PGT finalist na si Mark Joven Olvido huli sa buy-bust sa Laguna

Huli ang dating finalist ng Pilipinas Got Talent Season 6 sa buy-bust operation sa Sta. Cruz, Laguna, nitong Biyernes.
Inaresto ng pulisya si Mark Joven Olvido na diumano'y nagbebenta ng ilegal na droga sa isang buy-bust operation.
Nakuha sa kanya ang tatlong sachet ng shabu at marked money mula sa pinagbentahan nito.
Ang mga tauhan ng Sta. Cruz Municipal Police Station at mga miyembro ng PDEA ng Region 4 ang umaresto kay Joven.
Base sa ulat ng Laguna Provincial Police, nakatanggap sila ng sumbong tungkol sa umano'y ilegal na gawain ni Olvido.
Nagkasa ang mga pulis ng buy-bust operation sa Barangay Duhat.
Matapos makabili ng droga ang pulis na nagpanggap na buyer, agad dinakip si Olvido.
Nakuha sa kanya ang tatlong maliit na sachet ng hinihinalang shabu at ang buy-bust money na P2,000.
Ikinulong na si Olvido sa Sta. Cruz Municipal Police Station.
Nakakulong na ang dating PGT finalist na si Mark Jove Olvido matapos maaresto sa drug buy-bust operation sa Sta. Cruz, Laguna pic.twitter.com/eD5HvrkWbF
— Dennis Datu (@Dennis_Datu) May 15, 2021
Si Olvido ay nakilala bilang "vape master" dahil sa kanyang talento sa pag-vape.
Naging finalist siya sa Pilipinas Got Talent noong 2018 at lumabas din sa ilang palabas at pelikula.
Dating nagtrabaho bilang tricycle driver si Olvido bago siya naging contestant sa Pilipinas Got Talent Season 6 noong 2018.
Comments
Post a Comment