Posts

Showing posts from 2021

Mga natamay sa Bohol dahil sa Odette umabot na sa 63

Image
Umakyat na sa 63 ang bilang ng mga namatay sa Bohol dahil sa Bagyong Odette nitong tanghali ng Linggo, sinabi ng pamahalaang panlalawigan. Ang numerong ito ay na-verify ng Department of Health at local government units, dagdag nito. Nag-post si Bohol Governor Arthur Yap sa kanyang Facebook page ng breakdown ng bilang ng mga nasawi, ito ang sumusunod: Ubay: 12 Pres. Carlos P. Garcia: 5 Loon: 5 Inabanga: 4 Catigbian: 4 Buenavista: 4 Tubigon: 3 Alicia: 3 Antequera: 3 Maribojoc: 2 Batuan: 2 Getafe: 2 Trinidad: 2 Calape: 2 Jagna: 2 Valencia: 2 Panglao: 1 Pilar: 1 Talibon: 1 Loboc: 1 Candijay: 1 Clarin: 1 Ang mga nasawi ay iniulat ng 33 LGUs, sabi ni Yap.

Pari hinimok ang mga Katoliko na iboto si VP Robredo

Image
Hinimok naman ni Fr. Robert Reyes ang buong Simbahang Katolika na suportahan si Leni Robredo. "We should support a candidate who is pro-life, pro-religion, pro-people, pro-poor of all the presidentiables Leni is the only moral choice." - Fr. Robert Reyes

De Lima, tutuldukan ang Candidate Substitution

Image
Naghain ng isang panukalang batas si Senador Leila De Lima na naglalayong tuldukan ang pang-aabuso sa batas na pinapayagan ang substitution ng kandidato sa pambansa at local na halalan. Ayon kay De Lima, layunin ng panukala na amendahan ang Section 77 ng Omnibus Election Code at isama ang modipikasyon na inihain sa Section 12 ng Republic Act No. 9006 (Fair Elections Act) sa harap ng election automation at printed ballots. “Kailangang matigil na ang ganitong sistema ng panlilinlang sa taumbayan ng mga indibidwal at partidong akala mo ay kontrolado nila ang batas kung kanilang paglaruan at paikut-ikutin,” sabi ni De Lima.

Pangulong Duterte, umatras sa pagtakbong senador sa Halalan 2022

Image
Binawi na ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes ang kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-Senador para sa Halalan 2022. Ang pag-atras ng pangulo ng bansa ay nangyari sa kaparehong araw na binawi rin ni Senador Christopher "Bong" ang kaniyang COC sa pagtakbong pangulo sa darating na halalan. “The President has filed his withdrawal from the Senatorial elections,” anunsyo ni Comelec spokesperson James Jimenez. Nauna nang italaga si Duterte ng partidong PDP-Laban na pinangungunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi, bilang vice presidential bet ng partido sa Halalan 2022. Pero iginiit ni Duterte na nais na niyang magretiro sa pulitika pagkatapos ng kaniyang termino bilang pangulo sa June 30, 2022. Gayunman, noong isang buwan, naghain siya ng COC sa pagka-senador sa ilalim ng substitution. Pinalitan niya si Liezl Visorde ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS). Dalawang araw bago ito, naghain si Go ng substitute COC sa pagka-presidente, sa ilalim din

Full Performance Beatrice Luigi Gomez Miss Universe 2021 preliminary

Image
Philippine bet Beatrice Gomez looks stunning in the opening of the preliminary competition of Miss Universe 2021. As part of the Philippine navy’s reserve force, she is passionate about youth empowerment, focusing on uplifting children in conflict with the law.

Malaking abala sa motorista. Lacson at Sotto, binatikos ang BBM-Sara caravan

Image
Binatikos ng Partido Reporma ang isinagawang caravan ng tambalang Bongbong Marcos at Inday Sara Duterte sa Quezon City. Sa inilabas nilang pahayag, tinawag na malaking abala sa mga motorista ang isinagawang caravan na dinaluhan ng libo libong tagasuporta ng BBM-SARA tandem. “Partido Reporma decried the long caravan held by presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. and his party on Wednesday for causing massive inconvenience to the riding public and motorists plying Commonwealth Avenue in Quezon City.” sabi sa pahayag ng partido. Naniniwala sila na maaring labag sa patakaran ng Commission on Elections (COMELEC) ang ginagawa ni Marcos at Duterte lalo na’t hanggang ngayon ay may kumakalat parin na sakit. Tinawag din nito ang atensyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) para ibestigahan ang ginagawa ng tinaguriang super tandem. Ayon sa Partido Reporma ay sumusunod sila ng patas sa mga panuntunan ng COMELEC, kaya naman dapat imbestigahan ang BBM-Sara car

Libing ni Jonel Nuezca sa Urdaneta City, Pangasinan

Image
Isang GMA balitang Amianan reporter ang sinita ng kapatid ni Jonel Nuezca matapos nitong subukan na i-cover ang libing ng dating pulis. Sa kanyang Facebook live, ibinahagi ng reporter na si Russel Simorio na sinubukan niyang sundan ang libing ni Nuezca hanggang sa loob ng sementeryo ngunit pinigilan siya ng mga kamag anak ng dating pulis. “Nagagalit ‘yung kapatid ni Jonel Nuezca kaya di kami makalapit sa karo.” sabi ni Russel Simorio “Pasensiya na po at condolence sa pamilya ni Nuezca” “Walang mga tarpaulin o anumang pagkakakilanlan sa libing ni Jonel Nuezca kanina. Paraan ito ng pamilya para na rin sa kanilang proteksyon.” dagdag niya pa. Dahil dito ay bigo siya na makakuha ng litrato ng mismong paghahatid kay Nuezca sa kanyang huling hantungan. Sa live video naman na ibinahagi ni Simorio ay makikita ang pag uusap nila ng kapatid ni Nuezca. “Ayoko sana ng may nagbi-video… may kaparatan naman po siguro kami bilang respeto nalang sa kapatid ko,” sabi ng kapatid ni Nuezca. “Nanan

Death certificate ni Jonel Nuezca isinapubliko na

Image
Isinapubliko na ng mga awtoridad ang Death Certificate ng dating pulis na si Jonel Nuezca na pumatay sa mag-inang Gregorio sa Tarlac noong nakaraang taon. Si Nuezca ay nasa loob ng bilibid ng ito ay mamatay. Ayon sa BuCor, bigla na lamang siyang nag-collapse habang naglalakad papunta ng ospital ng Bilibid at kalauna’y binawian din ng buhay. Sa parte ng Cause of Death sa kanyang Death Certificate, makikita ang mga salitang "DOA UNDETERMINED, FOR AUTOPSY." Ito ay nangangahulugan na ang mga medical personnel ay hindi pa lubusang matukoy kung ano ang aktwal na sanhi ng pagkamatay ni Nuezca. Maaalalang hinatulan si Nuezca ng husgado ng “guilty” sa pagpaslang sa mag-inang Sonia at Frank Anthony Gregorio matapos ng mainit na pagtatalo tungkol umano sa ingay ng “boga” at right of way noong nakaraang taon.

Jonel Nuezca, pumanaw na nitong Martes ng gabi

Image
Pumanaw na si dating Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca na sangkot sa pagpatay sa mag-inang sina Sonia, at Frank Anthony Gregorio sa Tarlac noong Disyembre 20, 2020, sa New Bilibid Prison Hospital. Ito ay kinumpirma ni Bureau of Corections spokesperson Gabriel Chaclag, nitong Miyerkules sa pamamagitan ng isang text message.   Ayon kay Chaclag idineklarang patay si Nuezca 6:44 ng gabi nitong Martes. Ayon pa kay Chaclag dinala umanong walang malay ng mga kapwa preso si Nuezca sa New Bilibid Prison hospital matapos umano nitong mahilo, at mag-collapse.  "He was brought unconscious to the New Bilibid Prison hospital by his cell mates at 6:30 PM yesterday while walking outside the dormitory purposely to go to the hospital after complaining of dizziness. But while walking, he collapsed."   Dagdag pa niya, hindi pa umano kumpirmado kung ano ang totoong ikinamatay ni Nuezca.   "Investigation is ongoing, to determine if there is foul play , in the incident."  Nasawi

Bong Go, umatras na sa 2022 presidential elections.

Image
Inanunsyo ni Senator Bong Go nitong Martes, November 30 na umaatras na siya sa kandidatura sa pagka-Pangulo sa Election 2022. Ito ay isang linggo matapos niyang umamin na naghihintay umano siya ng “sign from God” kung itutuloy pa ba niya ang kanyang presidential bid. “In the past few days, I realized in my heart and my mind are contradicting my actions. Talagang nagre-resist po ang aking katawan, puso, at isipan. Tao lang po ako, nasasaktan at napapagod din,”  saad ni Go sa isang interview. “Sa ngayon po, ‘yun ang mga rason ko. That is why I am withdrawing from the race,” paliwanag niya.

Bongbong Marcos negatibo sa drug test

Image
Tinuldukan na ni presidential aspirant  Ferdinand “Bongbong” Marcos na siya ang tinutukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumagamit ng cocaine. Ito ay dahil sumailalim at negatibo ang resulta ng drug test ng dating senador. Ito ang kinumpirma mismo niya sa isang pahayagan ngayong araw, Nobyembre 23 matapos siyang sumailalim sa drug test kahapon sa isang ospital sa Metro Manila. Ayon kay Marcos, isinumite niya ang resulta ng kanyang cocaine test sa Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine National Police at National Bureau of Investigation. “I really don’t feel that I am the one being alluded to. In spite of that, I believe it is my inherent duty as an aspiring public official to assure my fellow Filipinos that I am against illegal drugs,” pahayag ni Marcos. Ayon sa kaniya, nagdesisyon siyang sumailalim sa drug test makaraang magpasaring si Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon umanong isang presidential candidate na gumagamit ng cocaine.  “Pagkatapos ng salita ni Pangulo. Eh d

Durugistang kandidato PRRD, Nagbigay ng clue

Image
Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong isang kandidato sa pagkapangulo para sa 2022 elections ang gumagamit ng iligal na droga. Sa kanyang talumpati sa Calapan City, Mindoro, sinabi ni Pres. Duterte na may isang presidential candidate na gumagamit umano ng cocaine. “There is even a presidential candidate na nag-cocaine. May kandidato tayo na nagko-cocaine ‘yan. ‘Yung anak ng mayaman. Kaya nga nagtataka ako. Anong nagawa ng tao na yan?” s abi ni Pangulong Duterte. Ang iba pang aspiranteng tatakbo sa pagkapangulo ay sina Vice President Leni Robredo, Sen. Panfilo Lacson, Sen. Manny Pacquiao, Manila Mayor Isko Moreno, dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., labor leader Leody De Guzman, at Army General Antonio Parlade Jr. “I am just asking what contribution has he made para sa Pilipinas? ‘Yan lang ang gusto kong tanungin,” aniya pa rin. Dapat aniyang malaman ngayon ng publiko ang tunay na pagkatao ng pinapasaringan niyang kandidato. “Nagtataka ako sa

Sen. Pacquiao kumpiyansang makukuha ang boto sa Visayas at Mindanao

Image
Kumpiyansa si Presidential aspirant Sen. Manny Pacquiao, na makukuha niya ang suporta ng mga botante sa Visayas at Mindanao sa darating na 2022 elections.   "Pagdating kasi sa Presidente, I’m sure yung mga Mindanaoan tsaka Bisaya, maso-solid ko naman siguro yun dahil pareho kaming mga Bisaya. Siyempre, saan pa boboto yung mga Bisaya? Sa kapwa Bisaya," sabi ng senador sa isang courtesy call kay Bulacan Governor Daniel Fernando. Si Pacquiao, na tumatakbo sa ilalim ng partidong PROMDI, ay tubong General Santos City at naninirahan din sa lalawigan ng Sarangani. Samantala, ibinasura ni Pacquiao ang mga pahayag na ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbong senador sa susunod na taon ay isang pakana para maagaw ang kontrol sa Senado. Sinabi ng boksingero na naging mambabatas na ang mga senador ay independyente at hindi maaaring diktahan ng sinuman. "I am not in a position para husgahan ang Pangulong Duterte pagdating sa kanyang desisyon sa pagtakbo. The Sen

