Posts

Showing posts from November 18, 2020

Honduras Drowned: Category 5 Hurricane Iota humagupit sa Central America

Image
Hindi bababa sa 30 katao ang nasawi sa hagupit ng pinakamalakas na bagyo sa Atlantic ngayong taon na nanalasa sa mga lugar ng gitnang Amerika. Libu-libo ang napilitang lumikas sa kanilang mga tahanan nang tumama ang Hurricane Iota sa Nicaragua at mga karatig bansa. Inaasahan na ang pagbagsak ng ulan ay magdulot ng mudslides at nakamamatay na flash flood at pagapaw ng mga ilog. Ang mga pagkamatay ay naitala mula sa Nicaragua, Honduras, Colombia, Panama at El Salvador. Daan-daang libo ng mga tao ang lumikas sa mga shelters sa rehiyon. Ang Iota ay ang pinakamalakas na bagyo sa Atlantic ngayong taon at ang pangalawang bagyo lamang noong Nobyembre na umabot sa kategorya limang.

Andrea Brillantes, ipinasilip ang pinapagawang bahay

Image
Nagbigay ng update ang aktres na si Andrea Brillantes tungkol sa ipinapagawa niyang bahay. Sa social media, ibinahagi ni Andrea ang mga retrato kung saan kita ang loob at labas ng magiging bagong tirahan nila ng kanyang pamilya. “Sa squatters po. Simple lang po talaga. Magulo. Nakikitira lang kami sa grandparents ko,” sabi ni Andrea sa isang interview. “Gusto kong malagay yung family ko sa subdivision. May hagdan, may aircon and gusto ko kasi magkakasama na kami,” dagdag pa ng aktres. View this post on Instagram A post shared by Andrea Brillantes (@blythe) View this post on Instagram A post shared by Andrea Brillantes (@blythe) View this post on Instagram A post shared by Andrea Brillantes (@blythe) View this post on Instagram A post shared by Andrea Brillantes (@blythe) View this post on Instagram A post shared by Andrea Brillantes (@blythe) View this post

Personal na paghatid ng relief goods ni Ivana Alawi sa Cagayan, Hinangaan ng mga netizens

Image
Pinuri ng maraming netizens ang sikat na vlogger at aktres na si Ivana Alawi matapos niyang personal mamigay ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses. Ang Cagayan at Isabela ang dalawa sa napuruhan ng malawakang pagbaha dahil sa pananalasa ng Typhoon Ulysses noong November 11. Sa latest vlog ipinakita ni Ivana sa kanyang YouTube channel ang patuloy niyang “repacking” at ang personal paghatid ng mga relief goods para sa mga nabiktima ng baha. Narito ang ilang papuri ng mga netizens kay Ivana: "Describe Ivana In One Word : Selfless" "I don't know why but when she really does something like this, it feels so authentic. No pretentions, not just because she's in front of the camera, or for views but she is always genuine. May God shower you and your family with a lot blessings because of your good heart. I feel so inspired watching this. <3" "i’m so proud of u for what u’re doing ate 🥺🤍 sana marami pa tayong matulungan, i love u so much."

Robin Padilla pinagtanggol si Pangulong Duterte laban kay VP Leni

Image
Idinaan ni Robin Padilla sa social media ang kanyang mensahe para kay VP Leni Robredo kaugnay sa kanyang kontrobersya kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ang mensahe ni Robin Padilla ay ang kanyang reaksiyon sa balita na pinapahiwatig ni VP Robredo na si Pangulong Duterte ay napaka-sensitibo pagdating sa mga batikos ng mga Pilipino sa pagtugon ng kanyang administrasyon sa Bagyong Ulysses. Ayon kay Robin, okay lang na punahin ang gobyerno, ngunit mali ang magpakalat ng mga kasinungalingan tungkol sa kahit sino man.  Inihambing din niya ang bilang ng namatay sa Bagyong Ulysses sa bilang ng mga namatay noong nakaraang malalakas na bagyo na nangyari noong administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Bukod dito, sinabi ni Robin kay VP Robredo na ang pagbibigay ng mga relief goods ay hindi sapat upang matulungan ang mga nasalanta ng Bagyo. Narito ang kanyang post: "Ako po ay nakikiraan po sa inyo madame Vice President mawalan galang na po sa inyo. Crticism is different from black

2 Beki, pinagtulungan umanong halayin ang kaibigang lalaki

Image
Sa kulungan ang bagsak ng dalawang LGBTQ matapos umano nila halayin ang 26 anyos na kaibigang lalaki sa Mangaldan, sa probinsya ng Pangasinan. Sa imbestigasyon ng pulisya, niyaya umano ng dalawang suspek ang biktima na makipag-inuman sa kanila. Matapos ang inuman sa bahay ng isa sa mga suspek ay matutulog na sana ang mga magkakaibigan nang pwersayan umanong minolestya ng mga suspek ang biktima. Matapos na makapagsumbong ang biktima sa pulisya ay agad dinakip ang dalawang suspek at ayon sa mga suspek ay tinatanggi nila ang naturang krimen. Tumanggi nang magbigay ng anumang magpahayag ang biktima pero desidido siya na magsampa ng kaso laban sa dalawang suspek.