Posts

Showing posts from July, 2021

Kiray: "Patatayuan ko pa ng mas magandang bahay sina Mama at Papa!"

Image
Sa guesting sa “Mars Pa More” nangako ang Kapuso comedienne na si Kiray Celis na patatayuan niya ng mas magandang bahay ang kanyang pamilya. Ayon kay Kiray, kahit na raw magkaroon siya ng sariling pamilya sa future, hinding-hindi niya pababayaan ang kanyang parents at gagawin niya ang lahat para maibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga ito. Naniniwala si Kiray Celis na nabuhay siya sa mundo para sa kanyang pamilya. Kaya naman balang araw, umaasa siyang makakamit niya ang pangarap na makapagpatayo ng maraming magagandang bahay para sa kanyang mga magulang! “Para sa akin mas babawi ako ng oras sa parents ko, sa family ko. Family pa rin ‘yung iniisip ko, kahit sa future, family pa rin. “Patatayuan ko pa ng mas magandang mga bahay sina mama at si papa. Ibibigay ko pa lahat ng kaya ko sa mga pamangkin ko,” “At huwag kakalimutan siyempre ang sarili mo. Mag-ipon ka rin at sa panahon na ito nakaipon ka na para sa sarili mo. Good luck and enjoy life dahil life is short, kagaya mo,”

Empleyado ng Makati City Hall, nabistong nangongotong

Image
Bistado ang modus ng isang empleyado ng Makati City Hall na nangongotong umano sa mga may-ari ng mga bar at iba pang establisyimento na ipinasara dahil sa paglabag sa health protocol. Naniningil umano siya ng hanggang P160,000 kapalit ng pagtatanggal sa closure orders. Ang aktuwal na pag-aresto sa kanya, tunghayan sa video!

Asawa ni 'Kabayan' Noli De Castro pumanaw na

Image
Pumanaw na ang misis ni Noli De Castro na si Arlene Sinsuat De Castro. Kinumpirma ito ng anak nilang si Katherine De Castro sa kanyang social media post. “My Mom passed away this morning. Thank you for your prayers… I feel so down. My head hurts and my tears never seem to stop,” sabi ni Katherine "Kat" de Castro. Ayon sa report, si Arlene ay edad 66. Samantala, hindi nabanggit ni Katherine ang dahilan ng pagkamatay ng ina.

Tokyo Olympics: Pamilya nag-iyakan; Nesthy Petecio pasok na sa finals

Image
Isang panalo na lang at masusungkit na ng Pinay boxer na si Nesthy Petecio ang gintong medalya sa 2020 Tokyo Olympics. Wagi sa semi-finals ang Filipina boxer ngayong Hulyo 31 matapos talunin si Irma Testa ng Italy sa women’s featherweight class sa Kokugikan Arena. Matapos ideklarang panalo, agad na napaluhod si Petecio at walang tigil sa pag-iyak matapos ideklara ng hurado ang kanyang panalo. “Sobrang saya ko po,” ani Petecio na inialay ang panalo sa kanyang ama na nangarap na makita siyang lumalaban sa Olympics. “Hindi lang po para sa akin ito, para po ito sa bayan,” wika nito. Split decision ang pasya ng mga judges pabor kay Petecio. Sigurado na sa silver medal ang pambato ng bansa ngunit malaki ang kumpiyansa nitong maiuwi ang ikalawang gintong medalya para sa Pilipinas.

Julia bagong leading lady ni Coco sa 6th anniversary ng ‘Ang Probinsyano’

Image
Mangyayari na ang pinakahihintay na balik-tambalan sa telebisyon ng CocoJul dahil mapapanood na si Julia sa “Ang Probinsyano” bilang bagong leading lady ni Coco Martin sa Kapamilya series na “FPJ’s Ang Probinsyano.” Noong Hulyo 28, ini-announce ng ABS-CBN na e-exit na si Jane de Leon sa buhay ni Cardo Dalisay, dahil sisimulan na ni Jane sa Setyembre ang lock-in taping ng DARNA TV Series. Kinumpirma ng Dreamscape Entertainment ang pagpasok ni Julia sa serye nang ilabas nito sa social media ang mga litrato ng aktres sa story conference at pictorial ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na ginanap ngayong Biyernes sa ABS-CBN. Maliban kay Julia, papasok din sa FPJ’s Ang Probinsyano ang mga bagong karakter nina Tommy Abuel, Rosanna Roces, Vangie Labalan, Michael Flores, Chai Fonacier, Marela Torre, Elora Españo, at Joseph Marco. Sa ikaanim na taon ng serye ngayong Setyembre, dadaan sa mas matitinding pagsubok si Cardo (Coco) at ang Task Force Agila sa patuloy na pakikipaglaban nila para sa bayan.

Tiktoker na pinag mumura si Yorme Isko mangiyak-ngiyak na humingi ng sorry

Image
Kasama ang mga magulang at kanyang lola, ay personal na nagtungo sa tanggapan ng Special Mayor’s Reaction Team sa Manila City Hall ang tiktoker na si Carl Lazaro, 20 anyos na sangkot sa nag-“viral” na video sa social media kung saan pinagmumura at nilait ng tiktoker si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso. Ayon sa report nagtungo sa tanggapan ng SMaRT ang tiktoker matapos itong ulanin ng masasamang komento, pananakot at pagbabanta mula sa mga netizens dahil sa viral video nito. Depensa ng tiktoker na si Carl, wala umano itong intensiyon na siraan si Yorme at nadala lamang umano siya ng kalasingan kaya’t napagtripan nitong mura-murahin at laitin sa social media ang Alkalde ng Maynila. “Gusto ko pong humingi ng tawad unang una po sa lahat kay Yorme po. Wala naman po talaga akong intensiyon na siraan po kayo dahil alam ko naman po ang mga ginawa ninyo sa Maynila, nadala lang po ako ng pagkainum ko. Alam ko naman po na mabuting tao po si Yorme. Sa mga nanonood po humihingi po ako ng taw

2 LPA sa loob ng PAR nagtutulong upang palakasin ang HABAGAT

Image
UPDATE: Dalawang panibagong mga sama ng panahon o mga Low Pressure Area ang nabuo sa loob ng PAR o sa silangang ng #ExtremeNorthernLuzon na kapwa nagtutulong upang palakasin ang HABAGAT. Asahan ang mga pag-ulan at pagbugso ng hangin sa #Luzon lalo na sa kanlurang bahagi nito kasama ang #MetroManila dahil sa paglakas muli ng Habagat na inaasahang magpapatuloy pa sa mga susunod na araw. Patuloy na iiral ang Southwest Monsoon (HABAGAT) sa #Luzon lalo na sa kanlurang bahagi nito maging sa #MetroManila dahil sa mga weather system na inaasahang patuloy na magpapalakas dito hanggang sa FIRST WEEK ng August! kaya mananatiling maulan na may kasamang pagbugso ng hangin pa rin ang inaasahan sa mga nabanggit na lugar sa mga susunod pang mga araw. Mag-ingat at manatiling handa po palagi.

Narito ang listahan ng cash rewards at incentives na naghihintay para kay Hidilyn Diaz

Image
Base sa Republic Act No. 10699 na nilagdaan ng yumaong dating pangulo na si Benigno Aquino III noong 2015, ang mga Olympic gold medalists ay tatanggap ng P10 milyon at ng isang Olympic gold medal of valor na ibibigay ng Philippine Sports Commission (POC). Narito ang listahan ng cash rewards at iba pang incentives na naghihintay kay Olympian Gold medalist na si Hidilyn Diaz. P10 million each from business tycoons Manny V. Pangilinan and Ramon P3 million from 1-PACMAN party-list Rep. Mikee Romero P14-million peso worth of condominium unit in Eastwood, Quezon City from Megaworld P2.5M from Zamboanga City, her hometown P5 million plus fuel for life from businessman Dennis Uy’s Phoenix Petroleum P4 million worth of house and lot from Century Properties house and lot from POC president Abraham “Bambol” Tolentino lifetime free flights from AirAsia and Philippine Airlines “This epic moment is about 97 years in the making, and this is our way of saying thanks to Hidilyn for making us all proud

Olympian Hidilyn Diaz tatanggap ng P14-million condo mula sa Megaworld

Image
Ang Tokyo Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz ay umaani na ngayon ng mga bunga mula sa kanyang maraming taong pagsusumikap. Maliban sa cash in incentives na itinakdang tanggapin ni Diaz mula sa gobyerno at pribadong sektor, ang weightlifter ng Pilipino ay ginawaran ng ‘bagong tahanan’ sa Eastwood City sa Quezon City. Ang Megaworld, na pagmamay-ari ng business tycoon na si Dr. Andrew L. Tan, ay inihayag noong Martes, Hulyo 27, na magbibigay ito ng isang residential condominium unit sa gold medalist. “This epic moment is about 97 years in the making, and this is our way of saying thanks to Hidilyn for making us all proud,” “We believe that it’s just right to give our first-ever Olympic gold medalist a home in our first-ever township, Eastwood City, where she can enjoy the township lifestyle with her family and loved ones.” sabi ni Kevin L. Tan, chief strategy officer ng Megaworld Corporation. Gumawa ng kasaysayan si  Hidilyn Diaz matapos nitong masungkit ang unang gintong med

Manny Pacquiao, namigay ng $100 sa homeless na lalaki sa Amerika

Image
Ang boxing champ at Senador Manny Pacquiao ay isa sa mga personalidad na hinahangaan ng maraming mga Pilipino ngayon. Sa kabila kasi ng kasikatan at karangyaan na natatamo niya ngayon, kailanman ay hindi niya nakalimutan ang mga tao na nangangailangan ng tulong.   Dahil sa kabaitan at kabutihan ng puso ni Pacquiao, muli na naman siyang hinangaan ng maraming netizens dahil sa kahandaan niya palagi na magbigay ng tulong para sa mga taong lubos na nangangailangan. Sa video na ito, makikita si Pacman na personal na nagbigay ng $100 sa isang homeless na nasa kalsada sa Amerika.  Talaga namang malaki ang mga ngiti sa mukha ng lalaking homeless na nakatanggap ng biyaya mula sa Pambansang Kamao! Panoorin ang video dito: Hanga ka rin ba sa ipinapakitang pagkamatulungin ni Pacquiao?

BREAKING: Malakas na lindol naramdaman sa Luzon ngayong umaga

Image
Niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang Calatagan, Batangas kaninang 4:49 a.m., ayon sa PHIVOLCS. Naramdaman rin ang naturang lindol sa ilang parte ng Metro Manila. Intensity V - Calapan City & Puerto Galera, Oriental Mindoro; Sablayan and Magsaysay, Occidental Mindoro;Tagaytay City, Carmona & Dasmarinas City, Cavite Intensity IV - Quezon City; Marikina City; Manila City; Makati City; Taguig City; Valenzuela City; Pasay City; Tagaytay City, Cavite; Batangas City & Talisay City, Batangas; San Mateo, Rizal; Intensity III - Pasig City; San Jose del Monte City, Bulacan TINGNAN: Iniwang pinsala ng lindol sa Lubang Island, Occidental Mindoro. Sinabi ni PHIVOLCS OIC and DOST Undersecretary Renato Solidum sa isang interview na posibleng may mga aftershocks na mangyari subalit hindi umano ito makakapinsala. "Pwede pa tayong magkaroon ng mga aftershock pero dahil ito ay malalim, wala namang inaasahang pinsala," sabi niya. "Kapag malalim ang lindol, hindi i

Isang masipag na Ama, Nakapagtapos ng kolehiyo

Image
Isang tatay mula sa Claveria, Misamis Oriental ang hinangaan ng mga netizens online matapos nitong magtapos sa kursong Bachelor of Science in Business Administration. Ibinahagi ng isang netizen na si Ading Salvane sa kanyang facebook ang mga litrato ni Jerome Velez pati na rin ang kuwento nito. “I met him in my 3rd year in college in one of my class during Saturdays. He asked me if I knew how to answer our seatwork and apologized for asking about it. When I looked at him, he was very tired and shaking (maybe because of hunger). He was a very shy person. He doesn't look at you straight in the eye when he talks and will always bow down his head while walking." Ayon sa post ni Salvane, nagtatrabaho bilang karpentero, magsasaka at laborer si tatay Jerome habang siya ay nag-aaral para matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya. “He works in the day and goes to school at night. When I say he works, he works really hard. He once worked as a maintenance in the pineapple fi

Sen. De Lima, muling tatakbo sa pagkasenador sa 2022 elections

Image
"Tatakbo akong muli. Hindi ako susuko. Tuloy ang laban" Kinumpirma ni Sen. Leila de Lima na tatakbo siya sa 2022 elections para sa pagkasenador. Kasabay nito, may banta siya kay Pres. Rodrigo Duterte. “Mahigit na apat na taon mo na akong ipinakulong para maitago ang iyong pagka-inutil, bukod pa sa paghihiganti mo sa akin." Mahigit na apat na taon na ipinagkait mo sa akin, sa aking pamilya, at sa labing-apat na milyon na bumoto sa akin. Mahigit na apat na taon na akin ngayong sisingilin sa pagtatapos ng iyong termino,” sabi ni De Lima. “Marami ang nagtatanong sa akin kung sa kabila ng pagyurak na ginawa mo sa akin ay may lakas pa ako ng loob na muling tumakbo bilang Senador sa 2022.” “Tatakbo akong muli. Hindi ako susuko. Tuloy ang laban.” “Sisingilin ka namin sa anim na taon na pambabalasubas mo sa aming bansa,” s aad ni De Lima.

"Kilala nyo ba kung sino ang tatay ko?" sa kulungan ang bagsak

Image
"Bakit niyo ako poposasan? Hindi niyo ba ako kilala?... Kilala niyo kung sino ang tatay ko? Bakit niyo ako ginaganito?" Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaking lasing umano matapos magdulot ng trapiko ang nakahambalang niyang sasakyan at pinagtutulak at pinagmumura pa ang umaarestong pulis sa Muntinlupa City.

Pag-Graduate sa ALS ng mga Lola at Lolo na ito, Hinangaan dahil sa determinasyon nilang makapagtapos

Image
Trending ngayon sa social media ang post kung saan makikita ang ilang mga matatanda na nagtapos sa Alternative Learning System o ALS sa Negros Occidental. "It is never to late or too old to be educated or reeducated"  - Dr T.P Chia Congratulations to the Deped-ALS Sagay Completers and Graduates of 2021. 🎉 Salute to the PROJECT-THIRDY ALS TEAM, DEPED Officials, Barangay and LGU Officials for there endless support in the implementation of ALS Programs Thank you, DepEd Sagay Ang  ALS ay programa ng DepEd upang matulungan na makapagtapos ng pag-aaral ang mga kabataan at matatanda na hindi pa nakapagtapos ng Basic Formal Education. Dahil sa  Alternative Learning System marami sa ating mga kababayan ang nabigyan ng pag-asa at maraming buhay ang nabago.  Kung sila noon ay kapos sa buhay, ngayon ay mas maganda at magaan na ang kanilang pananaw sa buhay dahil may ibinigay ang gobyerno at iba pang pamantasan na espesyal na prebilihiyo para sa mga nakapagtapos ng pag-aaral sa ALS. Ang

Kuya Wil nagsalita na sa mga haka-hakang tatakbo siya sa senado

Image
Inihayag ni Willie Revillame na ihahayag niya sa Agosto ang mabigat na desisyon na gagawin niya sa buhay. At sa harap ng mga haka-hakang tatakbo siyang senador sa Eleksyon 2022, sinabi ng TV host na, "Hindi ako kenkoy sa Senado." "Sa August mayroon akong malaking announcement sa inyong lahat," saad niya. "Ito po desisyon sa buhay para sa akin ito at para sa ating lahat. Sana po ay maintindihan niyo." "Huwag kayong mag-alala hindi ako kenkoy sa Senado. Hindi kami magkekenkoyan. Tutulong, gagawa ng paraan, gagawa ng batas sa mga taong nagugutom. Hindi po magpapatawa doon," paliwanag ni kuya Wil. "Hintayin niyo desisyon ko, 'wag niyo 'kong pangunahan. Ako ang nakakaalam kung ano ang gusto kong gawin,"

Pamangkin ni P. Duterte, nahablutan ng cellphone; suspek agad na-aresto

Image
Hawak-hawak ang cellphone ng isang lalaki habang naglalakad ito sa isang bangketa sa Maynila mag-aalas onse ng gabi nitong Huwebes. Nang biglang may isang tricycle na lumapit sa lalaki at tsaka hinablot ang cellphone nito.  Sinubukan pang lumaban ng biktima ngunit mabilis na nakatakas ang mga kawatan. Ang biktima pamangkin pala ni Pangulong Duterte ayon kay NCRPO chief major general Vicente Danao. "Pamangkin nga po niya 'yan. He just came from work yata and then going home. Nung nakuha 'yung cellphone, tumakbo. Inireklamo niya na, at ipinakisusap niya na kung puwedeng ma-ecover yung cellphone na yun dahil ginagamit nga sa trabaho." pahayag ni NCRPO chief major general Vicente Danao.

Thurman tinanong si Pacquaio kung talagang pinangalanan niya ang kanyang aso ng 'THURMAN'?

Image
Viral ngayon sa social media ang video kung saan direktang tinanong ni Keith Thurman si Pacquaio kung talagang pinangalanan niya ang kanyang aso ng 'THURMAN' Keith Thruman: "beautiful Manny, but you know I need to know do you still have a dog named Thurman?" Manny Pacquaio: "Thurman, Hahahahahaha." Narito ang komento ng mga netizens: "Manny didn't understand what he's saying, just laughed it off😂😂" "This is the reason why Filipinos respect Thurman. All that trash talk was just for the hype in the end he acknowledged MPs win… and they both gave us boxing fans a good fight. Kudos to you KT." "This man is totally got my respect! Inside and outside the ring." "Mastery of being Alpha male thats Thurman! Cutting the interview without looking being arrogant is a talent 👌" "Thurman really made me laugh here. Mad respect to Thurman." "Filipinos like Thurman's attitude after

Si John Prats na ba ang bagong direktor ng 'It's Showtime'?

Image
Si John Prats na ba ang bagong direktor ng 'It's Showtime'? Bukod sa pagiging artista at mananayaw, si John Prats ay ngayo'y isang in-demand na direktor na dahil kamakailan lamang ay kinuha siya mag-direk sa ABS-CBN noontime show na “It’s Showtime.”   View this post on Instagram A post shared by John Paulo Q. Prats (@johnprats) Hindi pa malinaw kung para sa isang episode lamang ang kanyang pag-direk, sinabi ng host na si Vhong Navarro sa madlang pipol na si Prats ang nagdidirekta ng Friday episode ng show. "Dapat i-enjoy natin ngayon dahil ang direktor natin ngayon ay si John Prats," sabi ni Vhong Navarro sa “ Tawag ng Tanghalan ” segment. “Direk John Prats in the house,” dagdag ni Kim Chui. Hindi ito ang una na nagdirek ng isang palabas sa ABS-CBN si John Prats.  Siya rin ang nag-direk sa huling ABS-CBN Christmas special.

UFC Conor McGregor nabali ang binti sa laban kay Dustin Poirier

Image
Literal na ankle breaker ang tinamo ni Conor McGregor sa kamay ni American brawler Dustin Poirier sa kanilang paghaharap sa UFC 264 nitong Linggo na ginanap sa Las Vegas. Tinalo ni Poirier si McGregor via technical knockout sa kanilang trilogy matapos mabali ang binti ni McGregor bago matapos ang opening round. Sa video mapapanood na ilang segundo na lang ang nalalabi sa first round nang sumuntok si McGregor ay bigla na lamang itong napaupo sa sahig. Naabutan na ng bell ngunit hindi pa rin tumatayo si McGregor hanggang sa ipakita na nito na nabali pala ang kanyang binti. Ayon kay McGregor, may pangyayari talagang hindi mo inaasahan dahil hindi ito inexpect niyang magiging katapusan ng kanilang trilogy. Dahil sa pangyayari, inaasahang magkakaroon pa ng pang-apat na laban.

Goodbye ‘Tutok to Win?’ Kuya Wil, may mabigat na desisyon na kailangang gawin

Image
Ibinahagi ni Kuya Wil na may mabigat siyang desisyon na ibabahagi sa ‘Wowowin’ sa tamang panahon. Ano kaya ito? Narito ang kanyng pahayag: "Sa tamang panahon sasabihin ko ho 'yung magiging desisyon ko, at sasabihin ko dito sa programang ito," "Mawala man ako, gusto ko meron pa ring isang host na makakausap niyo. Kung sakali hong ang maging desisyon ko sa buhay ko ay mabigat, ipagdadasal ko itong mabuti, pag-iisipan ko itong mabuti," "Itong programang ito dapat ho ay laging nandiyan, mawala man ako sa mundo, sana meron pa ring Wowowin," "Siyempre dumarating ang time sa buhay mo na dapat kang magdesisyon, sa tamang panahon, sa tamang oras ho sasabihin ko kung ano ang magiging desisyon ko sa buhay. Iniisip ko lahat," "Sa bawat nakakasama ko sa industriyang ito, bago ako magdesisyon sa buhay ko kayo ang makakaalam, walang iba. Dito sa programang ito malalaman niyo ho kung ano ang desisyon ko. " "Abangan niyo po 'yan, p

Robin Padilla, kinumpirma ang hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica

Image
Sa wakas ay nagsalita na si Robin Padilla tungkol sa isyu sa pagitan ng anak na si Kylie Padilla at sa asawa nitong si Aljur Abrenica. Sa kanyang latest interview kay Ogie Diaz, kinumpirma ni Robin na talagang naghiwalay na ang dalawa. Nang tanungin kung mayroong kasangkot na third party, sinabi ni Robin na meron, na ikinagulat ng mga netizens. Sa pagpapatuloy ng panayam ibahagi ni Robin ang kanyang mga saloobin tungkol sa nangyaring hiwalayan at lantaran na inamin na nakaka-relate siya sa nangyari. Narito ang ilang pahayag ni Robin. "Ako, para sa akin ah, ang dalawang mag-asawa na hindi na nagkasundo. Hindi kayo dapat maghiwalay ng magkaaway. Bakit? Nagmahalan naman kayo.  "Nasarapan naman kayo pareho. Bakit kailangan kayong magkaaway? Dahil yung dahilan, nagtaksil yung isa? "Eh tao ka, mangyayari't mangyayari yan. Hindi yan pwedeng hindi mangyari. Kalokohan ang hindi mangyari lalo na't nasa showbiz tayo."  "Third party? "Meron daw eh. Imposibl

Kris Bernal, Nagpa-Tulfo!

Image
Dumulog ang aktres na si Kris Bernal sa Raffy Tulfo in Action matapos siyang makatanggap ng 23 fake food bookings na ipinadala sa bahay niya. Sa ulat sinabing nangyari ang 23 fake delivery sa loob lang ng dalawang araw.   View this post on Instagram A post shared by Kris Bernal (@krisbernal) Kahit isa raw sa 23 order na inihatid ng delivery riders, walang inorder ang aktres. Kilala umano ni Kris ang taong na nasa likod ng mga fake delivery at ito ay si Loudie Odono. .

Babaeng military nurse kasama sa mga nasawi sa Sulu plane crash

Image
"I assure you that I will add more benefits for your family. Importante naman. Very important really is that the family you leave behind will have the same privileges at ang importante ang eskwela, which we have set up a foundation for to see them through to college," - Pangulong Duterte. Umabot na sa 52 katao ang nasawi sa pagbagsak ng isang C-130 aircraft ng Philippine Air Force (PAF) na may lulan na 96 pasahero at crew sa Patikul, Sulu nitong Linggo. Ang C-130 military plane na may tail number na 5125 ay maghahatid sana ng mga sundalo mula Cagayan de Oro City, sa Mindanao, papunta sa Sulu province. Si 1st Lieutenant Sheena Alexandrea Tato. Siya ay mula sa Pagadian City, ngunit ang kanyang ama ay mula sa Jaro, Iloilo City. Siya ang nurse na na-assigned sa bumagsak ng military plane sa Sulu. Siya ay isang military nurse at isa sa nasawi sa pagbagsak ng eroplano ng C-130 ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Patikul, Sulu, noong Linggo, July 4, 2021. Salamat sa iyo

P. Duterte binisita ang mga nasugatang sundalo sa pagbagsak ng C-130 military plane noong Linggo

Image
Nitong Lunes, Hulyo 5, binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Bong Go ang ating mga Wounded-In-Action na mga sundalo sa Camp Navarro General Hospital sa Western Mindanao Command sa Zamboanga City ang mga nasugatan ay mula sa naganap na C-130 plane crash sa Patikul, Sulu. Sa kanilang pagdalaw, pinasalamatan ni Pangulong Duterte at Senador Go ang ating mga sundalo para sa kanilang dedikasyon at sakripisyo upang ipagtanggol ang ating bansa. Tiniyak din nila na sila ay makakatanggap ng maayos na panggamot at suporta hanggang sila ay gumaling. Nagbigay din ng tulong pinansyal at iba pang gamit si Kuya Bong Go, dagdag sa mga ayudang ibinigay mula sa Office of the President. Malaki ang paghanga nina Tatay Digong at Kuya Bong sa ating mga sundalo dahil sila ay naglilingkod upang manatiling ligtas ang ating mga komunidad. #BisyoAngMagSerbisyo 👊🇵🇭