'Natural cause' result sa kaso ni Christine Dacerna inilabas na ng PNP

Ayon sa medico legal, ruptured aortic aneurysm ang ikinamatay ni Dacera na isang medical condition na hindi makukuha sa alcohol at drug abuse o rape.


Resulta ng autopsy report sa labi ni Christine Dacera inilabas na.

Nakasaad dun na ang sanhi ng pagkamatay ng dalaga ay Ruptured Aortic Aneurysm.
Lumaki raw ang puso nito at tumimbang ng 500 grams samantalang 300 grams ang normal na timbang ng puso.
Natural causes ang dahilan ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera, ayon sa pagsusuri ng PNP Crime Laboratory.
Ayon sa medico legal report, ang "dilatation or aneurysm" sa aorta ni Dacera ay isang "chronic condition" na noon pa nagsimula.
"If she did not die that fateful night, she will still die in any scenario that presents an activity that will increase her blood pressure strong enough to tear that aneurysm."
Sa isa pang report, sinabi na ang puting powdered substance na nakuha sa kwarto na unang inakalang droga ay asin pala.
Comments
Post a Comment