Posts

Showing posts from November 14, 2020

Isang Guro sinabihan ng "Congrats" ang kanyang estudyante na nabasa ang module sa tubig baha

Image
"Ok lang ako ano inuna nyo bang sinave any module? Para sa bayan para sa kinabukasan?"  Binahagi ng isang magulang sa social media ang screen shot ng pag-uusap ng kanyang anak at ng kanyang guro. Deleted na ang nasabing post ng magulang na si Michelle Barbaran sa Facebook. Pero bago pa ito tuluyang na-delete, ilang mga netizen ang nakakuha ng kopya ng larawan na na-upload. Sa usapan ng guro at estudyante, tinanong ng guro ang kanyang estudyante kung may naisalba ba siyang kahit na anumang modyul. "Ok lang ako ano inuna nyo bang sinave any module? Para sa bayan para sa kinabukasan?" Inamin naman ng mag-aaral na hindi niya naisalba ang kahit na isang module at nabasa lahat. "Sir hindi po, nabasa po ung modules ko," sagot ng estudyante. Dito na sinabi ng guro, "So gusto mo icongrats kita?" Pagkatapos noon ay nag-reply pa guro na may salitang, "Congrats."

Baha sa Cagayan bahagya nang humuhupa ayon sa Cagayan DRRMO

Image
Maraming mga barangay sa lalawigan ng Cagayan at sa Tuguegarao City ang nanatiling binaha noong Linggo dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses, ngunit ang tubig-baha ay dahan-dahan ng humuhupa,  ayon sa mga opisyal ng Cagayan DRRMO.  Ayon sa report sinabi ni Jacinto Adviento, pinuno ng Alcala, Cagayan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, na hindi bababa sa pitong mga barangay sa bayan ang lubog pa rin sa baha, bagaman ang tubig ay dahan-dahang humupa. "Sa mga flood-prone barangays namin, lubog pa rin sa baha hanggang ngayon kasi bumaba lang ang tubig nang 1.5 meters," sabi niya. Ayon kay Adviento na dalawang indibidwal ang namatay mula sa kanilang bayan dahil sa electrocution, isa na rito ay natagpuan na at ang isa pa ay napapailalim sa isang retrieval operation. Hindi bababa sa 12,000 indibidwal ang lumikas at nananatiling nakatira sa tatlong itinalagang evacuation center ng bayan, sinabi ni Adviento. Gayunpaman, mayroon ding ilang mga residente na pinili

Video ni Spox Harry Roque na nagbi-videoke binatikos online

Image
Viral sa social media ang video ni presidential spokesperson Harry Roque habang siya ay kumakanta ng "Pare ko" nitong Biyernes, November 13, sa Baguio City.  Paliwanag niya, nag-"unload" lang siya dahil sa "hectic" na linggo. “Just when I thought I could unload a little after a hectic week/s, my unremarkable singing as a means of unloading goes public and I get a beating,” paliwanag ni Roque. Nitong Biyernes din kasi ng gabi kumalat sa social media ang mga larawan ng matinding pinsalang inabot ng mga tao sa Cagayan at Isabela dahil sa bagyong Ulysses. Dahil sa sobrang taas ng baha, ilang residente ang nagpalipas ng magdamag sa bubungan ng kanilang mga bahay. Kaya naman marami sa mga netizens na nakapanood ng kanyang video ay hindi napigilang batikusin ang opisyal: "Wow! Same time when people in Cagayan were crying for help!" "wow. goes to show how empathic and nice harry roque truly is ❤ nakuha pang i-flex ung dinner nya while my fellow fil

Actual video ng pag-release ng tubig sa Magat Dam sa Isabela!

Image
Lumabas sa social media ang isang video kung saan makikita ang actual na pag-papakawala ng tubig sa Magat dam sa Isabela. Sa nasabing video makita ang napakalakas na pressure ng tubig at kapansin-pansin na maraming tubig sa dam ang kailangang palabasin. Who is in charge in releasing water from the dams????? @terryridon asked that question a few days ago. pic.twitter.com/6AuGt6veq4 — Goyo Y. Larrazabal 🇵🇭 (@GoyYLarrazabal) November 13, 2020 Ang Magat Dam ay itinayo noong 1978 at pinasinayaan ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos noong Oktubre 27, 1982, nagsimula ng operasyon noong 1983.  Ang Magat Dam ay isa sa pinakamalaking dam sa Pilipinas.  Ito ay isang multi-purpose dam na ginagamit pangunahin para sa irigasyon ng halos 85,000 hectares ng mga lupang pang-agrikultura, pag kontrol sa baha, at power generation sa pamamagitan ng Magat Hydroelectric Power Plant.

Inabot man ng dilim, Coast Guard patuloy pa rin ang search and rescue operations sa Cagayan at Isabela

Image
Inabot man ng dilim, tuloy-tuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operations ng Philippine Coast Guard sa lalawigan ng Cagayan at Isabela ngayong araw. Kalunos-lunos ang naging kalagayan ng mga residente na apektado ng malawakang pagbaha sa Cagayan Valley.  Tatlong Disaster Response Team (DRT) mula sa Coast Guard Station Ilocos Norte ang ngayon ay kalalampas pa lamang sa bayan ng Gattaran, sa Cagayan. Sila ngayon ay nasa bayan ng Alcala upang tumulong sa rescue operations na isinasagawa ng mga kawani ng Coast Guard Northeastern Luzon.

