Factory worker na pinasweldo ng barya at kanyang amo nagharap sa Valenzuela City




Ipinatawag ni Mayor REX Gatchalian ang pamunuan ng Nexgreen Enterprise upang pag-usapan ang reklamo ng kanilang dating empleyado na si Russel Mañosa.

Ayon sa factory worker na si Mañosa, ibinigay ng Nexgreen Enterprise ang dalawang araw niyang sweldo nang puro 5 at 10 sentimong barya na nagkakahalaga ng P1,056.

Ayon sa may-ari ng Nexgreen Enterprise na si Jasper Cheng So aksidente lamang ang nangyari.

"'Yong coins, hindi naman intended sa kaniya. It's for my religious thing. But regardless of nagkamali man or what, 'di ba it's my command of responsibility so I accept anything na lang. Wala na, hindi na ako magko-contest," sabi ni So.

"Kung anuman 'yon, Russel, humihingi ako ng dispensa na lang," dagdag ni So.

"I don't believe na accident ito. Pinag-initan mo talaga. Di ako naniniwala."  ang pahayag ni Mayor REX Gatchalian.  

Samantala, tinanggap naman ni Mañoza ang paghingi ng tawad ng kanyang amo.

"Okay, sir. Tanggap naman, sir. Sana, sir, 'yong sa init ng ulo niyo, sir, 'wag niyo sanang idamay sa mga tao," sabi niya.



Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo