Posts

Showing posts from June, 2021

Donaire, umatras sa laban sa kapwa Pinoy na si Casimero

Image
Umatras na si Nonito Donaire Jr. sa makasaysayan sana nilang laban ng kapwa-Pinoy na si John Riel Casimero Narito ang komento ng mga netizens: "The only one ever boxer scared of trashtalk in boxing history." "The first ever boxer in history who ran away from a fight just because of trash talk, that's one hell of a legacy to leave behind Donaire." "Trashtalk is part of boxing even in mma,trashtalking makes the fight exciting,it could be a part of bussiness..dahil dito marami na Basher ni Donaire..." "Di naman pambabastos yun sinabi lang ni quadro alas yung experience nya noon, natatakot lang talaga si donaire nakakapang hinayang pero hindi ganyan ang isang kampeon." "The only Boxer..in history..who quit..because of Trashtalk..what a legacy.." "Bakiit nung binastos ni wilfredo vasquez asawa mo tinuloy mo laban mo sa kanya..bkit ngayun takut kana?hahaha duwag donaire."

Phylbert Angelli Ranollo lumipat na sa GMA network

Image
Opisyal na Kapuso na rin ang award-winning actress na si Bea Alonzo! Ito ang inanunsyo ng Kapuso Network sa kanilang social media nitong Huwebes. "She is #ProudToBEAKapuso ?? Welcome to GMA Network, Bea Alonzo!" caption ng post bilang pag-welcome kay Bea. Matatandaang inanunsyo noog March 2021 ang tambalang Alden Richards and Bea Alonzo sa Philippine movie adaptationg ng Japanese TV drama na "Pure Soul".

Factory worker na pinasweldo ng barya at kanyang amo nagharap sa Valenzuela City

Image
Ipinatawag ni Mayor REX Gatchalian ang pamunuan ng Nexgreen Enterprise upang pag-usapan ang reklamo ng kanilang dating empleyado na si Russel Mañosa. Ayon sa factory worker na si Mañosa, ibinigay ng Nexgreen Enterprise ang dalawang araw niyang sweldo nang puro 5 at 10 sentimong barya na nagkakahalaga ng P1,056. Ayon sa may-ari ng Nexgreen Enterprise na si Jasper Cheng So aksidente lamang ang nangyari. "'Yong coins, hindi naman intended sa kaniya. It's for my religious thing. But regardless of nagkamali man or what, 'di ba it's my command of responsibility so I accept anything na lang. Wala na, hindi na ako magko-contest," sabi ni So. "Kung anuman 'yon, Russel, humihingi ako ng dispensa na lang," dagdag ni So. "I don't believe na accident ito. Pinag-initan mo talaga. Di ako naniniwala."  ang pahayag ni Mayor REX Gatchalian.   Samantala, tinanggap naman ni Mañoza ang paghingi ng tawad ng kanyang amo. "Okay, sir. Tanggap

Kumpanyang nagpasuweldo ng barya sa kanilang factory worker sinuspende na ang business permit

Image
Sinuspende ng Valenzuela City ang business permit ng Nexgreen Exterprise, ang kumpanyang nagpasuweldo ng 5-centavo and 10-centavo coins sa kanilang empleyado. Para kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, mas malala pa sa physical abuse ang naranasan ng manggagawang sinuwelduhan ng kaniyang kompanya nang tig-5 at 10 sentimo. "This is about taking a person’s dignity away. Parang sinabi mo 'yung pinaghirapan mo ganyan lang ang halaga, singko at sentimo." Bibigyan ang kompanya ng 15 araw para ayusin ang mga reklamong kinakaharap nito. Ayon pa kay Gatchalian, maghahain din sila ng legal na kaso laban sa kompanya. Ibinahagi rin ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang listahan ng sahod na dapat umano'y natanggap ng isang factory worker mula sa Nexgreen Exterprise. Bukod sa pagpapasahod ng mga baryang sentimo, aabot din umano sa higit P55,000 ang utang ng kompanyang NexGreen Corporation sa isa sa mga empleyado nito. Base sa komputasyon ng Valenzuela City, mula an

Sulfur dioxide mula sa Taal Volcano, umabot na sa Metro Manila at ilang kalapit na mga lalawigan

Image
Ilang araw nang naglalabas ng sulfur dioxide at steam-rich plumes ang Taal Volcano. Ayon sa Phivolcs, ang sulfur dioxide ay isa sa karaniwang volcanic gases na nagmumula sa isang aktibong bulkan, gaya ng Taal Volcano.  "Ito ay acidic na maaaring magdulot ng pagkairita ng mga mata, lalamunan, at ilong," dagdag ng ahensiya, kaya ipinapayo nilang limitahan ang pagkakalantad o exposure dito.    Ang sulfur dioxide mula sa Taal Volcano ay umabot na sa Metro Manila at ilang kalapit na mga lalawigan.  Sa pinakahuling abiso ng Phivolcs ngayong Miyerkoles, umabot na ang volcanic smog na binubuga ng Bulkang Taal sa Batangas, Cavite, Metro Manila, Laguna, Rizal, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Bulacan, Bataan, Pampanga, Zambales, Pangasinan, Tarlac, La Union, Benguet, Nueva Ecija, Nueva Viscaya, Quirino, at Aurora. Makikita sa video na ito ang halos zero visibility sa Quezon City ngayong umaga. Nagpaalala ang Phivolcs ang Phivolcs na "acidic na maaaring magdulot ng pagkai

Aso ni PNoy na si Apollo, tila naramdaman ang pagkawala ng kanyang amo

Image
Maging ang aso raw ni dating Pangulong Noynoy Aquino, tila naramdaman na wala na ang kaniyang amo. Isinama ang asong si Apollo sa libing ng kaniyang amo. Narito naman ang mga reaksyon ng mga netizens: Romdion Beran: "Apollo may just be a part of NOY NOY Aquino's life, but for Apollo Noy noy is his whole life." The Country Lass: "Because doggies and owner have incredible invisible connection. Lalo na kapag they are treated with love." EL Avaristo: "Dog may feel something went wrong when his owner doesn’t show up anymore😞.." HUNGRY COOLET: "Ganyan talaga ang mga aso loyal talaga alam agad nila nawala na amo nila" Mcky Respect: "Sana nag stay sa family or sa handler si APOLLO Please Do Not Surrender Him to Animal Pounds or K9 Shelters. If ever I am willing to adopt him and give the love he needs! K9 handler here, but if ever di mangyari yun, baka magka anak si APOLLO i would gladly to have taken care of his Pup." Lilia

Highlights sa Libing ni Noynoy Aquino

Image
Naihatid na sa kaniyang huling hantungan si Dating Pangulong Noynoy Aquino. Pero hindi kagaya ng libing ng kaniyang mga magulang noon na dinumog ng tao, naging limitado ang libing ni PNoy sa publiko dahil sa pagsunod sa health protocols. Ang iba pang mga tagpo sa makasaysayang libing ng dating pangulo ng bansa, silipin sa video.

Susunod na Presidente at magpapaunlad sa Pilipinas nahulaan ni Nostradamous?

Image
Nahulaan ang magiging bagong presidente ng pilipinas. Mangyayari kaya ito? In the 57th year of the 19th century, the Peace of Justice and the Blood of Love, From the Blessed Land of the Orient Pearl in Asia, an innocent Boy shall be born. The Yellow Evil holding the 15th Fire will burn, and its nation having the power of the 3 Stars will be in favor to the New Leader beholding the 16th Fire. Blessed are you Land of the Promise, the 1st Golden Sunbeams shine as Noonday will shine from you And will start His work at the Year of the Tiger, and its People shall honor and force Him to be their Savior Leader Land of the Promise! The place where the Greatest Lover will arise and recovered. Glory to the Heavens who became the Red Sun, the Blue Sea and the White Thunder! This is the Glory of all Glory, the Hope of all Ages is Born at the City from the North, and will end His final mission as the Wealthiest City. Blessed are you Land of Promise, the Restorer of Asia! - Nostradamus

Trillanes kay Pnoy: "Until we meet again.."

Image
Sinabi ni dating senador Antonio Trillanes IV noong Huwebes na ang dating Pangulong Benigno Aquino ay naglingkod sa Pilipinas ng "matapat, taos-puso" sa kanyang termino. Noong 2010, ipinagkaloob ni Aquino ang amnestiya kay Trillanes at iba pang mga sundalong kasangkot sa Oakwood Mutiny noong Hulyo 2003. Si Trillanes, na nagsilbi rin kasama ni Aquino sa Senado, ay nagulat at nalungkot sa pagkamatay ng dating pangulo. Ito ang mensahe ni dating Sen. Antonio Trillanes IV para kay dating pangulong Noynoy Aquino. "Si President Aquino ay talagang he served our country well, honestly, sincerely, to the best he could."  "Ang nakakasama ng loob lang is may mga masasamang elemento sa ating politika na pilit ginigiba ang kaniyang legacy, mga ginawa," "He lived up to the Aquino name nung nanilbihan siya, 'yun sana ang maalala sa kanya ng taumbayan." "This is the man who gave us our freedom. Maraming salamat, my President. Until we meet again…&

Benjie Paras, umalma sa bakuna!

Image
Tuloy tuloy ang pagpapabakuna ng mga pasok sa A4 category o yung mga economic frontliners. Ngayong pinalawak na ng IATF ang A4 priority group, bahagi na ang 35 milyong essential workers o economic frontliners ng A4 Priority Group ang mga taga-entertainment industry.   Gaya ng delivery riders, waiters, security guard, mga nagtatrabaho sa media, gobyerno at iba pa. Ilang artista, nagpabakuna sa ‘Ingat Angat, Bakuna Lahat’ vacccination program. Umaasa naman ang nasa industriya ng entertainment na babalik sa normal ang sitwasyon sa bansa upang muli silang makapagtrabaho at makagbigay saya sa mga mamamayang Pilipino.  

LIVE: Dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III, pumanaw na

Image
Pumanaw na sa edad na 61 si dating Pangulong Benigno Simeon "Noynoy" Aquino III ngayong Huwebes, limang taon lang matapos niya bumaba sa opisina. Sinasabing sumasailalim ang dating pangulo sa dialysis at nagpa-angioplasty. Meron din siyang diabetes at lung cancer, ayon sa isang kaibigan na malapit sa kanyang pamilya. Panoorin ang special coverage:  

Dating Pangulong Noynoy Aquino pumanaw na

Image
Pumanaw na sa edad na 61 si dating Pangulong Benigno Simeon "Noynoy" Aquino III ngayong Huwebes, limang taon lang matapos niya bumaba sa opisina.  Sinasabing sumasailalim ang dating pangulo sa dialysis at nagpa-angioplasty.  Meron din siyang diabetes at lung cancer, ayon sa isang kaibigan na malapit sa kanyang pamilya. Si Aquino, na anak nina dating Pangulong Corazon Aquino at dating Sen. Benigno "Ninoy" Aquino Jr., ang ika-15 presidente ng Republika ng Pilipinas.  Ngayong umaga lang nang ibalita ang dagsaan ng mga kawani ng midya sa Capitol Medical Center matapos ibalitang isinugod ang dating presidente sa Capitol Medical Center sa Lungsod ng Quezon. Ang kanyang kapatid na si Kris Aquino, ay dumating sa ospital dakong alas-9 ng umaga. Nakita rin sa ospital ang dating Foreign Secretary na si Jose Rene Almendras at dating Senador Mar Roxas. "It's a sad day," tweet ni Erin Tañada, isang miyembro ng Liberal Party. Si Aquino ay naging tahimik at naw

Paalam, Shalala. TV host at Komedyante na si Shalala pumanaw na

Image
Pumanaw na ang kilalang host at comedian na si Shalala. Sa edad na 61 pumanaw si Shalala dahil sa pulmonary tubercolosis. Ayon sa kanyang kapatid na si Anthony Reyes. Na-confine siya sa national kidney institute noong nakaraang linggo at gumanda naman daw ang kanyang kondisyon kalaunan, pero nag-deteriorate ang kanyang katawan matapos ang ilang araw. Sa isang panayam, nagpaabot ng mensahe ang kapatid ni Shalala. "Maraming-maraming salamat po sa lahat, Kuya Lito.  Ikaw ang naging sandalan naming magkakapatid.  I kaw na nagtaguyod sa pamilya.  Hirap kami kung wala ka.  Maraming-maraming salamat sa tulong na ginawa po para sa’ming lahat.” -Anthony M. Reyes Sa mga nais tumulong sa pamilya, maaring mag-donate sa account ng kanyang kapatid: Metrobank Savings 091-3-091-33785-2 Anthony M. Reyes.

Jodi Sta Maria, grumadweyt sa kursong B.S. in Psychology with honors

Image
Nakamtan na ang pangarap! Congratulations kay Jodi Sta. Maria na grumadweyt na sa kursong Bachelor of Science in Psychology, Batch 2021. Hindi naging madali, pero sabi ni Jodi, sa tuwing maraming challenges, sinasabi niya parati na "kaya 'to!" Narito ang mensahe ni Jodi:    "Success comes to those who want it. And sometimes you have to ask yourself “how much do I want this?” I dreamt of finishing my schooling ever since I entered show business and today, after more than a decade, marks the fulfillment of that dream. After 4 long years, I am here graduating from college. In school, whenever I faced a seemingly insurmountable task, I’d always push myself and say “it can be done.” I knew that God was with me all through out my college life and I kept holding on to his promise that I can do all things through Him who gave me strength and supplied me with more than I needed according to His glorious riches in Christ Jesus. God is always faithful to his wor

Jose Rizal, "Jose Co" 30% Chinese 50% Pinoy?

Image
"JOSE CO" Kung susundin ang pinagmulan ng pamilya ni Jose Rizal, ang kanyang magiging pangalan ay Jose Co, s'ya ang apo sa talampakan nina Siang Co at Zun Nio, pamilyang Chinese sa Fujian, China. Si Jose Protacio Mercado y Alonso o mas kilala natin bilang Jose Rizal ay ang ika-pito sa labing-isang anak nina Francisco Engracio Mercado at Teodora Alonso ng Biñan, Laguna. Mismong si Jose Rizal ang tumuklas at nanaliksik sa family tree ng kanyang ama, pumunta pa ito ng China sa barrio ng Sionque sa distrito ng Chin-Chew, Fujian.  Natuklasan n'ya na may anak sina Siang Co at Zun Nioa na lumipat at tumira na sa Pilipinas noong 1690. ang pangalan ng kanilang anak ay si Lam Co, nakita n'ya ang isang dukumento na sa edad na 35 ay na-bautismuhan ito ng mga kastila bilang katoliko at nabago ang pangalan bilang Domingo Co, Kinasal ito sa isang Chinese-Meztisa na si Ines dela Rosa. Si Domingo Co ay malapit sa mga may posisyon noong panahon ng kastila, nakapagmay-ari si

Pangulong Duterte, hinimok si Willie Revillame na tumakbo sa pagka-senador sa Eleksyon 2022

Image
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang tumakbo sa pagka-senador si "Wowowin" host Willie Revillame sa halalan noong 2022. "Willie, si mayor 'to. Kumusta ka? Matagal na tayong 'di nagkita pero palagi kitang naaalala dahil gusto ko sanang maging senador ka," pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang video message. Sinabi ng pangulo na nagdadalwang isip si Revillame sa pagtakbo bilang kandidato sa pagka-senador sa susunod na taon. Gayunpaman, sinabi ng pangulo na ang slot ni Revillame ay "open until the last minute." "Kung ayaw mo na talaga eh di puwede na tayong mag-usap ulit," sabi ni Duterte. Dagdag pa ng pangulo na hinahangaan niya ang kakayahan ni Revillame na kumonekta sa publiko. "Bilib ako sa appeal mo sa masa," sabi ng pangulo.

Hugis 'koronang usok' sa Delpan bridge sa Maynila viral sa social media

Image
Naaktuhan ng isang netizen ang pagsabog sa nagaganap na sunog sa Delpan bridge sa Maynila noong Hunyo 12. Nagulat ang marami nang magpormang korona raw ang usok na kalauna'y naging bilog na guhit bago tuluyang nawala sa himpapawid. Katakot.. eksena habang papasok sa office. May sunog sa ilalim ng Delpan Bridge. Isang vessel.. Sa mga na nonood na sunog malapit delikado po. Kaming nasa loob ng car naramdaman namin ang init ng pagsabog. Kitang kita ko paano nag form.. Ask ng iba kung ako ang nag shot yes its me.. Habang nasa car ako at pinapanood ko paano ang bumbero nag tutulungan.. Ayon sa ulat bandang 8:00 ng umaga nang magsimula ang sunog. Umabot ito hanggang sa ika-limang alarma bandang tanghali. Alas tres na ng hapon nang tuluyan nang humupa ang apoy. Anim ang naitalang nasugatan sa nasabing insidente.

Julia Clarete nagsalita na sa intriga kung bakit bigla siya bumalik sa PH

Image
Winakasan na ng aktres na si Julia Clarete ang mga intriga kung bakit siya bumalik sa Pilipinas mahigit dalawang taon na ang nakakalipas matapos mag for good sa Malaysia ng ilang taon.   View this post on Instagram A post shared by JuliaClarette (@juliaclarette) Si Clarete ay nanirahan sa Malaysia kasama ang kanyang asawang Irish na si Gareth McGeown at ang kanyang anak na si Sebastian sa negosyanteng si Stephen Uy. "I might as well address it now. Kasi ang dami ngang artistang ganyan na kapag nag-settle down tapos umalis ng bansa, pagbalik, nagbalik artista 'yun pala boom! May naging marital problems. It happens a lot," sabi niya sa isang interview sa ABS-CBN News nitong Miyerkules. "But in my case kasi when I left 'Eat Bulaga' for Malaysia it was to join Gareth kasi we were gonna settle in na, we were gonna get married." Matapos ang ilang taong pagtira sa ibang bansa, bumalik siya sa Pilipinas matapos na ang as

Mga sadyang naninira ng pera, puwedeng makulong o pagmultahin, ayon sa BSP

Image
Sa isang pahayag, sinabi ng BSP na maaaring pagmultahin ng hindi hihigit sa P20,000 o makulong ng hanggang limang taon ang sinumang mapatutunayang sadyang naninira ng salapi, alinsunod sa Presidential Decree No. 247. Kabilang sa mga ipinagbabawal na gawin sa salapi ang mga sumusunod: • Pagsulat o paglalagay ng mga guhit sa banknotes • Sadyang pagpunit o pagsunog • Sadya at sobrang pagtupi o paglukot sa banknotes • Pagtupi para mag-iba ang hugis o hitsura • Pag-stapler o paglalagay ng ano mang pandikit • Pagbabad sa kemikal WARNING Against the Improper Handling of Philippine Currency Willful defacement, mutilation, tearing, burning or destruction of banknotes/coins are punishable by a fine of not more than PHP20,000.00 and/or imprisonment of not more than 5 years, under Presidential Decree No. 247 pic.twitter.com/7LxY0fLtbX — Bangko Sentral (@BangkoSentral) February 19, 2019 Maaari raw isumbong sa pulisya o tumawag sa BSP kapag nakakita ng sadyang paninira ng salapi.

National ID vs. Facebook profile pic, Good vibes ang hatid sa mga netizens

Image
Good vibes ang hatid sa mga netizens ng isang post na ibinahagi ng netizen na si Manelyn Barredo Biarcal Sa kanyang post, pinagkumpara nya ang picture sa national ID at ang profile picture nya sa Facebook. May caption ito na:   "National ID vs. PROFILE PICTURE sa FB 🤣😅 Why naman ganyan mura nmn kog 55 anyos aning dagwaya hahahah." Agad itong dinagsa ng mga komento mula sa netizens. Marian Carla Weisenforth: dyusko yung voters ID at passport ko talaga katapat neto. Mukha akong TUKO na hindi kumain ng sampung buwan pero wag nalang baka makapagsalita na si Jollibee ng wala sa oras 🤣😂 JhAy Pinzon: ung galing graveyard shift ako, dretso apply NBI at UMID after shift.. aun mukha akong thumbmark.! kkaupo pa lng sa upuan pra magpicture sabay tawag ng NEXT.!! shuta.!! gulat na thumbmark.!! bwahahahahaa.. Arnie Monte: S subrang haba ng pila ewanku lang kung anu n itsura pagdting s picturial🤣wla pang kafilter filter kaya parang dimu mawari nung andun ako n para akong nangiwi ung mu

Duterte: "I would not want to degrade him but next time he should, mag-aral ka muna nang husto."

Image
Nagkomento si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging puna ni Senator Manny Pacquiao tungkol sa kaniyang mga pahayag sa panghihimasok ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea. "It's about foreign policy. I would not want to degrade him but next time he should, mag-aral ka muna nang husto," ang sabi ni Pangulong Duterte sa isang interview ni Pastor Apollo Quiboloy sa Davao City. "Apparently this guy has a very shallow knowledge," dagdag pa ni Duterte. Nitong Mayo, pinuna ni Pacquiao ang paninindigan ni Duterte sa pagpasok ng China sa West Philippine Sea bilang "kulang." "Sa akin nakukulangan ako doon sa kumpara doon sa bago pa siya tumakbo, mage-eleksyon pa lang. Dapat ipagpatuloy n’ya ‘yun para magkaroon din ng respeto sa atin ang China,” sabi ni Pacquiao sa isang online interview sa mga reporters. Ang tinutukoy ni Pacquaio ay ang ang pahayag ni Duterte noong 2016  na kung ang tribunal ay maging pabor sa Pilipinas at tuma

John Lloyd Cruz naging emosyonal sa pagbabalik telebisyon

Image
Sa midyear tv special ng Shopee sa Smart Araneta Coliseum, sinalubong ni Willie Revillame ang nagbabalik na aktor na si John Lloyd Cruz. Makalipas ang ilang sandali matapos ang performance ni John Lloyd ng "Yakap," nagkaroon sila ng isang emosyonal na palitan sa telebisyon ng aktor.   Tinanong ni Willie si John Lloyd, "Ikaw ba, handa ka na bang umibig ulit?" Walang pag-aalinlangan na sinagot ito ni John Lloyd ng "Handang handa na!" "Abangan niyo ho, abangan niyo magsasama kami ni Lloydie magbibigay saya sa inyo sa isang primetime show. Abangan niyo ho 'yan dito sa GMA-7," sabi ni kuya Will

Whale shark, namataan sa bahagi ng Manila Bay sa Bulacan

Image
Isang kakaibang uri ng isda ang namataan sa bahagi ng Manila Bay sa Bulacan. Namangha ang mga mangingisda sa Hagonoy, Bulacan, nang mamataan nila ang Isang butanding o whale shark sa kanilang lugar! Good news daw ito ayon sa isang marine biologist.

Vegetable garden ng isang tricycle driver, umaani ng samu't saring award

Image
Award-winning ang isang vegetable garden sa Mandaue City. Ang pagtatanim ng samu't saring gulaiy ang naging solusyon daw ng isang tricycle driver para 'di magutom ang kaniyang pamilya. Netizens comments: "This should be the type of news as it’ll give positive vibes and inspiration to Filipinos. ☺️👍🏼 Well done to creator of that garden 🪴." "Buti Tricycle Driver Masipag Marunong sa Buhay.. Ung Iba Gusto Welga at Hingi lang ng Ayuda 😂😂😂" "This a great proof that there is always a way for living. It doesn't need to be glamorous but decency is enough. Always go back to nature where everything we need is available. Just learn to live by what you need. From that you will learn the value of gratitude and contentment. After that everything will follow with the blessing from our great PROVIDER. Salute to you TATAY" "Dont say "we need more people like him" say "I'm gonna be like him" "Sana all hardworking at may

Toni Gonzaga nagpa-Tulfo

Image
  Raffy Tulfo: Kakatapos lang po ng aking newscast, magugulat po kayo.   It's now 7:30PM isa pong espesyal na kaso ito.   Yes, merong inireklamo kasi kaya kailangan kong gampanan at aksyonan ang reklamong ito.   Pero unique po itong reklamong ito, dahil ang inireklamo ay tiyuhin ng sikat na artista.

Training ni Manny Pacquiao vs. Spence Jr., nagsimula na

Image
Sumabak na sa kanyang training si senator Manny Pacquiao para sa laban nila ni Errol Spence Jr. sa  August 2021. Excited na raw si Pacman matapos ang dalawang taong haitus sa boxing kasunod ng split decision ng laban nila ni Thurman. Dedma naman ang pambansang kamao sa mga nagsasabing siya ang underdog. Sapat pa raw ang panahon para maibalik ang kanyang 100%. Maging ang kanyang trainer na si Buboy Fernandez, bilib dahil kita pa rin daw ang bilis ni Pacman

Fried towel, isinumbong ng netizen kay idol Raffy Tulfo

Image
Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang customer na nakatanggap ng fried bimpo imbes na fried chicken. Ikinuwento niyang may isang customer din umano na nakipag-ugnayan sa kanyan na nakatanggap naman ng wipes imbes na fried chicken. Upang masiguradong hindi siya makakasuhan ng fast food kung saan siya nag-order ng fried chicken kumunsulta na umano sa abogado ang netizen na si Angelique Perez. Sa programa ni idol Raffy Tulfo at itinanong ni Angelique kung may pananagutan ba ang nasabing establisyemento sa kanila. Klinaro naman ni idol Raffy na walang kasong pwedeng isampa kay Angelique dahil ang post niya ay hindi para manira kundi para sa awareness ng lahat.

Lalaking nakasaklay, biglang nakatakbo para habulin ng saksak ang marshal na sumita sa kanya

Image
Biglang naglakad at tumakbo ang isang lalaking nakasaklay sa EDSA carousel, upang habulin ng saksak ang isang traffic marshal. Isang lalaking nakasaklay ang lagi umanong nakatambay sa EDSA Carousel sa bahagi ng Ortigas City para manghingi ng limos. Pero nang sitahin siya ng isang traffic marshall, nagawa niyang bitawan ang saklay at makatakbo nang mabilis para habulin ng saksak ang awtoridad. Hindi ito himala dahil nagkukunwari lang siya na hindi niya kayang maglakad.

Apelyido ng amang si Dennis Padilla, pinalitan ng kanyang mga anak ng Barretto

Image
Apelyido ng amang si Dennis Padilla, pinalitan ng kanyang mga anak ng Barretto. Malungkot na pahayag ni Dennis: "Bakit kailangan palitan ng family name, samantala ang gamit naman niya eh mas kilala sila ng tao sa Barretto bakit kailangan palitan yung name?" "Pa I'm sorry ah pinalitan na namin yung apelyido mo, Barretto na kaming lahat."

Jelai Andres di na kinaya ang pambababae ng asawa, nagsampa ng kasong concubinage

Image
Jelai Andres, tuluyan nang nagsampa ng reklamo laban kay Jon Gutierrez. Naghain ng reklamong concubinage ang aktres at vlogger na si Jelai Andres laban sa kanyang asawang si Jon Gutierrez na mas kilala bilang King Badger ng Ex Battalion sa Quezon City Department of Justice kanina. Kasama sa sinampahan niya ng reklamo ang umano'y karelasyon ni Gutierrez at ang tumutulong sa kanilang relasyon. Pahayag naman ng abogado ni Andres, nauna na silang nagsampa ng kasong violence against women and children noong Abril. Nakaranas aniya ng depression si Andres dahil umano sa patuloy na pambababae ni Gutierrez. Ngayong araw rin nakatakda ang ikalawang hearing ng kaso. Dumating si Gutierrez at ang kanyang abogado pero hindi na sila nagpasa ng counter affidavit. Agad ding umalis si Gutierrez at tumanggi nang magbigay ng pahayag. Samantala, nakatakda na rin daw mag-file ng annulment case si Andres.

52-anyos babae patay matapos barilin ng lasing na pulis sa QC

Image
Arestado ang isang pulis na si Police Master Sergeant Hensie Zinampan matapos ma-hulicam ang pagbaril sa 52-anyos na ginang na kanyang kapitbahay sa Barangay Greater Fairview sa Quezon City. Ang biktima ay nakilalang si Lilibeth Valdez. Nakuhanan pa ng video ang buong pangyayari sa Sitio Ruby. Itinaggi  ng pulis na siya ang pumatay sa biktima kahit pa kitang-kita sa video ang kanyang pagbaril.  Kwento ng anak ng biktima, bumibili lang daw sa tindahan ang kanyang nanay nang lapitan ng lasing na pulis. May 1 daw nang magkasuntukan ang kapatid niyang lalaki at ang pulis. Pagkatapos daw ng insidente noong May 1 ay nagbanta na ang pulis