumikas upang maiwasan ang mga posibleng panganib.
Ang buong isla ng Taal ay nananatiling naka sailalim sa Permanent Danger Zone (PDZ).
Maging ligtas at alerto bawat oras.
Presscon: TAAL VOLCANO UPDATE
Comments
Post a Comment