Posts

Showing posts from November 19, 2020

Claudine Barretto inireklamo si Raymart Santiago sa di pagsustento sa 2 anak nito

Image
Inireklamo ng aktres na si Claudine Barretto ang dati nitong asawa na si Raymart Santiago sa diumano'y hindi nito pagtupad sa sustento para sa dalawa nilang anak. Ayon sa report nakatakda magkita ang dalawa sa darating na December 10 sa Prosecutor’s Office ng Marikina City. Ito ay kaugnay isinampang reklamo ni Claudine laban kay Raymart na paglabag sa Violence Against Women and their Children Act o Republic Act 9262 at alegasyong economic abuse.  Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio ang abogado ni Claudine, hindi umano tinutupad ni Raymart ang dati namg napagkasunduang "PHP100,000" per buwan na sustento para sa kanilang dalawang anak.  View this post on Instagram A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) Ito umano ang dahilan ng pagsampa ng reklamo ni Claudine kay Raymart. "Hindi nagbibigay ng sustento si Raymart. Ang tagal na! "Nagbibigay siguro, P14K a month, ganun. 'Tapos, wala na," sabi ni Atty. Topacio sa interview

Kuya Wil, kakasuhan ang nagpakalat ng fake news post patungkol sa kanya sa social media

Image
Isang pekeng social media statement umano ni Kuya Wil ang kumakalat ngayon sa social media. Sa kaniyang programang "Wowowin-Tutok To Win," ipinakita ni Kuya Wil ang screenshot ng naturang post na makikita ang kaniyang larawan at may mensahe tungkol sa pagbebenta ng sasakyan para ipangtulong sa mga naghihirap na tao.  Pero paglilinaw ni kuya Wil, wala siyang kinalaman sa naturang post. "Wala po akong sinasabing ganyan. Kung sinuman ang gumawa pinapahanap na namin 'yan sa NBI," sabi ni Kuya Wil. Kinausap na raw niya ang abogado ni Senador Bong Go at ipinaalam niya na wala siyang binabanggit katulad ng nakasaad sa post. "Kung sino ka man, pinapahanap ka na namin. Wala kayong ginawa kundi manira ng kapwa n'yo, "Baka magalit sa akin ang pangulo." giit ni Kuya Wil.

Baby MJ na dating binugbog ni "Berna" kinumusta ni idol Raffy Tulfo

Image
Naalala nyo ba ang batang binugbog ni Berna? Taong 2018 ng mag-viral sa social media si Berna Espina dahil sa pang-aabuso niya sa anak ng kanyang kinakasama. 2 years old pa lamang noon si Baby MJ, at halos hindi pa buo ang pagsasalita nang paulit-ulit niyang nababanggit ang "bugbog Berna" sa tuwing tatanungin siya kung ano ang nangyari noon sa kanyang mukha at katawan.  Maraming netizens ang nagalit kay Berna dahil kitang-kita sa mga pasa at sugat ng bata ang tindi ng sinapit nito sa kanya.  Ngayong apat na taong gulang na siya, malaki na ang pinagbago ni Baby MJ na ngayo'y aktibo at masayahin na sa piling ng kanyang ina na si Marimar Quilap-Quilap. Ayon sa ina, malaki na ang pinagbago ni baby MJ mula nang mangyari sa kanya ang pananakit ni Berna.   Masayahin at masigla na raw ito at natututo nang makipaglaro sa kapwa niya bata.  Ayon pa sa ina ni Baby MJ, Marso 2019 nang makulong si Berna habang ang kanyang ama naman ay nakulong na rin nitong Enero ng kasalukuyang taon. 

Lola ni Charice 'Jake Zyrus' umiyak na humingi kay idol Raffy Tulfo ng tulong

Image
Isang video ng isang lola ang kumakalat ngayon sa social media ang usap-usapan ngayon online. Ayon sa Facebook post ng page na "Mukbangers on the road", ang matandang babae sa video ay ang lola ni Jake Zyrus o dating si Charice Pempengco. View this post on Instagram A post shared by Jake Zyrus IDN (@jakezyrusindonesia) Narito ang kanilang post: "Good day mga Kamukbangers siya po si Tess Pineda siya po ang Lola ni Charice Pempengco o mas kilala sa tawag ngayon na Jake Zyrus. Siya po ay lumapit sa amin at nakiusap na baka pwede daw po namin sya kuhanan ng video upang manawagan sa kaniyang pamilya at makahingi ng tulong kay Idol Raffy Tulfo at Maam Jessica Soho. Siya po ay 74 years old na at may mga iniindang karamdaman nais nya pong makapag pa check up dahil lagi na po syang nahihilo kailangan nya rin po ng mga gamot. Pansamantala po syang kinukupkop ng isang concern citizen sa Sta.Rosa Laguna.  Hinihiling din po niya na mabigyan sya ng isang makina s

Soon to be Misis, tinakasan ni lalaki isang araw bago ang kanilang kasal

Image
Masamang-masama ang loob ng isang bride-to-be sana na si Mary Grace Dollete nang nagpasaklolo ito sa programang "Wanted sa Radyo" ni idol Raffy Tulfo. Reklamo niya ay ang biglaang pag-atras ng kanya sanang mapapang-asawa na si Lendo Romero isang araw bago ang kanilang pag-iisang dibdib.  Ang paliwanag naman ni lalaki, nasasakal na umano siya sa sobrang pagiging selosa ni Mary Grace at hindi na niya masikmura ang ugali nito kaya naman nagdesisyon siyang hiwalayan na ito. Ngunit giit ni Mary Grace na mayroon na raw ibang girlfriend ang lalaki at nagagawa pa nito umanong iuwi sa kanilang tahanan at alam na rin daw iyon ng magulang ng lalaki. At dahil sa sama ng loob na binigay ng lalaki sa kanya gustong kasuhan ni Mary Grace ang kanya sanang groom. Panoorin ang video sa ibaba:

Derek Ramsay umamin na hiwalay na sila ni Andrea Torres, "Mahal ko si Ada"

Image
“There is nothing wrong with Andrea. She is a great woman.” Kinumpirma na ni Derek Ramsay ang napabalitang hiwalayan sa pagitan nila ng 30-anyos na si Andrea Torres. Ito ay bilang tugon ng 43-year-old actor na si Derek sa isang netizen na nagkomentong si Andrea raw ang dahilan ng breakup nilang dalawa. “Ano ba kayo 1 yr lang sila ni andrea samantqla yong past nya 6 yrs lahat bakit gsnon kadali kY andrea somethi g is wrong with andrea wag nyo isisi kay dereck lahat yong past nya 6 yrs” ang sabi ng netizen. “pls don't point the finger at anyone." “There is nothing wrong with Andrea. She is a great woman." “There is no third party!!!! The breakup has happened so fast.” “Maybe 2 people are just not meant to be. Pls respect us nalang." “We shared our love to all of you sana naman we can keep this to ourselves." “Mahal ko si ada kaya di ako magsasalita pero if I hear lies about her I will defend her.” sagot ni Derek

Kuya Wil, ibebenta rin ang P35M Rolls-Royce upang tulungan ang mga kababayan sa Cagayan at Isabela

Image
Pagkatapos ibenta ni kuya Wil ang P12M Range Rover para idonate sa Marikina at Montalban, ang kanyang P35M Rolls-Royce naman ang ibinebenta niya para sa mga kanyang kababayan sa Cagayan at Isabela. Pinapabenta na rin ni Willie Revillame ang kanyang isa pang luxury car na Rolls-Royce. Ito ang inihayag ni kuya Wil sa kanyang programang Wowowin kahapon, November 18.  Sabi ni kuya Wil, “Kaya kinausap ko kanina yung pinagbenta ko ng Range Rover, sabi ko, 'Yung isa kong kotse ibenta mo na rin.' “Kaninang umaga, sabi ko, ‘I-fastbreak mo na rin yung isa kong kotse para pupunta ako Cagayan tsaka Isabela.' “Pinapabenta ko na rin po yung isa kong kotse na Rolls-Royce kahit na kung mura lang. “Binili ko ng P35M, kahit kalahati na lang, sabi ko.” Nilinaw rin ni kuya Wil na wala siyang balak pumasok sa pulitika kaya siya tumutulong sa kanyang kapwa.

VP Leni Robredo, sinagot kung tatakbo ulit siya sa 2022

Image
Ininterview ng broadcaster-journalist na si Pia Hontiveros si Vice President Leni Robredo sa CNN Philippines noong Nobyembre 18. Sa panayam, tinanong ni Pia si VP Leni kung tatakbo siya sa 2022. Sagot ng VP na ngayon ay taong 2020 pa lamang at maraming mga bagay pa ang maaaring mangyari at hindi niya alam kung tatakbo pa rin siya. Sinabi din niya na ang usaping 'halalan' ay bagay na hindi muna dapat pinag-uusapan sa oras ng kalamidad. “Ako, 2020 pa lang ngayon." "Ang presidential election is far away. Dalawang taon pa." "And history would tell us ang daming puwedeng mangyari sa isang taon." "Hindi nga natin alam kung kakandidato pa ako." "Nung kumandidato ako, Pia, for VP, last minute. Nung kumandidato ako for Congress, the same." "Pero yung sa akin, ibi-bring up ba natin yung eleksyon at the time of… parang sobrang calamity such as this?" "Hindi lang typhoon pero tatlong magkakasunod," "Meron pa