Kumpanyang nagpasuweldo ng barya sa kanilang factory worker sinuspende na ang business permit




Sinuspende ng Valenzuela City ang business permit ng Nexgreen Exterprise, ang kumpanyang nagpasuweldo ng 5-centavo and 10-centavo coins sa kanilang empleyado.

Para kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, mas malala pa sa physical abuse ang naranasan ng manggagawang sinuwelduhan ng kaniyang kompanya nang tig-5 at 10 sentimo.

"This is about taking a person’s dignity away. Parang sinabi mo 'yung pinaghirapan mo ganyan lang ang halaga, singko at sentimo."

Bibigyan ang kompanya ng 15 araw para ayusin ang mga reklamong kinakaharap nito.

Ayon pa kay Gatchalian, maghahain din sila ng legal na kaso laban sa kompanya.

Ibinahagi rin ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang listahan ng sahod na dapat umano'y natanggap ng isang factory worker mula sa Nexgreen Exterprise.


Bukod sa pagpapasahod ng mga baryang sentimo, aabot din umano sa higit P55,000 ang utang ng kompanyang NexGreen Corporation sa isa sa mga empleyado nito.

Base sa komputasyon ng Valenzuela City, mula ang naturang halaga sa underpayment, hindi pagbibigay ng overtime pay at holiday pay sa empleyadong si Russel MaƱoza.   

Ayon kay Mayor Gatchalian, base sa imbestigasyon ng Workers' Affairs Office ay may kulang na P55,614 sa sahod ng factory worker.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo