Posts

Showing posts from December 1, 2020

Mag-ingat! Unan na binebenta sa murang halaga, used face mask pala ang laman

Image
Unan na ibinebenta sa murang halaga, used face masks ang laman. Maliban sa posibleng carrier ng COVID-19 ang gumamit sa masks, kailangan talagang maitapon ang gamit na face masks dahil sa mga chemical at ingredients nito Ayon sa netizen na si Jovelyn Sarmiento Gabelo,  “Maging aware po tayong lahat sa mga bumili ng unan sa halagang 50 pesos sa mga naglalako diyan.  Ang laman po ng unan ay mga gamit na face mask! Maraming sakit po ang makukuha natin dito. Isa na ang COVID-19.” Sabi pa ni Gabelo, napabili silang magkakapitbahay sa Barangay Uno Extension, Carmona, Cavite. "Nabiktima mga kapitbahay namin dito sa brgy uno ext!. Carmona, Cavite..Keep safe po sa lahat." Sa isa pang Facebook post ng netizen na si LC Bubot, Sabi niya,  “Hello good day! Nakita ko lang. Repurposing of face masks? Okay sana ‘yung idea, basta siguro na-disinfect/nalabahan naman ‘yung mga face masks. Any thoughts on this?”

Pamilya ni April Boy ipapa-Tulfo ang Ospital sa pagkamatay ni April Boy Regino?

Image
"Humanda kayo, hindi natutulog ang Diyos! Hindi po siya inasikaso..5 oras siyang naghintay.. naka-schedule sa kanya pero ibinigay sa iba.. Kung hindi dahil sa inyo hindi pa sana patay ang kapatid ko!" -Vingo Regino Muling naglabas ng sama ng loob ang kapatid ni April Boy Regino na si Vingo sa ospital kung saan nagpapa-dialysis at nasawi si April Boy. Nauna nang nagbigay ng pahayag ang asawa at anak ni April Boy at kinumpirma nila na hindi nabigyan ng tamang atensyon ang singer nang pumunta sila sa ospital para magpa-dialysis at naging sanhi ng kanyang hindi inaasahang pagkasawi. Ngayon naman ay kinastigo ng nakababatang kapatid ni April Boy ang nasabing ospital. Ayon sa kanya 5 oras umanong naghintay ang kanyang kapatid para sa naka-schedule na mag-dialysis ngunit mas inuna umano ng ospital na asikasuhin ang ibang tao. Gumagawa na raw ng hakbang ang kanilang pamilya upang mabigyan ng katarungan ang pagpanaw ng kapatid. Lumutang pa ang isyu na ipapa-Tulfo ang naturang ospital.

Pangulong Duterte matagal nang nagpapadala ng monthly financial support kay April Boy ayon sa Misis niyang si Madelyn Regino

Image
Noong Lunes, Nobyembre 30, ay nagpasalamat si Madelyn Regino, ang asawa nang namayapang singer na si April Boy Regino sa mga supporters ng kanyang asawa at lalo na kay Pangulong Duterte para sa tulong medikal na ipinagkaloob sa "Di Ko Kayang Tanggapin" singer-songwriter bago ito pumanaw. Ayon kay Madelyn, nagpadala si Pangulong Duterte ng buwanang tulong pinansyal para sa mga maintenance medicines ni April Boy mula pa noong siya ay alkalde ng Lungsod ng Davao.  "Maraming Salamat sa aming Mahal na Mahal na Pangulo Duterte na Mula Noon Hanggang Sa Huling Laban Ng Buhay Na Aking Mahal na Mahal na Asawa Idol April Boy Regino ay hindi niya ito binitawan. Sa hindi po nakakaalam si Tatay Digong po ang nagbibigay buwan buwan para sa maintenance ng mga gamot ni Idol, simula pa nun Mayor pa lang siya hanggang sa naging Presidente na siya. Gayundin sa aming Mahal na Senator Bong Go at sa lahat ng nakiramay sa unang gabi at sa lahat ng nakikisampatiya sa fb,messenger, celpo

Asawa ni April Boy Regino ipinagtapat ang may kasalanan sa pagpanaw ni April Boy Regino

Image
Dinarayo ngayon ng mga kaibigan, kapamilya at mga fans na nagmamahal kay April Boy Regino ang funeral wake ng singer kung saan nakalagak ang kanyang mga labi sa Marikina. Matatandaan na pumanaw si April Boy madaling araw ng Lingg, November 29, 2020. Ayon sa kanyang asawa nagkaroon ng chronic kidney disease si April Boy kung saan nasa stage 5 na ito at acute respiratory disease ang naging sanhi ng kanyang pagpanaw. Subalit may ipinagtapat pa si Madelyn Regino.  Malungkot niyang ikinuwento na naka-schedule sanang sumailalim sa dialysis si Apri Boy noong araw din ng ito ang pumanaw. Ayon kay Madelyn 1:00 AM ang schedule ni April Boy magpa-dialysis subalit hindi ito nasunod. Kung nasunod lamang daw iyon ang buhay pa ang kanyang asawa sa ngayon. "Yung ala una naka schedule siyang mag-dialysis kung nasunod yun buhay ang asawa ko, buhay siya!" "Sinisisi ko yung hospital.."