Julia Clarete nagsalita na sa intriga kung bakit bigla siya bumalik sa PH




Winakasan na ng aktres na si Julia Clarete ang mga intriga kung bakit siya bumalik sa Pilipinas mahigit dalawang taon na ang nakakalipas matapos mag for good sa Malaysia ng ilang taon.
 

Si Clarete ay nanirahan sa Malaysia kasama ang kanyang asawang Irish na si Gareth McGeown at ang kanyang anak na si Sebastian sa negosyanteng si Stephen Uy.

"I might as well address it now. Kasi ang dami ngang artistang ganyan na kapag nag-settle down tapos umalis ng bansa, pagbalik, nagbalik artista 'yun pala boom! May naging marital problems. It happens a lot," sabi niya sa isang interview sa ABS-CBN News nitong Miyerkules.

"But in my case kasi when I left 'Eat Bulaga' for Malaysia it was to join Gareth kasi we were gonna settle in na, we were gonna get married."

Matapos ang ilang taong pagtira sa ibang bansa, bumalik siya sa Pilipinas matapos na ang asawa ay alukin ng trabaho sa Coca-Cola Beverages Philippines, Inc.

Dagdag ni Clarete: "Tumawag sa kanya 'yung company. Kasi he was running na Singapore, Malaysia and Brunei. He was running three countries as the CEO of Coca-Cola. Tinawagan siya ng Coke. Sinabi sa kanya gusto mo bang i-take on ang Philippines? Sabi niya, 'You want to go back home?' I said, 'Do you want to take on the Philippines?' Eh love niya ang Pilipinas kasi dito na rin siya galing before. Ako, hindi ko makakailang miss na miss ko ang Pinas. So sabi ko, 'Tara.'

"And he was very happy na parang I didn't mind coming back, na we will be susceptible to intrigue, but it was purely for his work and ang saya namin dito. So he is now the CEO of Coca-Cola Bottlers in the Philippines," sabi ni Julia.

Ngunit inamin ni Julia na maaari silang lumipat muli sa hinaharap.

"Expat family kami. So we will be moving after a few years. So we don't know when that will be but hopefully we get to stay a little longer," sabi ni Clarete.

Ikinasal si Clarete kay McGeown sa Ireland noong Hulyo 2017.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo