Posts

Showing posts from December 20, 2020

'Show no mercy' Pulis na namaril sa mag-ina sa Tarlac, nahaharap sa patung-patong na kaso

Image
Sumuko sa Rosales Municipal Police Station nitong Linggo ng hapon ang pulis na si Jonel Nuezca, na binaril ang mag-inang kapitbahay nito sa Paniqui, Tarlac. Isinuko rin ng suspek ang Beretta 9mm pistol na ginamit sa pagpatay kina Sonya at Frank Anthony Gregorio, maging ang PNP ID at mga bala ng baril.  Kasalukuyang nakakulong si Nuezca sa Paniqui Municipal Police Office habang patuloy ang imbestigasyon. Naunang ipinaalala ni Paniqui Police chief Lt. Col. Noriel Rombaoa sa pulisya na panatilihin ang maximum tolerance sa sinumang mamamayan na lumalabag sa patakaran sa paggamit ng paputok sa panahon ng kapaskuhan. “Sa mga kasamahan po natin sa pulisya dapat self-control kasi nga maximum tolerance tayo, tayo ang may armas,” ayon kay Rombaoa. “Kung merong umaagrabiyado sa atin merong right forum po riyan. Puwede nating kasuhan, not to the point na gagamitin natin ang baril natin,” giit pa ng opisyal.

Actual Footage Pulis ParaƱaque, huli cam sa pagbaril sa nakaalitang mag-ina sa Tarlac

Image
Patay ang isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac, matapos barilin ng isang pulis na kanilang nakaalitan. Sa kuha ng video, makikitang yakap-yakap ni Sonya Gregorio, 52, ang anak na si Frank Anthony Gregorio, 25, na nakikipagtalo sa pulis na si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca. Sa kasagsagan ng away ay binaril ng pulis sa ulo ng tig-dalawang beses ang mag-ina. "Right of way" daw ang pinag-ugatan ng away ng suspek at ng mga biktima. Ayon sa witness may nagpaputok umano ng boga, 'yung PVC na during New Year pinapaputok. Narinig ng pulis. Magkapitbahay lang sila. Nagpunta ang pulis sa bahay ng biktima at nagkaroon sila ng pagtatalo. "Then naungkat 'yung matagal nilang alitan tungkol sa right of way. Doon nagsimula ang pagtatalo nila na umabot na sa pamamaril ng ating suspek." Nagsisisi ang suspek at handa itong humarap sa korte. Nahaharap ang pulis sa kasong double murder.