‘Eh ‘di wow,’ sagot ng ina ni Christine Dacera sa pagsabi ng mga suspek na sila ay inosente




Hindi naitago ni Sharon Dacera, ang ina ng namayapang flight attendant na si Christine Dacera, ang kaniyang pagdududa tungo sa sinasabing pagkawalang-sala ng tatlong suspek na pinalaya mula sa kustodiya ng mga awtoridad. 

Aniya, may foul play talagang naganap.

“Eh ‘di wow nga! Eh ‘di wow, wow, wow! Ganoon na lang sabihin ko sa kanila. Sige lang. Alam ng Diyos ang totoo,”

Ito ang sagot ni Mrs. Dacera nang tanungin tungkol sa kung ano ang kanyang masasabi tungkol sa pag-release sa mga suspek at sa sinasabi nila na inosente sila.

Sinabi din ni Dacera na magpapatuloy sila sa paghahanap ng hustisya.

"Patuloy lang ‘yung laban, hindi ko titigilan habang hindi napaparusahan yung gumawa po sa anak ko,” sabi niya.

“Tatay Digong, kailangan ko po kayo sa laban na ito… I need more prayers but ‘yung kamay na bakal para sa mga taong gumawa ng ganitong karumaldumal sa anak ko po, tatay, parusahan niyo na po,” dagdag pa niya.

Nitong Miyerkoles, ipinag-utos ng Makati City Prosecutor's Office na palayain muna ang mga suspek dahil hindi pa umano tiyak sa kasalukuyan kung talagang pinaslang at/o ginahasa si Christine. 

Ayon kay Prosecutor General Benedicto Malcontento, magsasagawa ng preliminary investigation upang makakalap ng sapat na ebidensya.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo