Miss Myanmar, tumakas lang sa kanilang bansa upang makasali sa Miss Universe

Inihayag ni Miss Myanmar Thuzar Wint Lwin sa isang interview na kailangan niyang tumakas palabas ng kanyang sariling bansa upang makasali sa 69th Miss Universe pageant.
Bago umalis si Thuzar sa Myanmar para sa Miss Universe 2020, aktibo siya sa mga kilos-protesta sa kanilang bansa at ginagamit niya ang social media para kondenahin ang naganap na coup d’etat noong February 2021
Ayon kay Miss Myanmar, hindi napansin ng Myanmar border security ang kanyang pag-alis dahil sa kanyang suot na hoodie at dark sunglasses.
Talagang takot na takot siya dahil kailangan niyang dumaan sa imigrasyon.
“I had to pass through immigration and I was so scared,” sabi niya sa isang panayam sa Florida.
Sa kabutihang palad, nakalampas siya sa imigration subalit hindi na nakarating sa Florida ang kanyang mga bagahe.
Gayunpaman sinuportahan siya ng mga kapwa niya kandidata.
Maging ang mga pageant organizers ay inasikaso din si Miss Myanmar at tumulong na ibigay ang kanyang mga pangangailangan sa pageant.
Bukod sa pagwawagi ng Best in National Costume, nakapasok din si Miss Myanmar Thuzar Wint Lwin sa Top 21 ng Miss Universe 2020.
Comments
Post a Comment