Mayor Sara Duterte nag-file ng COC sa pagka Bise Presidente

Image
Tatakbo si Davao City Mayor Sara Duterte sa pagka-bise presidente sa darating na Eleksyon 2022. Siya ay papalit sa pag-urong ni Lakas-NUCD VP aspirant Lyle Uy. Ngayong Sabado rin binawi ni Uy kanyang certificate of candidacy. No statement from Mr Lyle Uy after filing withdrawal as Lakas-CMD candidate for vice president @gmanews pic.twitter.com/vFzx2r3hQq — Dano Tingcungco (@danotingcungco) November 13, 2021 Atty Reynold Munsayac confirms filing of COC for Vice President on behalf of Davao City Mayor Sara Duterte, says other matters regarding substitution will be answered “in due time” @gmanews pic.twitter.com/2i4pUtYh9M — Dano Tingcungco (@danotingcungco) November 13, 2021

Sen. Risa Hontiveros, Mahaharap sa 3 na Kaso?

Image
Sinampahan ng kasong sedition, pagsisinungaling at paghaharap ng pekeng testigo sa office of ombudsman si Sen. Risa Hontiveros ng mga abogado ng Pharmally Pharmaceutical Corporation. Dahil sa manipulasyon umano sa senate investigation. Ayon sa representative ng Pharmally na si Jaime Vega, inalok daw ng kampo ni Hontiveros si Veejay Almira ng P20,000 upang tumestigo laban sa Pharmally Pharmaceutical Corporation. Si Veejay Almira ang nagkwentong may halong expired na test kits at sira-sirang face shield ang sinusupply nila sa gobyerno. Ayon kay Vegas, gusto umano pagmukain ni Hontiveros na korap ang Duterte government.

BBM, nangunguna sa survey sa pagka-pangulo ayon sa Issues and Advocacy Center

Image
Kinilala bilang most preferred presidential candidate sa rating na 23.5% o ‘very significant’ ang Standard Bearer ng Partido Federal ng Pilipinas si Ferdinand “bongbong” Marcos Jr.. Sa inilabas na resulta ng isinagawang survey ng Issues and Advocacy Center nanguna sa pinupulsuhan ng mga botante bilang pangulo sa 2022 elections ang dating senador Bongbong Marcos, na sinundan naman ni Sen. Manny Pacquiao sa rating na 19.75 porsyento, at habang 18% naman o pangatlo sa pinakamataas si Manila Mayor Isko Moreno. Nasa higit 2,400 katao  ang nakiisa at tumugon sa nasabing survey. Ayon kay Marcos, ang patuloy na suporta mula sa partido at ibang samahan na naniniwala sa kanyang plataporma ang dahilan ng magandang resulta ng isinagawang survey.

Kuya Will: Natulog lang, nagkapera na!

Image
"Alam niyo mga kababayan, siyempre napagod ang tao." "Ganyan talaga ang buhay. Nagpapahinga ang kaibigan natin."  "Dahil bigyan natin siya ng jacket!"

Ang matalinong payo ni VP Leni sa vote buying

Image
Nagbigay ng payo si Vice President Leni Robredo kung paano ihahandle ng mga ordinaryong tao ang vote buying, na maaari umano nilang tanggapin ang pera na iniaalok ngunit iboto pa rin ang kandidatong gusto nila. "Lagi kong sinasabi, tanggapin niyo kasi galing sa inyo 'yan. Pera 'yan ng taumbayan. Pero iboto mo kung ano ang nasa konsiyensiya mo," sabi ni Robredo. "Pakiramdam nila, may utang na loob sila kasi tinanggap nila ang pera, pero hindi. Kapag namimili ng boto at iyong resulta ng eleksyon ay talo siya, mag-iisip na 'yun na hindi effective ang pagbili ng boto," Dagdag niya. Sinabi ni Robredo na bagama't ilegal ang pagbili ng boto, mahirap mahuli ang mga salarin dahil hindi ito ginagawa sa publiko, at sa ngayon ay maaari pa ngang gawin sa pamamagitan ng electronic transfers. Idinagdag pa ng Bise Presidente na hindi dapat hayaan ng mga botante na takutin sila ng mga mamimili ng boto sa pagsusumite dahil mananatiling lihim ang kanilang boto.  

Mystica, kinumpirmang magkarelasyon si Mygz Molino at manager nila ni Mahal?

Image
Sa kanyang YouTube video, sinabi ni Mystica o Ruby Rose Mauanay Villanueva sa totoong buhay na totoo umanong magkarelasyon sina Mygz Molino at Jeth Carey na manager nila ng yumaong komedyanteng si Mahal. Ayon kay Mystica, kilala  daw niya si Jeth dahil dati niya itong nakarelasyon. "Magjowa yun. Si Mygs ang dahilan noon na hiniwalayan ko si Jetro. Sinabi kasi ni Jeth noon na pinsan lang daw niya, yun pala, jowa niya ayon sa dating yaya at P.A. kong si Erika Lopez!" Ayon kay Mystic , hindi isyu sa kanya ang gender ng dalawa at ang kanyang punto lang ay may mga taong naloloko dahil naniwala silang may relasyon sina Mygz at Mahal  Nagpayo din si Mystica sa pamilya ni Mahal kung ano ang dapat nilang gawin lalo umano at may mga OFW na nagpapadala ng pera para kay Mahal. Panoorin ang video sa ibaba:

Sen. Bato sinagot si Karen Davila sa issue ng ABS-CBN franchise

Image
Sa interview ni Karen Davila kay senator Ronald Bato Dela Rosa sa ANC, diretsahang sinagot ni Senator Bato ang issue ng pagpapasira di umano ni President Rodrigo Roa Duterte sa ABS-CBN at pag harang sa Prankisa nito. KAREN: The closure of ABS-CBN and those cases filed against Maria Ressa, these two? It's not an indicator that there is less freedom today, that there is no chilling effect? SEN. BATO: Wow! paano mo nasabing chilling effect? bakit? sinara ba pati GMA, sinara ba pati TV 5? Hindi naman, kayo lang namang ABS-CBN ang hindi binigyan ng prangkisa ng congress! Because of some issues. Hindi ito para i-suppressed ang press freedom, hindi ginawa ito ng Congress, ito ay para i-address ninyo ang mga isyu na binato sa inyo, since hindi sattisfied ang kongreso sa mga sagot ng ABS-CBN kaya hindi in-approved ang prangkisa ninyo! So is there suppression of Press Freedom? Wow! KAREN: You admit Senator? That President Duterte was for ABS-CBN closure? SEN.BATO: Personal na k

Rappler nagpaliwagnag sa binurang presidential survey poll

Image
Nung nakaraang linggo, Miyerkules nang hapon, Oktubre 13, binura ng Rappler ang Facebook presidential poll nito. Lamang ang presidential candidate na si Bongbong Marcos sa kanyang karibal na si Leni Robredo noong nangyari ang pagbura. Ayon sa Rappler: "Mayroong mga nag-react para kay Marcos na tila Arabong accounts at kinalaunan, may mga for-Marcos pages ding nagsabing pati kay Robredo ay mayroon ding mga tila Arabo accounts na nag-react para sa kanya." Dagdag pa ng Rappler: "Pagkakamali na gumamit kami ng Facebook poll gayung alam na naming puwede nga itong paglaruan at manipulahin kung hindi ito lalagyan ng sapat na proteksiyon laban sa mismong pagmamanipula. Nagkamali rin kami sa hindi namin pagsama sa unang pagbukas ng survey sa iba pang kandidatong tulad ni Leody de Guzman. Nakita namin ang oversight na ito sa pamamagitan ng mga nag-call out online, at naglabas kami ng bagong post at isinama si De Guzman at iba pang kandidatong tulad nina Norberto Gon

Facebook planong magpalit ng bagong pangalan

Image
Posibleng hindi na Facebook ang tawag sa Facebook sa susunod na linggo dahil sa rebranding na planong gawin ng kompanya. Ano sa tingin mo ang magiging bagong pangalan ng FB?

Latest 'panaginip' parody video ni Manny Pacquaio nag-viral

Image
Viral ngayon sa social media ang latest video ng panaginip parody ni senator at presidential aspirant na si Manny Pacquaio. Ang video na ipinost ng Facebook page na VOVph ay kasalukuyang may 6K likes 684 comments at 4.6K shares na. Sa video mapapanood si sen. Pacquaio na nagkukwento ng kanyang panaginip, habang tila nakikinig sina sen. Kiko Pangilinan sen. Drilon at ang Avengers. Mapapanood din si Yorme na sumasayaw sa likuran habang may umaawit sa background. Sa bandang likuran ay makikita rin si VP Leni na nakatalikod. Panoorin ang video sa ibaba:

Galit na lucky caller, ayaw na maniwala, minura pa si kuya Will

Image
Sa programang Wowowin isang lucky caller na bagong panganak na misis ang napagkamalang scammer si Willie Revillame. Sa katunayan kinailangan pang kantahan pa ni Willie Revillame ang lucky caller para makumbinsi ng TV host na hindi siya scammer. Pero sapat na kaya ang kanta para paniwalaan siya? Panoorin ang nakatutuwang eksena.

Sen. Pacquiao namigay ng P1K kada tao sa Batangas

Image
Dinumog ng mga tao at hindi na nasunod ang Physical distancing sa pagbisita ni presidential aspirant at Sen. Manny Pacquiao sa Batangas nitong Huwebes, Oktubre 14. Iniimbestigahan na ng DILG ang insidente pero giit ni Pacquiao, nakipag-ugnayan naman sila sa lokal na pamahalaan. Samantala, kinumpirma ng Senador na namigay siya ng pera sa mga tao nang magpunta siya sa Batangas. Pero iginiit niyang hindi iyon vote buying. “Yes, totoo po ‘yan namigay tayo ng tulong, grocery, bigas, at pera na tag-iisang libo,” pahayag niya Pacquiao. “Hindi [ito vote-buying] kasi ‘yung pamimigay ng pera at bigas, 2002 ko pa ginagawa ‘yan,” paliwanag niya. “Mula noon hanggang ngayon, may eleksyon man o walang eleksyon, habit ko na mamigay 'pag nakita ko may nangangailangan, nagugutom,” sabi ni Pacquiao. Hindi rin umano pondo mula sa gobyerno ang perang ipinamahagi niya. “Ito parang pilosopo. Ano gusto niyo mamigay ako ng pera o magnakaw ako?” tanong niya.

Pacquiao: Dapat ibalik ng Marcos yung nanakaw nila sa ating gobyerno

Image
Sinabi ni Presidential aspirant at Senador Manny Pacquiao na dapat ibalik ng pamilyang Marcos ang kanilang ill-gotten wealth sa gobyerno. “Ayaw ko kasing manira pero ‘yung issue ng yaman na hawak ng mga Marcoses, kung ano man ‘yung nanakaw nila sa ating gobyerno, kailangan dapat ibalik ang mga sinisigaw ng taong bayan,” sabi ni Pacquiao sa ANC interview. “At kung sakali man ako ay tatanungin at ako ay mapalad na ilagay ng taong bayan sa posisyon na ‘yan, e ire-review natin lahat ng imbestigasyon at sinasabing yaman na nakuha ng mga Marcoses, kung magkano talaga, para maibalik sa ating bansa,” dagdag niya. Sang-ayon din si Pacquiao na dapat humingi ng tawad ang pamilya Marcos sa ginawa ng yumaong si President Ferdinand Marcos noong kanyang pamumuno. “Sang-ayon ako diyan dahil kung nagkamali ka marunong kang humingi ng patawad,”  sabi niya. Sinabi niya na ang kapwa aspirant ng pagkapangulo at dating Senador na si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ay hindi maaaring sabihin

Sharon Cuneta: "lumalabas na ang pagkabastos..ng marami sa ating mga Pilipino"

Image
Hindi napigilan ni Mega star Sharon Cuneta na sabihin ang kanyang pagkadismaya at ang makaramdam ng lungkot dahil sa kawalan na umano ng respeto ng maraming Pilipino. Tanong ni Mega, "Kundi na tayo marunong rumespeto sa isa’t-isa, paano tayo rerespetuhin ng mundo? Nasaan na ang tunay na bayanihan?" Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Sharon Cuneta ang kanyang saloobin sa umano'y kasalukuyang estado ng political landscape ng bansa. "Sadly, this is what this present administration has created and instilled in our people. Now, lumalabas na ang pagkabastos at pagkawalang disente ng marami sa ating mga Pilipino," sabi niya. "Kundi na tayo marunong rumespeto sa isa’t-isa, paano tayo rerespetuhin ng mundo?"  "Nasaan na ang tunay na bayanihan?"  "Noong araw, nagrerespetuhan tayo ng kanya-kanyang paniniwala at kandidato pag kampanya at eleksiyon na," View this post on Instagram A post shared by ActorSingerPresent

Kabayan, umatras na sa senatorial race sa Halalan 2022

Image
Hindi na kakandidatong senador sa Halalan 2022 si "Kabayan" Noli de Castro. Ayon sa dating bise presidente at brodcaster, naisip niyang mas makakapagsilbi siya sa publiko kung mananatili siya bilang isang mamamahayag. "Isinumite ko ang aking kandidatura sa Comelec noong Biyernes. Ngunit nagkaroon ng pagbabago ang aking plano," "Nais kong iparating sa lahat ng aking mga kaibigan at supporters na naghahanda na sanang tumulong sa akin, na nagpasiya akong hindi na ituloy ang aking kandidatura," "Gayunpaman, hindi po nagbago ang aking layunin at hangad para sa bayan. Kasabay ng pagdarasal sa Poong Nazareno, napag-isip-isip kong mas makakatulong ako sa pagbibigay ng boses sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahayag," paliwanag ni kabayan. Tatakbo sanang senador si kabayan sa ilalim ng Aksyon Demokratiko ni Manila Mayor Isko Moreno, na tatakbong pangulo ng bansa. Nagpasalamat si kabayan sa pagtitiwala sa kanya ni Yorme. Narito naman

Jake Cuenca nagsalita na kung bakit hindi huminto matapos umanong makabangga

Image
"For me in that moment I was thinking, I was fearing for my life."   Aktor na si Jake Cuenca, hinabol ng mga pulis matapos mabangga umano niya ang sasakyan ng pulis at di huminto. Binaril ng mga pulis ang gulong ng sasakyan ng aktor. Sugatan ang isang delivery rider na natamaan ng stray bullet. pic.twitter.com/20o08k4j3e — Jekki Pascual (@jekkipascual) October 10, 2021 Nagsalita na ang aktor na si Jake Cuenca sa napabalitang pagbangga niya sa sasakyan ng mga operatiba, na nauwi sa habulan mula Mandaluyong hanggang sa Pasig.

Mygz Molino Emosyonal sa post niya para kay Mahal "40 days mo na"

Image
Naglaan si Mygz Molino ng oras upang mag-post ng Instagram story upang maalala ang yumaong mabuting kaibigan na si Noemi "Mahal" Tesorero. Sa ika-40 araw ng pagkamatay ng comedienne, binisita ni Mygz ang libingan ni Mahal at nag-alay ng mga kandila at bulaklak. Ang social media star ay nag-post din sa kanyang IG Stories ng larawan niya na nakatingin sa larawan ni Mahal sa gravestone. Sumulat din siya ng isang nakakaantig na caption na, “40 days mo na Mahal.” "Maligayang paglalakbay," dagdag ni Mygz. Narito ang screenshot ng IG story ni Mygz's IG: View this post on Instagram A post shared by Mae 🇵🇭 (@mygz1029) View this post on Instagram A post shared by Mygz Molino (@mygz.molino)