Massive rescue operation ng Philippine Coast Guard sa Isabela at Cagayan viral online

Image
Aabot sa 24 na bayan sa Cagayan ang nalubog sa baha dahil sa matinding hagupit ng Bagyong Ulysses at sa pagpapakawala ng tubig ng Magat dam. Ang ilang residente, na-trap sa mga bubong ng kanilang bahay. Nakarating na ang ilang miyembro ng Philippine Coast guard sa Cagayan at Isabela.  Nagpadala na rin sila ng mga karagdagang pasilidad upang mas mapabilis ang pagsagip sa mga kababayan natin lalo na sa Tuguegarao. Hindi man natumbok ng Bagyong Ulysses ay matinding pagbaha rin ang kanilang naranasan at umabot din ng lampas tao ang tubig.

LIBRENG Tawag at Text handog ng Globe Telecom sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses

Image
Sinabi ng Globe Telecom Inc. noong Huwebes na nagbibigay sila ng mga libreng mobile services sa mga customer nito sa mga lugar na apektado ng Bagyong Ulysses. “With so many Filipinos suffering from the destruction brought by Typhoon Ulysses, customers are in most need of communication assistance from their trusted service provider. Globe is supporting  its mobile customers in areas hit by Typhoon Ulysses with free mobile services,”  sabi sa official website ng Globe Sinabi ng telco na nagbibigay ito ng free unlimited texts to all networks at free calls to Globe/TM sa loob ng tatlong araw. "Globe Prepaid is providing free unlimited texts to all networks and free calls to Globe/TM for three days.  For Globe Postpaid customers, credit action will be put on hold until the end of the week to accord customers more time to pay their bills." Gayundin, bibigyan din ang mga TM users ng free unlimited texts to all networks at free calls to Globe/TM sa loob ng tatlong araw.  "Likew

Sigawan ng mga takot na takot na residente habang mabilis na tumataas ang baha sa Tuguegarao viral online

Image
“Lahat ng mga munisipyo na tabi ng Cagayan River, ay baha ngayon. Grabe ang baha ngayon sa Cagayan, na-surpass niya ‘yung previous na baha nung 2019,” - Col. Ascio Macalan Cagayan PDRRMO Nag-trending ang Hashtag #CagayanNeedsHelp sa Twitter kasama na ang #CagayanValleyNeedsHelp, #IsabelaNeedsHelp and #TuguegaraoNeedsHelp sa panawagan ang netizens na tulungan ang Cagayan province at Cagayan Valley dahil sa malawakang pagbaha sa Cagayan Valley region dulot ng bagyong Ulysses. Sa iba’t ibang post sa Facebook, ibinahagi ng mga netizens na marami na umano ang nasasawi dahil sa nasabing kalagayan at karamihan sa hirap sa sitwasyon ay mga paslit at senior citizens.  Sa Facebook, ibinahagi ni Jehly Velle Colangan Bucahan ang isang video kung saan maririnig ang mga residente na sumisigaw ng tulong sa Linao East, Tuguegarao City. Halos lagpas tao na umano anila ang tubig dahil na rin sa patuloy na spilling operation ng Magat dam. Tinatayang mahigit 13,000 pamilya o 47,000 residente sa Cag

Nurse na nang-agaw ng Mister ng kanyang pasyente, May kalalagyan na!

Image
"Nurse pa man din! Kung sino pa yung inaaasahan mo na tutulong sayo na mapagaan yung karamdaman mo, tulad nito dialysis patient siya, at magbibigy ng comfort eto pa yung nagbigay sa kanya ng sakit sa ulo. Hindi lang sakit sa ulo sakit pa sa loob" . -idol Raffy Tulfo Nagpasklolo ang isang dialysis patient  kay idol Raffy Tulfo  matapos umanong agawin ng attending nurse niya ang kanyang mister. Sumbong ni misis na nakilalang si Rica de Vera, naging malapit na kaibigan niya ang nurse na si Vera Mae kaya naman hindi niya inakalang magagawa nila ito sa kanya Nagmakaawa pa si Rica sa nurse na ibalik na lang ang kanyang mister sa kanila ng mga anak niya Pero, hanggang ngayon ay hindi pa rin daw humihinto ang nurse at kinakausap pa rin ang asawa niya. Nangako naman si idol Raffy na tutulungan ang ginang at katunayan ay nakipag-ugnayan na ang programa nito sa mga kinauukulan upang mapa-uwi ang inirereklamong nurse

P7 Million | Kuya Wil nagbenta ng sasakyan para idonate sa mga biktima ng Bagyong Ulysses

Image
"Aanhin ko ho 'yung kotse kung marami akong kababayan na naghihirap? Kahit magbenta pa [ako] ng kahit anong pag-aari, pag-aari mo na hindi mo na kailangan. I think this is the right time." - Kuya Wil. Ibinenta ni Willie Revillame ang isa sa kanyang mga kotse sa halagang P7 milyon upang ipangtulong ang pinagbentahan sa mga biktima ng Bagyong Ulysses. Sa espesyal na episode ng "Wowowin" noong Biyernes, Nobyembre 13, na dedicated para sa lahat ng mga biktima ng Bagyong Ulysses, inilahad ni Kuya Wil ang kanyang ginawang pagbenta.  Ibinenta niya ang isa sa kanyang mga mamahaling kotse, at ito ay nabili sa napakalaking presyong P7 milyon. Inihayag ng host ng show na magdaragdag siya ng kaunting halaga mula sa sarili niyang ipon sa halagang P7 milyon, at pagkatapos ay bibigyan naman niya ng P5 milyon ang Marikina at P5 milyon sa Montalban. "Aanhin ko ho 'yung kotse kung marami akong kababayan na naghihirap? Kahit magbenta pa [ako] ng kahit anong pag-aari,