Posts

Showing posts from November 23, 2020

Babae, nabundol ng ES Transport Bus sa EDSA Busway

Image
Sugatan ang isang babaeng tumawid sa EDSA-Balintawak Northbound matapos na mabundol ng ES Transport Bus sa EDSA Busway. Nabulaga umano ang bus driver dahil wala namang tawiran sa lugar nang lumusot ang babae. Narito naman ang komento ng mga netizens: "Tapos kasalanan at makakasohan ang driver..dapat may pagbabago naman sa batas lansangan ...pag nabundol ka na wala ka sa tamang tawiran dapat ang nabundol ang may kasalanan..idaan naman natin siguro sa tama at lugar." "Pag nakulong ung driver ng bus, ewan ko na lang talaga." "Simpleng "Bawal tumawid" Di masunod, kaya wag na tayong mag taka bakit ganito ang bansa natin. 🤦‍♀️" "hindi kasalanan ng Driver yan .utang na loob sana nman yung batas sa ganitong bagay maging mas malwak .. kawawa yung mga wla nmang kasalanan naddamay sa mga gnyang tao." "The driver is totally not at fault" "ang mangyayari nyan makukulong pa yung driver, samantalang dapat kargo yan ng MMDA ku

Super Tekla at Michelle, nagka-sundo na kung kaninong poder mapupunta si baby Angelo

Image
Kamakailan lang ay nabalitang isinugod sa ospital ang limang buwang anak ni Super Tekla na si baby Angelo. Nagka-pneumonia raw si baby Angelo at mabuti na lang at negative ito sa COVID-19. Pero ngayon ay nagpapagaling na raw ang kanyang anak. Maraming salamat sa lahat ng mga Doctors at mga nurses Nang Philippine children medical center for taking care of my... Posted by SuperTeklah Librada on  Saturday, November 21, 2020 Habang nasa ospital, may ilang tao umano ang nakakita kay Tekla at nakunan ng video na magkausap silang dalawa ng dati niyang partner ka si Michelle Bana-ag. Naki-usap nalang daw ang manager ni super Tekla na si Rose Conde na huwag nang ikalat ang video. Napagkasunduan raw nila Super Tekla at Michelle Bana-ag na sa puder pa rin ni Michelle mananatili si baby Angelo, samantalang si Tekla ang magtutustos sa mga gastusin . Ayon kay Tekla, okay na sa trabaho nalang siya mag-focus. Nakapag-move on na umano siya at pinatawad na rin niya si Michelle. Ngunit ayon

Anak ni Super Tekla na si baby Angelo, isinugod sa ospital

Image
Isinugod kamakailan sa ospital ang limang buwang anak ng komedyanteng si Super Tekla.  Nagka-pneumonia raw si baby Angelo at mabuti na lang at negative ito sa COVID-19.  Pero ngayon ay nagpapagaling na raw ang kanilang anak. Sa Facebook post niya nitong Biyernes, November 20, ibinahagi niyang inilipat na sa recovery ward mula sa emergency room si Angelo at mabuti na ang kalagayan nito. “Sabi ko sa Kanya ni minsan 'di ako nagreklamo sa lahat ng pagsubok na naranasan ko then pumikit ako sabi ko lahat kakayanin ko, hinding-hindi ako magrereklamo, 'wag Mo lng pahihirapan si Angge. “He answered and God knows kung ano kahinaan ko at alam niyang bibigay at ikalulumpo ko kaya 'di niya ako pinahirapan sa anak ko. “Salamat Lord. Ang sigla na ni Angelo from ER transfer sa recovery ward. Lahat normal heartbeat, BP, oxygen level. Ginagamot na lang 'yung ubo niya. LORD SALAMAT,” sabi ni Tekla. Sabi ko sa kanya ni minsan di ako nagreklamo sa lahat ng pagsubok na naranasan ko the

Sumbong ng Lola ni Charice, inaksyonan na idol Raffy Tulfo

Image
Umiiyak na nagpasaklolo ang lola ni Jake Zyrus na si Tess Pineda sa programa ni idol Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo' sa episode ngayong November 23.  Kwento ni lola Tess,  binato umano siya ng kanyang anak na si Raquel Pempengco sa hindi niya malaman kung ano ang dahilan.  Ayon kay lola Tess kinuha at binenta ni Raquel ang ilan sa naipundar niyang gamit at sinaktan siya umano nito ng ikinuwento niya sa ibang tao na siya ay lola ni Charice. "Hindi ko po alam bakit napakabigat ng dugo sa akin ng anak ko... masama raw po akong tao, masa raw po akong ina!"  Kasalukuyang nakatira si Lola Tess sa isang netizen na si Edith Guiyab na nagmalasakit sa kanya.  Ipinakita naman ni Raquel kay idol Raffy ang kwarto na tinutuluyan ni Lola Tess sa kanila, may maayos ito na kama at mayroon pang aircon ang kwarto kung saan makikita na naroon din ang mga damit ng kanyang ina.  Nakiusap din si  Raquel Pempengco sa kanyang ina na huwag nang gambalain pa si Jake dahil may sarili na itong b