Unang Pasyente na nagpositibo sa UK variant sa Pinas, kinilala ni Sec. Duque

Ayon kay Department of Health Secretary Francisco Duque III, sa panayam ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko ngayong gabi, Enero 13, na taga-Kamuning, Quezon City ang lalaking pasyente.
Umalis ang lalaki kasama ang kanyang nobya patungong Dubai noong Disyembre 27, 2020 para sa business purposes at dumating naman sa bansa noong Enero 7, 2021 sakay ng Emirates Flight No.EK332.
Real estate agents ang magkasintahan na pumunta sa Dubai para sa business trip, ani Duque.
Pagdating doon ay nakipagpulong ang dalawa noong Disyembre 30 sa isang businessman, bumisita sa mga mall, nagmili, at pumunta rin sa mga tourist site, lahad pa ng Health Chief.
Sumalang ang mga ito sa swab at nagquarantine sa hotel pagdating sa bansa.
Nailabas naman ang positive test result nito kinabukasan at ang pasyente ay ini-refer sa quarantine facility sa Quezon City habang ang kanyang samples naman ay ipinadala sa PGC para sa genome sequencing.
Dito na napag-alamang nagpositibo ang pasyente sa UK variant, habang ang girlfriend nito ay negatibo naman sa virus.
Sinasabing mas mabilis na nakahahawa ang variant ng COVID-19 na unang kumalat sa United Kingdom. Wala pa namang ebidensyang nagsasabing mas mapanganib ito.
Comments
Post a Comment