Posts

Showing posts from May, 2021

Matandang nagtitinda ng gulay at namumuhay mag-isa, inaksyunan ni idol Raffy

Image
Sa malasakit ng netizen na si Juribel Esmero, matutulungan ni idol Raffy Tulfo si Lolo Renato Olaso. ang isang matanda na naglalako ng gulay at namumuhay mag-isa sa Laguna. Sa panayam sa programa, nalaman ni idol Raffy na swerte na raw na kumita ang matanda ng P150 sa isang araw para sa kanyang mga pangangailangan. Bukod sa tulong pinansyal na pampuhunan, ipagagamot din ni idol Raffy si Lolo Renato at bibigyan din niya umano ito ng mas maayos na bahay. Panoorin ang video sa ibaba:

Ruby sinagot na ang tanong ng netizens kung tinanggal o umalis ba siya sa Eat Bulaga

Image
Sinagot na ni Ruby Rodriguez ang tanong ng maraming netizens kung tinanggal ba o umalis ba siya sa Eat Bulaga. 31 taong naging co-host ng Eat Bulaga! si Ruby Rodriguez kaya marami ang nagtaka nang hindi na siya makita sa noon time show.  Naritoang pahayag  ni Ruby Rodriguez: “Actually, hindi ako umalis kasi nagpaalam ako na magli-leave of absence lang ako." “Ang sabi sa akin ni Mr. Tuviera, [president and CEO ng TAPE, Inc.]‘You will always have a home here in Eat Bulaga.’ At siyempre, inasahan ko ‘yon. "So, when they started to go on air, it’s their decision kung sinong pababalikin nila. View this post on Instagram A post shared by Ruby Rodriguez (@rodriguezruby) "Ang makasasagot lang kung tinanggal ako o hindi ay sila. That’s why I always say, 'Please ask them.' "I don’t know how they will answer it. If they were going to say, 'Ito ba ay leave?' "Hindi ko alam kung ano ang desisyon nila, but it’s management’s

Megamouth shark natagpuang patay sa Leyte?

Image
Isang pating ang natagpuang patay sa Tarragona Beach, MacArthur, Leyte nitong Biyernes, May 28, 2021. Ayon sa netizen, may mga nakapagsabi sa kaniya na isa raw itong "Megamouth shark." May sugat din daw ito sa tiyan at ibabang bahagi ng katawan.   Inilibing na rin agad ang pating matapos maireport sa pulisya at iba pang otoridad.

"Officer ka ba?" Road rage sa pagitan ng dalawang motorista huli sa kamera

Image
Trending ngayon ang video ng isa pang insidente ng road rage sa pagitan ng dalawang rider matapos itong mai-post sa social media. Ang Rod Rage ay isa sa mga pangunahing problema sa trapiko hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba't ibang mga bansa sa buong mundo. Mga motorista ng maiinitin ang ulo ang karaniwang nasasangkot sa mga road rage dahil sa kawalan ng pasensya. Netizens Comments: Lennor Serotse Adneit Ang iinit ng ulo nyo pag may siraulo sa daan iwasan mo na agad dahil wlang mangyayaring maganda kung papatol kapa kahit sabihin mo sobra yung ginawa sayo hangat hindi kailangan huminto huwag kana huminto isipin mo yung pamilya mong naghihitay sayo at hindi ka kikita kapag pumatol kapa sa mga siraulo sa kalsada ride safe sa lahat.. RJ Belen Martin Kapag ganyan ang asal ng mga tao natutuwa si satanas kasi ganyan ang gusto nya mangyari sa mga tao ang mag away away ang magpatayan ang mapoot sa isat isa! Dapat layuan nyo ang bawat anyo ng masama, kung nag bad finger ma

10 anyos batang lalaki sa Sultan Kudarat inulan ng donasyon pagkatapos matampok na KMJS

Image
Dumagsa ang tulong para sa 10-anyos na si Reymark mula Sultan Kudarat matapos ma-itampok ang kanyang kuwento sa KMJS. Sa tulong ng mga netizens, tuluyan nang magbabago ang buhay ni Reymark.  Kwento ni Raymark:   "Araw-araw, nag-aararo ako para sa aking pamilya. ‘Yung kabayo namin na si Rabanos ang kasa-kasama ko po. Ako na rin ang nagpapakain sa kanya tuwing umaga. Mahirap po dahil maliit lang ako. Pero wala naman kaming magagawa. Kailangan na lang pong tanggapin. Ako na lang po ang bumubuhay sa aking pamilya. Kaya kahit maliit ako, titiisin ko po ang hirap. Masakit po sa katawan at sa pakiramdam. Ang hirap po kasi na wala kang pera. Ang hirap po nang lagi mong iniisip kung makakakain ‘yung pamilya mo sa isang araw. Wala naman po akong ibang magawa kundi magtiis. Minsan, kapag nakikita ko ‘yung ibang bata, naiinggit ako. Nakakapaglaro kasi sila, nakakapag-bike. Pero ako po, nandito sa bukid, nagtatrabaho. Pakiramdam ko po wala na kaming chance na yumaman sa mundo.

John Lloyd Cruz at Andrea Torres magsasama sa upcoming sitcom ni kuya Will!

Image
Ang aktor na si John Lloyd Cruz, na nagbalik showbiz matapos ang 3 taong pahinga ay makakatrabaho ang Kapuso actress na si Andrea Torres sa isang upcoming sitcom Kinumpirma ito ng celebrity host na si Willie Revillame, na magpapatakbo rin sa sitcom. Bilang respeto sa home network ni John Lloyd, kinausap ni Willie si ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak tungkol sa proyekto na gagawin nila sa GMA-7 ng nagbabalik-showbiz na aktor. Tiyak na pag-uusapan ito, dahil kasama sa cast si Andrea, ang ex-girlfriend ni Derek Ramsay na fiancé ngayon ni Ellen Adarna, ang ina ng anak ni John Lloyd. Si Andrea ang gaganap na love interest ni John Lloyd sa binabalak ni Willie na sitcom. Hudyat din ang sitcom na ito ng pagbabalik ni Willie sa pag-arte na dalawampung taon niyang ipinahinga dahil itinuon niya ang kanyang atensyon sa television hosting, at sa pagtulong sa ating mga mahihirap na kababayan. 

John Lloyd Cruz pumirma ng kontrata kay Willie Revillame

Image
John Lloyd Cruz pumirma ng kontrata sa productions ni Willlie Revillame para sa isang television special na magaganap sa June 6 sa Smart Araneta Coliseum. Magsasama sila sa 6-6 Shopee Super Mega Fiesta at mapapanood ito sa Kapuso Network sa Linggo, June 6, 2 pm. Saksi sa pagpirma ng kontrata ni John Lloyd ang legal counsel ni kuya Will na si Atty. Ferdie Domingo at ang mga Shopee executive. “Tonight is history,” ang sabi ni kuya Will tungkol sa pagpayag ni John Lloyd na maging guest sa kanyang television special sa June 6.

Tim Sawyer, Pinuntahan ng NBI sa bahay!

Image
Ang National Bureau of Investigation Special Action Unit noong Huwebes ay nagpunta sa tirahan ng vlogger na si Tim Sawyer na mayroong standing arrest warrant dahil sa domestic violence. Ang family court ng Trece Martires sa Cavite ay nag-isyu ng  arrest warrant  laban kay Sawyer matapos magsampa ng reklamo laban sa kanya ang kanyang dating partner, ang model-aktres na si China Roces. Si Sawyer ay wanted  sa paglabag sa Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act. Ang dating mag-partner ay sumikat sa kanilang mga video blog sa social media.

Mga I.D. ng carshow model na inaresto matapos manakit ng traffic enforcer, iba-iba ang pangalan

Image
Patong-patong na reklamo ang sinampa sa babaeng motorista na nahulicam na nanakit ng MTPB enforcer. Pero hindi lang pala ito ang asulto ng babae, dahil ngayon pinaghihinalaan narin siya ng mga pulis na isa syang drug courier. Ayon sa ulat ni Rod Vega sa Super Radyo dzBB, sinabi ng hepe ng MPD-SMaRT na si Police Colonel Rosalino Ibay na nagsagawa sila ng isang follow-up operasyon matapos silang makahanap ng impormasyon sa cellphone ng motoristang si Pauline Altamirano na posibleng nasangkot siya sa mga transaksyon ng droga. Isang buy-bust operation ang isinagawa ng District Drug Enforcement Unit at MPD-SMaRT sa Cecilia Muñoz Street sa Ermita, Manila. Naaresto sina Redentor Sanchez, Leopoldo Samero, Jason Santiago, at Marlon de Guzman, na nakuhanan ng ilang gramo ng droga na nagkakahalaga ng P35,000.

Alice Dixson maraming pina-iyak sa video ni Baby Aura

Image
Marami ang na-touch sa isang Instagram post ni Alice Dixson para sa anak na si Baby Aura. Ilang selfie photo at isang video clip ang ibinahagi ng Kapuso actress sa kanyang IG account kung saan makikita ang palad ng kanyang baby na hinahawakan ang kanyang kamay. Sa caption ng intimate moment nila ng anak, “I LOVED you even before I met you… Waited soooo long to meet you. “Was going over photos and videos I took over 2 months ago when we 1st met. “You were so tiny… “1/3rd of what you are today! “I took your hand and made a promise – to ️ you forever.” Pinusuan ng maraming netizens ang post ni Alice at madami ang nagsabing naiyak sila habang binabasa at pinanonood ang video nilang mag-ina. Ibinunyag ng 51-year-old TV at movie actress sa kanyang guest appearance sa Eat Bulaga's "Bawal Judgmental" nitong May 8 na nabuo si Baby Aura sa pamamagitan ng surrogacy sa Amerika. View this post on Instagram A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)

Video ni Julia Barretto na kumakain ng "isaw" kasama si Enrique Gil sa GGV nag-viral

Image
Kamakailan ay nag-trend muli si Julia Barretto sa social media matapos na lumitaw muli sa social media ang kanyang dating interview sa "Gandang Gabi Vice" Sa panayam, si Julia at ang dating ka-loveteam na si Enrique Gil, ay tinanong ni Vice Ganda kung sinubukan na nila kumain ng "isaw" at "betamax". Ang komedyante ay nagpatuloy at hinamon ang 'QuenLia' couple na subukan at kumain ng "isaw" at "betamax" sa show. Matatandaang kasalukuyang nagte-trend si Julia matapos niyang sabihin kay Gerald Anderson na hindi pa siya nakakakain ng "isaw" dati.

Babaeng lumabag umano sa traffic signal, pinagsasampal ang traffic enforcer

Image
Lumabag na nga raw sa traffic signal at nagmanehong wala umanong lisensya, ay nanakit at nanigaw pa ng traffic enforcer ang isang babae sa Maynila. Ang buong pangyayari nahulicam! Sinampahan na ng kasong direct assault at driving without license ang babaeng huli sa video na nananakit ng enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB). Ayon kay MTPB Director Dennis Viaje, dinala na sa presinto ng MPD SMaRT ang suspek.

Binatilyong may autism di nang-agaw ng baril ng pulis siwalat ng testigo

Image
"Ang pagkakaalam ko, ako nanganganib talaga, dahil sa paglantad ko na ito" - alyas Jerry Nagbigay ng salaysay sa NBI si alyas "Jerry", isa sa mga nakakita nang mabaril ang binatilyong may autism na si Edwin Arnigo sa operasyon ng mga pulis sa Valenzuela City. Panoorin ang buong kwento.  

Robin Padilla, trending na naman dahil sa pag swab test sa sarili niya

Image
Muling nag-trending sa social media ang aktor na si Robin Padilla dahil sa isang video na ini-upload niya sa kanyang social media accounts. Makikita sa video na ang aktor at ang mga kasamahan nito na kumukuha ng kanilang sariling swab samples. Ayon kay sa aktor, wala silang choice kundi gawin ito sa kanilang sarili dahil sa kawalan ng mga nurses. "6 ng umaga mag umpisa na kami ng trabaho pero wala pa ang nurse  Hindi dahilan sa mga mandaragat ang walang nurse, kailangan isagawa ang c0vid test. basta isaksak mo ang swab stick hanggang sa dulo at makiliti mo ang utak mo, at kapag naluha kana tsaka mo iikot ng 5 hanggang 8 segundo yun na raw yun. Abbot ant!gen test courtesy of pareng kiko." Netizens comments: Nur Dee Dapat ung mga medical staff gumagawa jan.delikado pag ikaw na hnd na trained or naka pag aral sa ganyan bagay ay baka ibang parts ng nose mo matamasn...😩 France Ramos Reyes bakit naman natin hahayaang iswab tayo ng mga nurse? tayo dapat ang nag s-swab sa ating sari

Kaso ng Special Child na binaril ng pulis, inaksyunan ni idol Raffy

Image
Nananawagan ng hustisya ang pamilya ng isang 18-anyos na lalaking may special needs na napatay sa gitna ng police raid sa isang tupadahan sa Valenzuela. Lumapit kay Idol Raffy Tulfo ang ina ng 18-anyos na lalaking may special needs na binaril ng pulis sa Valenzuela City para humingi ng tulong. Ina ng binaril na may special needs sa Valenzuela, nanindigang hindi nang-agaw ng baril ang anak.

‘Miracle baby’ na anak ni Assunta De Rossi, masayang nagdiwang ng ika-7th month ngayong buwan

Image
Ibinahagi ni  Assunta De Rossi  ang masayang  pagdiriwang ng ika-7th month ng kanyang baby girl na si Baby Fiore.  Si Baby Fiore na tinaguriang 'miracle baby' ay isa sa mga kinagigiliwan ngayon sa social media, dahil sa kanyang napaka-cute at nakaka good vibes na reaksyon na talaga namang magpapangiti sa iyong araw. Sa IG post ni Assunta makikita na nakahiga si baby Fiore at kapansin-pansin ang tila’y poker face nito habang nakatingin sa ibang diresyon. "Little sunshine of our lives ay mukhang nalugi. 💜😂💜😂🌸🌸🌸" ang caption ni Assunta   View this post on Instagram A post shared by Sammy Whammy (@assuntaledesma)

Kris Aquino at Bimby emosyonal na nagpaalam kay Josh

Image
It's official. Nagpasya na si Josh Aquino na manirahan sa Tarlac. Sa social media Huwebes ng umaga, ibinahagi ni Kris Aquino ang larawan nila ni Bimby habang yakap nila si Josh nang paalam sa Miyerkules. "Namili na si Kuya Josh, gusto na nya talagang tumira sa Alto (our family compound) in what he calls 'lola’s house,' in Tarlac," sabi ni Kris sa kanyang IG post. "Pabalik na kami ni Bimb to our serviced residence while the condo we’ll be leasing is being readied," dagdag niya. Si Josh, na magdiriwang ng kanyang kaarawan sa Hunyo 4, ay hindi darating sa Tarlac na empty-handed, sabi ni Kris. "Nag prepare kami ng 800 grocery bags that Kuya Josh will turn over to [Tarlac] Gov. Yap Susan to share with families she feels will benefit most from his birthday outreach," dagdag ni Kris. View this post on Instagram A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

Ito na ngayon ang trabaho ni Ruby Rodriguez kaya hindi na siya napapanood sa Eat Bulaga

Image
Isa nang office girl sa Los Angeles, California ang dating Eat Bulaga host na si Ruby Rodriguez. Sa Instagram post, ibinahagi niya ang kanyang selfie habang nasa trabaho.  “First day of new normal for moi” ang caption niya. Ayon sa post makikita rin sa location na sa Philippine Consulate General sa Los Angeles, California nagtatrabaho ngayon si Ruby. Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye si Ruby tungkol sa bago niyang trabaho. Nagpaabot naman ng suporta ang ilan niyang mga kaibigan sa comments section. Matatandaang taong 2020 na isang cryptic comment ang sinagot ni Ruby sa isang netizen na nagtanong kung bakit hindi na siya napapanood sa Eat Bulaga. “I miss you in Eat Bulaga Ms.Rubs. Babalik ka pa ba? Sina Pia, Ryan, Allan K, ryzza Mae nakaka pitch in pero ikaw Wala! Bat Ganon?" sabi ng netizen.  “Sila tanungin mo.” ang sagot ni Ruby

3 suspek sa paggahasa at pagpatay sa trans man na si Ebeng Mayor, arestado

Image
"I would like to announce it officially that the case has been solved." - PNP chief PGEN. Guillermo Eleazar Arestado na ang tatlong suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang transgender sa Quezon City. Isa sa kanila, best friend pa ng biktima. Wala nang buhay ang 21 taong gulang na transgender man na si Ebeng Mayor nang matagapuan sa isang bakanteng lote sa Sitio Bakal sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City noong Huwebes.

Idol Raffy naglunsad ng sariling Community Pantry— RTIA Style!

Image
Community Pantry — Raffy Tulfo In Action style! Nasa 100 tao lang kada batch ang pinapayagang pumila para masiguro ang physical distancing sa lugar.  May nakabantay din na mga pulis at medical team kung may emergency. Iikot sa iba't ibang barangay ang team ng Raffy Tulfo in Action hanggang Martes para magtayo ng community pantries. Nagsimula nang mag-ikot ang RTIA sa iba’t-ibang barangay sa Metro Manila para sa inorganisang community pantry ni Idol Raffy.  Sa day 1, Sabado, May 22, dalawang barangay ang dinayo ng RTIA para mag-abot ng mga bayong na naglalaman ng mga groceries.  Ito ay ang Brgy North Bay Blvd South, Kaunlaran, Navotas City at Brgy Commonwealth sa Quezon City. At sa 2nd day, Linggo, May 23, pinuntahan naman ng RTIA ang Brgy Payatas, Quezon City at ang Brgy 64 sa Tondo, Manila. Ito ay magpapatuloy hanggang Martes, May 25, kung saan apat pang mga Brgy ang pupuntahan ng RTIA para sa food distribution.  At ang bawat brgy na pinupuntahan ay nakakatanggap ng 625 na bayong.

Delivery rider, nanghipo ng 23-anyos babaeng naglalakad sa kalsada

Image
Nahulicam ang panghihipo ng isang deliver rider sa isang 23 anyos na babaeng naglalakad sa kalsada. 23-anyos na babaeng naglalakad sa kalsada, hinipuan ng nakatambay na delivery rider sa Brgy Mariana, QC nitong May 14 Noong una raw, hindi raw niya napansin 'yung lalaki.  Hanggang sa nakita niyang nakapasok daw 'yung kamay ng lalaki sa pantalon na parang nakahawak sa ari, tapos parang gumagalaw-galaw. Kitang-kita sa CCTV na nag-zipper 'yung lalaki. Sinara niya 'yung butones ng pantalon niya, paglampas ng babae. Kinilala ng QCPD station 11 ang nanghipong rider na si Justin de Guzman na nananatiling at-large. "Hindi ito first time na nanghipo siya. May isa pang babae na lumutang at lumapit sa biktima." ayon kay LtCol Elizabeth Jasmin ng QCPD Station 11 commander Sa Lunes, nakatakda nang sampahan ng reklamong acts of lasciviousness si de Guzman.

Pera, Naiwang Nakaipit sa ATM

Image
Pera, Naiwang Nakaipit sa ATM P10-K halaga ng pera, naiwang nakaipit sa isang ATM sa Pangasinan. Isang baranggay chairman ang nakakita ng P10,000 cash na naiwang nakaipit sa isang ATM sa munisipyo sa Calasiao, Pangasinan. Ayon sa kanya ipinost niya kaagad sa social media ang insidente, para agad na matunton ang may-ari ng pera. Alam na rin umano ng Landbank of the Philippines ang insidente. Alamin ang buong kwento sa video sa ibaba:

Kamote Rider tumakas at nakipag karera sa Pulisya

Image
Rider na sinita, nakipaghabulan sa Kalsada Task Force sa bayan ng Magsingal sa Ilocos Sur. Video ng habulan, nag-viral sa social media. Rider patay malisya nang mahuli, ayon sa kanya hindi daw niya napansin na hinahabol siya. Netizens comments: ANG PROBINSYANONG URAGON: Lupet mo boy nakipag karera kapa tlga Nathaniel Belotindos: Walang side mirror lang sana ang violation, ngayon mas malaki na ang kaso mo bata. Jeffrey Marso: Impound ung motor bigyan ng penalties ang magulang. i banned ung pag kuha ng license nyan ng 5-10 years upon legal age. Hindi baleng sya lang ung maaksidente masama nyan kung mang dadamay pa sya. Junel Manzanillo: Ang sarap sapakin ang ganyang mga bata..dapat empound ang motor niyan

Driver ng nag-beast mode sa viral video, Nakaharap na si idol Raffy

Image
Nahanap na ang driver ng green na mitsubishi lancer na nag beast mode sa kalsada matapos nitong magcounter flow at muntik makadisgrasya ng rider. Netizens comments:    Segundina Cielos: Ngayon iiyak iyak ka muntik ka ng maging kreminal,drama mo nong tinanong ka matapang ka pa dapat sa bawat sigundo ng buhay mo isipin mo pamilya mo... Daisy Rose: Kapag nag sumbong na sa RTIA  Sobrang bait na ... J******r C****l: Boy dilat nung nagyayabang ka sa kalsada sinabi mo ba na " inaamin ko naman na kasalanan ko" nakaka high blood biy dilat yung ginawa mo. Ang pang iinsulto mo kasi hindi ka naman nabangga tas naka bewang kapa! HOOOYYY BOY DILAT IDILAT MO UTAK MO Gamer Game: Ung matapang ka kuno pero in front of tulfo iiyak ka in the end Porkezah Sanchez: Di nga ako nagkamali sa part 1.😆 oh dba YABANG now IYAK later😂 wag kasi maangas sa daan. Lagi natin iisipin yung pamilya natin na  mas maaapektuhan sa mga maling hakbang na ginagawa natin. At ingatan lagi ang buhay natin para sa taon

Yorme sinermonan si kagawad sa nangyaring street boxing sa Tondo

Image
“Gusto niyo bang buong barangay ang mamatay?” Iniharap ni Mayor Isko Moreno ang mga suspek sa nangyaring street boxing sa Tondo, Maynila. Humingi sila ng tawad sa publiko. Yorme: Bakit nyo naman nagawa yung magpa-boksing? Kagawad : Nagkatuwaan lang po kami..

Pacquiao kinumpirma ang nalalapit na laban sa Las Vegas sa Aug. 21

Image
Matapos ang higit 2 taon, muling sasabak sa boxing ring si Senador Manny Pacquiao para harapin si unified welterweight world champion Errol Spence sa Las Vegas sa Agosto.   Ang 42-taong-gulang na eight-division world champion na si Pacman ay huling nakipaglaban sa boxing ring laban sa Amerikanong boksingero na si Keith Thurman noong 2019. Nanalo si Pacquiao kay Thurman, at nakuha ang WBA super welterweight title. Si Spence, 31, ay may hawak na titulo ng IBF at WBC welterweight simula pa ng 2017 at 2019. Sumali siya sa Olympics noong 2012, na umabot sa quarterfinals.

Ano nga ba ang kahulugan ng "K" sa pangalan ni Allan K.

Image
Sa ilang dekada na niyang pamamalagi sa industriya ng showbiz, ano nga ba ang ibig sabihin ng "K" sa pangalan ng komedyanteng si Allan K? Sa programang "Tunay Na Buhay," inilahad ng komedyante kung ano nga ba ang kahulugan ng "K" sa kanyang gamit na screen name. "So ano nga ba ang ibigsabihin ng letter K sa Allan K or secret mo ba yun?" tanong ng host na si Pia Arcangel. "Ang ibig sabihin ng "K" sa pangalan ko ay.. Quilantang. Apilyedo ko talaga Quilantang diba pero Q-U-I, " sagot ni Allan. "Eh noong araw kapag tinatawag ako ng mga bading, Allan KEY, nilandi ginawang Allan K." dagdag ni Allan. "Nagustuhan ko yung tunog, ginamit ko na." dagdag pa ng komedyante.

Vicky Morales "Hindi natutuli ang balita" sa 24 Oras

Image
Muling nakuha ang atensyon ng mga netizen sa mga news anchors ng 24 Oras dahil sa isang nakakatawang blooper na nangyari sa episode May 20, 2021. Sa pagkakataong ito, ang huling linya ni Vicky Morales ang nag-viral sa social media! Sabi ni Vicky, “At dahil hindi natutuli… ay natutulog ang balita!” Mabilis na tiningnan nina Mel at Mike si Vicky at sinabi sa kanya: “Huy!” Makikita pa nga si Mel Tiangco na napasipa sa sahig nang tinawag nito ang atensyon ni Vicky. View this post on Instagram A post shared by KABULASTUGAN (@kabulastugan) Netizens comments: Dodong Ipoy: Kwela talaga mga anchor ng 24 Oras. #goodvibes Jessica Saberon: Pag GMA anchors nagkakamali... Nakakatawa at nakakatuwa...😊❤ Pag ABIAS anchors nagkakamali...nakakainis at nakakasuka😁💢🙄 Ian Namora: Yet still, sila pa rin ang may pinaka credible sa pagbabalita, yung iba… gutom lang yan. 😂 Everet Jabonete: I think sinadya ni Miss Vicky para magpatawa. Napanood ko to. Good job, Miss Vicky. haha