Dating Pangulong Noynoy Aquino pumanaw na

Sinasabing sumasailalim ang dating pangulo sa dialysis at nagpa-angioplasty.
Meron din siyang diabetes at lung cancer, ayon sa isang kaibigan na malapit sa kanyang pamilya.
Si Aquino, na anak nina dating Pangulong Corazon Aquino at dating Sen. Benigno "Ninoy" Aquino Jr., ang ika-15 presidente ng Republika ng Pilipinas.
Ngayong umaga lang nang ibalita ang dagsaan ng mga kawani ng midya sa Capitol Medical Center matapos ibalitang isinugod ang dating presidente sa Capitol Medical Center sa Lungsod ng Quezon.

Ang kanyang kapatid na si Kris Aquino, ay dumating sa ospital dakong alas-9 ng umaga.
Nakita rin sa ospital ang dating Foreign Secretary na si Jose Rene Almendras at dating Senador Mar Roxas.
"It's a sad day," tweet ni Erin TaƱada, isang miyembro ng Liberal Party.
Si Aquino ay naging tahimik at nawala sa mata ng publiko mula nang matapos ang kanyang termino sa pagkapangulo.
Comments
Post a Comment