John Lloyd Cruz at Andrea Torres magsasama sa upcoming sitcom ni kuya Will!



Ang aktor na si John Lloyd Cruz, na nagbalik showbiz matapos ang 3 taong pahinga ay makakatrabaho ang Kapuso actress na si Andrea Torres sa isang upcoming sitcom

Kinumpirma ito ng celebrity host na si Willie Revillame, na magpapatakbo rin sa sitcom.

Bilang respeto sa home network ni John Lloyd, kinausap ni Willie si ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak tungkol sa proyekto na gagawin nila sa GMA-7 ng nagbabalik-showbiz na aktor.

Tiyak na pag-uusapan ito, dahil kasama sa cast si Andrea, ang ex-girlfriend ni Derek Ramsay na fiancé ngayon ni Ellen Adarna, ang ina ng anak ni John Lloyd.

Si Andrea ang gaganap na love interest ni John Lloyd sa binabalak ni Willie na sitcom.

Hudyat din ang sitcom na ito ng pagbabalik ni Willie sa pag-arte na dalawampung taon niyang ipinahinga dahil itinuon niya ang kanyang atensyon sa television hosting, at sa pagtulong sa ating mga mahihirap na kababayan. 

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo