Posts

Showing posts from January, 2021

Taong makapagbigay-linaw raw sa pagkamatay ni Dacera, hawak na ng NBI

Image
Dumating sa opisina ng National Bureau of Investigation sa Maynila ang isa pang occupant sa Room 2207. Siya ang ika-13 na occupant na lalaki sa nasabing kwarto kung saan pumupunta noon ang flight attendant na si Christine Dacera. Natagpuang walang malay si Christine sa bathtub ng Room 2209 at kalaunan ay binawian ng buhay noong January 1 matapos dumalo sa isang year-end party kasama ang mga kaibigan.

Groom, Nagtago sa Banyo at Tumakas sa Araw ng Kasal!

Image
Lalaking pinauwi ang nobyang OFW para magpakasal, biglang nawala. Inaksyunan ng Idol Raffy Tulfo ang reklamo ng isang OFW na tinakbuhan ng isang lalaki sa mismong araw ng kanilang kasal. Narito ang komento ng mga netizens:  Zee: "lesson learned: wag magpakasal sa palamunin. walang maidudulot na mabuti sa buhay mo." Sally Dum-ay: "Iyay, have some standards ladies... Atleast man lang may disenteng trabaho piliin ntin para may katuwang tayo at di pasanin, ang hirap kaya ng buhay ngayon." Omega Omega: "Girls just a friendly reminder: " Know your worth" may mas deserving po sayo di sya kawalan." Rossana Pilapil: "Sa panahon ngayon MAS MABUTI PANG SINGLE NA LANG! 😂😂😂" Hania Langs: "Kung di sigurado sa pagpapakasal, sana bago pa yung date ng kasal umatras kana hindi yung sa araw talaga ng kasal. Buset na yan." Permanent Markers: "Scammer yan,May totoong girlfriend yan.Ginawang hanapbuhay yung ofw" G

Nancy MOMOLAND nahaharap sa 'severe emotional turmoil' dahil sa edited na litrato na kumakalat online

Image
Nahaharap ngayon sa 'severe emotional turmoil' o labis na pagdaramdam ang K-pop singer na si Nancy Mcdonie ng Momoland.   Dahil ito sa mga edited na litrato at kumakalat ngayon online. merrys!i really need your help right now. recently a picture of Momoland Nancy changing back stage was leaked. Please help us email MLD Ent and clear her searches. If you see the picture do not spread it, just report the account . #OurRainbowNancy https://t.co/JqGzi6Mwq4 pic.twitter.com/j2DTpHcFbY — rijin (@BoucenaRihab) January 10, 2021 Ayon sa talent agency ng Momoland na MLD entertainment, biktima si Nancy ng mga litrato na ilegal na kinuha at minanipula. Nakipag-ugnayan na ang talent agency sa mga otoridad sa South Korea para panagutin ang nasa likod ng litrato. View this post on Instagram A post shared by Nancy Jewel McDonie (@nancyjewel_mcdonie_) View this post on Instagram A post shared by MOMOLAND NANCY (@nancy.momoland) View

Lumantad na! Basketball Player na Huling Kasama ni Christine sa Room 2207

Image
Lumantad na kahapon January 13 ang 11 pang katao na pina-subpina ng NBI sila ang nag-check sa room 2207 na siyang binabalik-balikan ni Christine Dacera noong nagsagawa sila ng New Year's eve party sa City Garden Hotel. Kasama ng mga itong pumunta sa NBI ang kanilang mga counsels, kasama rin sa mga ito ang sinasabing Basketball player na si Justin Rieta na sangkot sa kaso.  Sa panayam sa kanya ng GMA News, sinabi ng basketball player na wala siyang nakitang kakaiba nang araw na mamatay si Dacera. Handa rin siyang ibigay ang kooperasyon sa imbestigasyon ng kaso. "Hindi ko po kilala yung kabilang room [Room 2209]. Wala po akong kilala sa kanila," pahayag ni Rieta. Komento naman ng netizens hindi raw umano mukhang binabae ang Basketball player na ito.

Ang Reaksyon ni Dr. Fortun sa nakuhang urine sample sa katawan ni Christine Dacera

Image
May ilang katanungan ang forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun tungkol sa kung paano nakakuha ng urine sample sa katawan ni Christine Dacera. Ipinunto rin niyang taliwas ito sa naunang autopsy report ng PNP na nagsabing walang laman ang urinary bladder. Narito ang mga komento ng mga netizens: Diana Mrs: "The country needs a lot like the caliber of Dr. Fortun. Sana dumami ang kumuha ng forensic investigation and forensic science. Government should support it. Ang laki ng maitutulong sa justice system ng bansa" _Klee: "ba't di kasi magharap-harap si Dr. Fortun, NBI, embalsamador, PNP medico legal ng malaman totoo, pag paisa-isa iniinterview isang side lang nakikita, di ba sila pwede mag-usap-usap more like presscon?" Bj Yadyadoc: "Listening to Dr. Fortun...is like listening to late Meriam Defensor Santiago... in different positions ✌️" wayn mari: "Di kailangan nag aral ka common sense pag na imbalsamo na hugas na hugas yan how come m

Unang Pasyente na nagpositibo sa UK variant sa Pinas, kinilala ni Sec. Duque

Image
Opisyal nang kinumpirma ng Department of Health (DOH) at Philippine Genome Center (PGC) ngayong gabi na mayroon nang na-detect na B.1.1.7 SARS-COV-2 variant o UK variant sa bansa. Ayon kay Department of Health Secretary Francisco Duque III, sa panayam ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko ngayong gabi, Enero 13, na taga-Kamuning, Quezon City ang lalaking pasyente. Umalis ang lalaki kasama ang kanyang nobya patungong Dubai noong Disyembre 27, 2020 para sa business purposes at dumating naman sa bansa noong Enero 7, 2021 sakay ng Emirates Flight No.EK332. Real estate agents ang magkasintahan na pumunta sa Dubai para sa business trip, ani Duque. Pagdating doon ay nakipagpulong ang dalawa noong Disyembre 30 sa isang businessman, bumisita sa mga mall, nagmili, at pumunta rin sa mga tourist site, lahad pa ng Health Chief. Sumalang ang mga ito sa swab at nagquarantine sa hotel pagdating sa bansa. Nailabas naman ang positive test result nito kinabukasan at ang pasyente ay ini-refer sa

Christine Dacera sinundo sa Room 2207 buhat buhat pabalik sa 2209 Jan.1 ng umaga

Image
Ngayong tukoy na ng awtoridad ang mga nasa loob ng Room 2207 ng hotel kung saan natagpuang patay si Christine Dacera, kailangan daw silang magpaliwanag kung ano ang nangyari nung huling pumasok sa kwarto si Christine. Dakong 6:00 am, isang kaibigan ni Dacera na si Valentine Rosales ang lumabas sa 2209 at nagpunta sa 2207 para sunduin ang 23-anyos na flight attendant. Pagkaraan ng 20 minuto, lumabas na sa 2207 si Dacera pero buhat na siya ng kaniyang kaibigan pabalik sa 2209. Gayunman, makikita namang may malay pa si Dacera. Pero pagbalik umano sa 2209 ay lalo na raw tumindi ang pagsusuka ni Dacera. Dakong 6:40 am, nakunan naman sa labas ng 2209 ang isang kaibigan ni Dacera na tila nakikipagtalo sa isang lalaki na naka-check-in sa 2207. Ang mga lalaki na nakita umano sa CCTV na tila nagtatalo ay sina Edward Madrid at Joseph Darwin Macalla. Ayon sa ulat, sinabi ng source na isa si Macalla sa walong tao na nasa Room 2207. Sa mga naunang ulat, sinasabing dakong 7:00 am nang umalis

UK Variant ng COVID-19 nasa Pilipinas na ayon sa DOH

Image
Kinumpirma ng DOH at Philippine Genome Center na ang COVID-19 variant na unang natagpuan sa United kngdom ay nasa Pilipinas na. “The DOH and the PGC today officially confirm the detection of the B.1.1.7. SARS-CoV-2 variant (UK variant) in the country after samples from a Filipino who arrived from the United Arab Emirates on January 7 yielded positive genome sequencing results,” ayon sa kanilang statement. Mas nakakahawa ang variant na ito, ngunit hindi pa tiyak kung nagdudulot ito ng mas mabuting karamdaman. Nauna nang sinabi ng DOH at ng ilang mga scientist mula sa ibang bansa na huwag mag-panic dahil maliit ang tsansang hindi tumalab ang kasalukuyang mga #COVID19 vaccine laban sa UK variant ng virus.

Mark Anthony Rosales susuko na, may nakakagulat na rebelasyon?

Image
Ayon sa interview ng rise and shine Pilipinas kay NCRPO chief Brig. Gen Vicente Danao Jr., iniimbitahan na nila ngayon si Mark Anthony Rosales. Ang itinuturong may inilagay umano ng sa inumin ni Christine Dacera noong December 31, 2020 sa kanilang New year party. “Tumabi siya sa’kin, then sabi niya, ‘Sis, parang I feel something, parang naiiba ‘yung pakiramdam ko.’ I think merong naglagay sa drink niya, sabi niya sa’kin. Then sabi ko, ‘Who?’ and then sabi niya, ‘I think Mark,’” kuwento ni Rommel Galido isa sa kaibigan ng dalaga. Si Mark Anthony Rosales ay isa sa mga person of interest na tinututukan ngayon ng PNP. Hindi pa kumpirmado kung party drug ang nilagay sa inumin ni Christine Dacera. Ayon kay  NCRPO chief Brig. Gen Vicente Danao Jr. hindi pa kumpirmado kung iyon ang sanhi ng pagkasawi ni Christine Ayon sa pinakahuling ulat nakikipagugnayan na ngayon si Mark Anthony Rosales sa PNP at anumang oras ngayong araw ay magpapakita na siya para magpahayag ng kanyang panig tungkol sa na

Police Jonel Nuezca Pleades 'Not Guilty'

Image
Naghain ng 'not guilty plea' sa kasong murder si Jonel Nuezca, ang pulis na nakuhanan sa video na bumaril sa mag-inang Sonya at Frank Gregorio nitong Disyembre. Inihain ni Nuezca ang 'not guilty plea' sa kaniyang arraignment at pre-trial noong January 7. Hindi aktuwal na nakasipot sa korte si Nuezca dahil kasalukuyan siyang nasa 21 araw na quarantine sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology sa Paniqui. Sa pamamagitan ng video conference, nabasahan ng sakdal sa 2 bilang ng murder si Nuezca dahil sa pagpatay sa mag-inang sina Sonia at Frank Anthony Gregorio. “Naka-isolate pa siya kasi 21 days ‘yung requirements from BJMP,” ani Rombaoa. Dumalo naman sa arraignment ang abogado ni Nuezca, ganun rin ang pamilya at abogado ng mga biktima. Ang susunod na pagdinig sa kaso ay sa Pebrero 4 kung saan inaasahan nang pisikal na makadadalo si Nuezca.

Pag-embalsamo sa bangkay bago otopsiya, bagong polisiya raw ng PNP ngayong pandemya

Image
Opisyal nang inatasan ng DOJ ang NBI na imbestigahan ang kaso ng flight attendant na si Christine Dacera. Ang hepe naman ng NCRPO, sinabing may polisiya ngayong pandemic na unahin ang pagpapaembalsamo bago ang otopsiya kung ang iniimbestigahang nasawi ay hinihinalang may COVID-19. Pero taliwas ito sa karaniwang agad na pagke-cremate kapag ang nasawi ay suspected o kaya'y confirmed COVID-19 positive.

Ang Di pinakita sa TV na CCTV Footage ni Christine Dacera sa hotel

Image
May kumakalat ngayon na panibagong parte ng CCTV footage ng flight attendant na si Christine Dacera sa hallway sa hotel na kanilang tinuluyan ng kanyang mga kaibigan noong bisperas ng bagong taon. Sa bagong footage makikita si Christine na tila nakikipag-away sa mga tao na nasa kabilang kwarto ng kanilang hotel. Ayon sa nagbahagi ng video, hindi raw ito pinakita sa balita sa TV, subalit maaaring makatulong ito sa isinasagawang imbestigasyon sa kaso ni Christine Dacera. Makikita sa video kung paano pagmalasakitan ng mga baklang kaibigan ni Christine ang dalaga matapos nitong tila makipag-away sa kabilang kwarto dahil narin sa kalasingan at tila nawala na sa kontrol ang dalaga. Makikita rin kung paano siya inawat at pinagmalasakitan ng kanyang mga kaibigan.  Taliwas sa mga ibinibintang sa kanila na sila ang may kasalanan sa nangyari kay Christine.

Exclusive Interview ni Idol Raffy sa Best Friend ni Christine Dacera

Image
Nakapanayam ni idol Raffy Tulfo ang matalik na kaibigan ng pumanaw na PAL flight attendant na si Christine Dacera na si Rommel Galido. Sa interview, ipina-detalye ni idol Raffy ang ilang mahahalagang kaganapan na nangyari bago umano makita ng grupo na wala nang buhay ang dalagang flight attendant.  Kinumpirma doon ni Rommel na siya umano ang sinabihan ni Christine na tila may inilagay sa kanyang inumin ang isa nilang kasama. Napapayag din umano ni idol Raffy na boluntaryong magpa-lie detector at drug test sina Rommel at ang iba pang mga nakasama ni Christine sa hotel.

‘Eh ‘di wow,’ sagot ng ina ni Christine Dacera sa pagsabi ng mga suspek na sila ay inosente

Image
Hindi naitago ni Sharon Dacera, ang ina ng namayapang flight attendant na si Christine Dacera, ang kaniyang pagdududa tungo sa sinasabing pagkawalang-sala ng tatlong suspek na pinalaya mula sa kustodiya ng mga awtoridad.  Aniya, may foul play talagang naganap. “Eh ‘di wow nga! Eh ‘di wow, wow, wow! Ganoon na lang sabihin ko sa kanila. Sige lang. Alam ng Diyos ang totoo,” Ito ang sagot ni Mrs. Dacera nang tanungin tungkol sa kung ano ang kanyang masasabi tungkol sa pag-release sa mga suspek at sa sinasabi nila na inosente sila. Sinabi din ni Dacera na magpapatuloy sila sa paghahanap ng hustisya. "Patuloy lang ‘yung laban, hindi ko titigilan habang hindi napaparusahan yung gumawa po sa anak ko,” sabi niya. “Tatay Digong, kailangan ko po kayo sa laban na ito… I need more prayers but ‘yung kamay na bakal para sa mga taong gumawa ng ganitong karumaldumal sa anak ko po, tatay, parusahan niyo na po,” dagdag pa niya. Nitong Miyerkoles, ipinag-utos ng Makati City Prosecutor's

Mas mahabang CCTV footage ni Christine Dacera sa hotel isinapubliko na

Image
Sa isa pang CCTV video makikita ang mga huling sandali na nakitang buhay ang flight attendant na si Christine Dacera habang nasa isang hotel sa Makati kasama ang ilang kalalakihan para magdiwang ng bagong taon.  Matatandaan na tanghali noong Enero 1 nang makita sa bathtub ang bangkay ni Christine.  Dinala naman sa Camp Crame ang mga labi ni Christine para iburol bago ilipad sa kaniyang bayan sa General Santos City.  Nitong Miyerkules, pinalaya ng piskalya ang tatlong suspek na nakadetine habang sisimulan sa Enero 13 ang preliminary investigation upang alamin ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni Christine at kung may naganap bang krimen tulad ng panggagahasa.

Lalaking Kahalikan ni Christine Dacera sa CCTV Video Nagsalita na!

Image
Nagsalita na ang lalaki na nakita sa CCTV footage na kahalikan ni Christine Dacera sa hotel sa Makati City. Siya ay si Valentine Rosales base kasi sa video pinapalabas na isa siya na nagnasa sa magandang dalaga at napa-isip tuloy ang iba na baka nga totoong may nangyari noong gabing iyon.  Gaya ng ipinaparatang sa kanila na panghahalay kay Christine.  Sa kanyang Facebook account siya ay naglabas ng full video dahil ayon sa kanya kulang ang ipinakita sa balita at malinaw naman daw na si Christine ang unang humalik sa kanya. Narito ang kanyang post:  "To clear the smoke mga bes and to everyone na nakakakilala sakin. Closely Watch who initiated it.  The time stamp was around 2am which is clearly early pa.  Don’t fully judge without watching the whole video andami pang ek ek latik na ganap pabalik balik ng room after niyan." "Eto FULL VIDEO WITHOUT CUTS PARA MAKITA FOR EVERYONES FULL TRANSPARENCY. GRABE MEDIA HA? Mag eedit nanaman hindi pinakita yung buo kina- Cut lang.

Iba pang bahagi ng CCTV video ni Christine Dacera, inilabas na ng PNP!

Image
Iba pang bahagi ng CCTV video ng mga huling sandali ni Christine Dacera, inilabas na ng PNP! Hawak na ng PNP ang CCTV video ng mga huling sandali ng flight attendant na si Christine Dacera bago matagpuang patay sa hotel sa Makati.  Sa video makikita na naglalakad si Christine kasama ang isang lalaki na kakatok sa isang kwarto. Makikita rin na sila ay naghahalikan bago pumasok.   Ang mga kuhang ito, inaasahang magbibigay-linaw sa imbestigasyon sa insidente.  Panoorin ang buong video sa report ng GMA 24 Oras sa ibaba:

3 inarestong suspek sa Christine Dacera case irerelease na

Image
Iniutos ng Makati Office of the City Prosecutor ang pagpapalaya sa mga hinuli kaugnay sa kaso ni Christine Dacera. Sa resolusyon ng Makati prosecutor, sinabi nitong "insufficient" ang ipinasang ebidensya para patunayan ang eksaktong dahilan ng pagkamatay ni Christine Dacera. Iniutos din ng Makati Office of the City Prosecutor ang pagpapalaya sa mga hinuli kaugnay sa Dacera case. "At this point, the pieces of evidence so far submitted are insufficient to establish that she was sexually assulted or raped. And, if sexual assault/rape was committed, who is/are the person/s responsible," base sa tatlong pahinang resolusyon. Panoorin ang sitwasyon sa Makati Police Station kung saan irerelease na ang tatlong inarestong suspek sa Dacera case matapos magpasya ang Office of the City Prosecutor ng Makati na i-refer for further investigation ang reklamo.

Pahayag ng isa sa mga kasama ni Christine Dacera sa party sa hotel

Image
Idinetalye ni Gigo de Guzman ang lahat ng nalalaman sa pagkamatay ni Christine Dacera.  Kasama si Jigo sa 11 na isinasangkot sa pagkamatay ng flight attendant. View this post on Instagram A post shared by Christine Angelica Dacera (@xtinedacera) Itinanggi niya na ni-rape nila si Christine sa kanilang party sa hotel.  Iginiit rin niya na nakapagbigay na siya ng pahayag sa pulisya kasama ang kaniyang abogado.

Bakla na kasama sa Christine Dacera sa hotel nagkwento na!

Image
Isa sa mga nakasama ng flight attendant na si Christine Dacera sa hotel sa Makati ang nagsalita na. View this post on Instagram A post shared by Christine Angelica Dacera (@xtinedacera) Sa isang Facebook post, nanindigan si Rey Englis na lalabas din ang katotohanan sa kung ano talaga ang nangyari sa kanilang kaibigan.  “The truth will set us all free. I don’t need your apologies when that time comes but please offer it through prayers for Tin and her family. I will never deactivate my social media kahit i bash nyo pa ako ng i bash.” “Christine Dacera wherever you are now. Always remember. Mahal na mahal ka namin. You are a family to us. Hindi ko na sana kailangan sabihin tuh dahil alam ng mga real friends natin yan na mas kilala tayo. Alam mo yan…” “We will try to survive these harassments and fake news spreading kahit na halos di na namin kaya. Pati mga pamilya namin nadadamay na. Nagdadasal kame. God is our witness and you Tin. I know di ka na natutuwa sa mga

Autopsy report ni Christine Dacera ilalabas na ng PNP

Image
Ano mang oras ilalabas na ng pulisya ang autopsy report sa mga labi ni Christine Dacera.  View this post on Instagram A post shared by Christine Angelica Dacera (@xtinedacera) Alamin sa panayam kay Makati Police Chief Col. Harold Depositar. PNP: Autopsy of Dacera should be confidential.  Narito ang latest update sa kaso ng flight attendant Christine Decera na natagpuang wala ng buhay sa isang hotel sa Makati City.

Hong Kong: Pasahero mula Pilipinas positibo sa UK variant ng COVID-19

Image
Positibo sa bagong strain ng coronavirus ang isang pasahero na mula sa Pilipinas sa pagdating nito sa bansang Hong Kong. Ayon kay Dr. Chuang Shuk-kwan, head ng Communicable Disease Branch of Hong Kong’s Center for Health Protection dumating ang pasahero sa Hong Kong lulan ng Philippine Airlines flight PR300 nitong Disyembre 22, 2020. “[Patient] 9003 took PR300 and arrived in Hong Kong on the 22nd of December from Philippines,” ani Chuang sa briefing ng special administrative region’s Information Services Department. “The UK variant originated back in September as the people have been flying around. We anticipated that it will appear in other countries,” saad ni Chuang. “We found them in the France or Philippines returnees and this is anticipated. Clearly, we are implementing stringent measures… For example, quarantine for 21 days at designated hotels,” dagdag nito. Nakikipag-ugnayan na ang DOH sa Hong Kong matapos nitong maiulat na isang biyahero mula sa Pilipinas ang nagposi

Suspek sa Christine Angelica Dacera case lumantad

Image
Itinanggi ng isa sa 11 suspek sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera ang mga paratang sa kanila.  Hindi raw totoong iniwan nila ang biktima, sinubukan pa raw nilang isalba si Christine at isinugod din nila ito sa ospital.  View this post on Instagram A post shared by Christine Angelica Dacera (@xtinedacera) Itinanggi ang anumang papel sa krimen ng isa sa mga suspek ang panggagahasa at pagpatay sa flight attendant na si Christine Dacera. Ayon sa ulat, sinabi ni Gregorio De Guzman na siya at ang kanyang mga kasama ay hindi iniwan si Dacera matapos na makitang walang malay sa loob ng kanyang silid. "Walang katotohanan," sinabi ni De Guzman tungkol sa alegasyong panggagahasa. "Paano magiging rape? Bakla po ako. Never akong nakipagtalik sa babae," dagdag niya.  Samantala sa isang conference, umapela si Sharon sa tulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paghatid ng hustisya sa pagkamatay ng kanyang anak na babae.  Nanawa