Posts

Showing posts from November 27, 2020

Ion Perez naiyak sa birthday surprise sa kanya ni Vice Ganda

Image
November 27, 1990 nang isinilang si Ion Perez kaya ngayon Biyernes ay ipinagdiriwang niya ang kanyang 30th birthday. At isang surprise birthday cake at song ang sinalubong sa kanya ng kanyang partner na si Vice Ganda pag-uwi nito sa kanilang tahanan. Nagbigay din ng madamdaming birthday message si Vice para kay Ion Perez. Sabi ni VICE: "Di ko alam kung anung caption ang ilalagay ko.  Gusto kong mag isip ng bonggang mga salita.  Pero hindi eh.  Nung dumating ka naging pinakamaganda kung ano ung pinakasimple.  Kung ano ung totoo yun ang maganda.  Kung ano yung sinsero yun ang maganda.  Kaya di ko na aartehan. Happy Birthday Benigno!!!  Araw araw magdadasal ako kay Lord na alagaan at ingatan ka nya.  Na ipahintulot nyang maging matiwasay ka sa lahat ng oras.  At sana bigyan nya pa tayo ng mahabang panahong magkasama.  Kasi gusto kong makapiling ka pa.  Gusto kong mapasaya pa kita.  Gusto kong mahalin mo pa.  Gusto kong mahalin ka pa.  Dahil tuwing mahal kita doon ako masigla at masay