Presyo ng Sinovac sa Indonesia wala pang P700, pero bakit sa Pilipinas mahal?

Kontrobersyal na usapin sa Pilipinas ang presyo ng mga COVID-19 vaccines na oorderin o na-order na ng gobyerno mula sa mga foreign pharmaceutical firms.
Hindi kasi nagbibigay ng pahayag ang pamahalaan hinggil sa presyo mga iyon dahil umano sa non-disclosure agreement.
Itinatanong ni Dr. Peter Cayton ng University of the Philippines Pandemic Response Team kung bakit mahal ang Sinovac COVID-19 vaccine sa Pilipinas pero sa Indonesia ay mura lang.
Ang tweet niya ay ibinatay umano sa isang article mula sa The Jakarta Post.
“Price of Sinovac in Indonesia: Rp200,000 per dosage (~ US$14/ ~P700). Bakit sa atin, Php3,269.50?”

Sa naturang article, kinumpirma ng Indonesian-owned pharmaceutical company na PT Bio Farma na Rp200,000 o US$13.57 per dosage ang ipe-presyo sa COVID-19 vaccine ng Sinovac kapag naging available na iyon sa kanilang bansa.
Comments
Post a Comment