Posts

Showing posts from November 16, 2020

Andrea Torres at Derek Ramsay, hiwalay na

Image
Parehong binura na nina Andrea Torres at Derek Ramsay ang mga litrato nilang magksama sa kani-kanilang Instagram account. Dahil dito, lumabas ang usap-usapang hiwalay na ang dalawang Kapuso stars. Inan-follow na rin ni Andrea ng Instagram account ni Derek, pero nananatiling naka-follow si Derek kay Andrea.  Ayon sa report, kinumpirma ng isang malapit kay Andrea Torres na hiwalay na nga ang dalawa. Ngunit sa kabila ng balitang ito, importante pa ring manggaling mismo kanila Derek at Andrea ang totoong estado ngayon ng kanilang relasyon dahil sila ang mga pangunahing sangkot sa isyu.  View this post on Instagram A post shared by Andrea Torres (@andreaetorres) Narito naman ang mga komento ng mga fans ng dalawa: “Came here after noticing that their pics together on each other’s IG deleted na and they unfollowed each other. Break na ba? If its true I’m very sad especially for Andrea.” “I just noticed both you and Derek removed all the pictures of you are togeth

Angel Locsin, sinermonan ang DepEd kaugnay sa module na tinawag siyang Obese

Image
Humingi na ng paumanhin ang DepEd sa aktres na si Angel Locsin dahil sa isang learning module na kumutya sa pangangatawan ng aktres. “Angel Locsin is an obese person. She, together with Coco Martin, eats fatty and sweet food in Mang Inasal fast food restaurant most of the time. In her house, she always watching television and does not have any physical activities,” sabi sa viral na module.  Ayon DepEd sa Occidental Mindoro, ang module ay gawa umano ng isang MAPEH teacher mula sa lalawigan at hindi dumaan sa quality asusrance ng Central Office ng ahensiya. "We would like to express our sincerest apology to the concerned individuals who may have been offended or harmed by this incident," "The Department of Education does not tolerate nor condone any act of body shaming, ad hominem or any similar act of bullying both in the physical and virtual environments," pahayag ni Roger Capa ang division superintendent ng DepEd sa Occidental Mindoro. Sa Instagram account ni

Aktres na si Glaiza de Castro binatikos ang aerial inspection ni Pangulong Duterte sa Cagayan?

Image
Nagpahayag ng saloobin ang aktres na si Glaiza de Castro sa Twitter kaugnay sa mga lumabas na larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nagsasagawa ng aerial inspection sa lalawigan ng Cagayan kahapon, November 15. “Yung may nakita ka nang mali pero nag inspect ka lang.” ang komento niya. Yung may nakita ka nang mali pero nag inspect ka lang. https://t.co/zSqcSRuvqD — Glaiza de Castro (@glaizaredux) November 15, 2020 Matatandaang ang lugar ay inilagay na sa ilalim ng state of calamity dahil ang tubig-baha ay sumakop sa halos buong lugar at inilarawan din na katulad sa "Pacific Ocean." Kasama ng Pangulo sa kanyang aerial inspection ang kanyang dating special assistant to the president na si Senator Bong Go. Hindi na nagbigay ng detalye si Glaiza tungkol sa kanyang maikling tweet, pero umani ito ng iba-ibang reaksiyon mula sa netizens. "Ay ms. Glaiza taga cagayan po ako. Pero hindi gnyan ang inuugali ng edukada. First of all ano gusto nyo susugurin nya iyong baha

Bahay ni Gardo Versoza, winasak ng Bagyong Ulysses

Image
Ibinahagi ng tinaguriang TikTok king ng Pilipinas ang aktor na si Gardo Versoza sa kanyang Instagram account ang larawan ng isang bahay na sira-sira.    Makikita sa larawan ang natanggal na parte ng bubong, sira-sirang pundasyon at hagdanan ng kanilang bahay, at wala na rin ang sahig sa second floor.   Makikita rin sa larawan na bukod sa walang natirang gamit sa loob ng bahay, makikita din ang bakas ng pagbaha sa loob ng bahay.  At ang tanging nasabi na lamang ni Gardo sa caption, "haaaaayyyyyy our house"  View this post on Instagram A post shared by gardo versoza ( CUPCAKE ) (@gardo_versoza) Gayunpaman, marami naman ang nagpaabot ng suporta sa aktor at nagsabing think positive at siguradong makakabangon sila ulit. "Nakakalungkot pero sa picture na ito, may hope after the storm. Ayun kapag humakbang ka pataas andun me pag-asa - cute na doggie naka ngiti. " "Grabe talag ang bagyo. So sad and sorry but still thank the Lord na walang mas