Pakamatay ni Jamir Garcia, Nahulaan din umano ni Rudy Baldwin?

Natagpuang wala nang buhay ang kilalang bokalista ng Slapshock na si Jamir Garcia sa sarili nitong tahanan sa Quezon City. Kinumpirma ito ng Quezon City Police District, Talipapa Police Station 3 at sinasabing suicide ang ikinamatay nito. Sinubukan pa umanong dalhin sa ospital at isalba pa sana ang buhay ni Garcia subalit 'dead on arrival' na ito ayon sa tumingin na doktor. 42-anyos lamang ang pumanaw na bokalista ng isa sa mga kinikilalang Pinoy Rock Band sa bansa. Kasabay ng pagpanaw ni Jamir ay ang pagkalat din ng Facebook post dati ng kilalang pinoy na pyschic na si Rudy Baldwin kung saan nabanggit niya ang tungkol sa pagpanaw ng isang kilalang tao. "ITONG VISION KO PARA SA MGA TAONG KILALA SA SHOWBIZ AT SA INDUSTRIYA NG MGA SIKAT .ISANG KILALANG TAO ANG MAG SUICIDE" "SA NAKIKITA KO SA VISION KO MAGULO ANG ISIP NYA KAHIT ME MGA KAIBIGAN PA NA NAGBIGAY SA KANYA NG PAYO." "KAHIT GAANO KABIGAT ANG PROBLEMA HUWAG BASTA LANG ISUKO ANG BUHAY NA