Posts

Showing posts from November 13, 2020

PBA player at girlfriend nito, nagpa-Tulfo

Image
Humingi ng tulong sa Raffy Tulfo in Action ang Rain or Shine PBA player na si Rey Nambatac at ang kasintahan niyang si Keisha Ancheta. Reklamo nila kay idol Raffy ang lalaki na si Nesar Dumalagan Jr. na nagbanta umano sa kanilang buhay dahil sa natalo ito sa pustahan sa larong basketball. Idol Raffy: "Eto yata yung ending? Yung ending na pustahan.." Sa laban ng  Rain or Shine at Phoenix kung saan pumusta at natalo ang lalaking inirereklamong si , sinisi niya umano ang player na si Rey Nambatac dahil humabol pa daw ng isang shoot. Idol Raffy: "ang gusto nitong inirereklamo matalo ang Rain or Shine kaso napanalo ni Rey yung Rain or Shine kaya galit na galit siya." Panoorin ang video sa ibaba:

Nakakaiyak na kanta ni Angeline Quinto sa huling gabi ni Mama Bob

Image
"Ma, ikaw ang buhay at mundo ko. Ikaw ang nagbigay ng lahat ng kailangan ko. Habang buhay ang pasasalamat ko sayo Mama Bob." - Angeline Quinto Isa na nga marahil ito sa pinaka malungkot na yugto ng buhay ni Angeline Quinto ang paglisan ng itinuturng nyang ina na si Mama Bob. Nitong nakaraang November 7, 2020 ay sumakabilang buhay na si Mama Bob, ang taong nag-palaki, nag-alaga at nagmahal kay Angeline. Kaya naman naging sobrang emosyonal si Angeline sa kanyang naging mga mensahe sa huling gabi ng kanyang Mama Bob.  View this post on Instagram A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto) Ayon nga kay Angeline: "Ma, ikaw ang buhay at mundo ko. Ikaw ang nagbigay ng lahat ng kailangan ko. Habang buhay ang pasasalamat ko sayo Mama Bob."  View this post on Instagram A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto) Dagdag pa nya "walang Angeline Quinto pag walang Mama Bob." Nag-alay din sya ng mada

Actual video ng paglusong sa baha nina Jericho Rosales at Kim Jones para tumulong sa kanilang mga kababayan

Image
Trending ngayon sa social media ang ginawang pagtulong ng mag-asawang sina Jericho Rosales at Kim Jones sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses. Umaga ng Huwebes, November 12 matapos manalasa ng bagyo ay tumambad sa sambayanan ang pinsalang dinulot nito. Bumaha sa maraming lugar sa Luzon region partikular sa Marikina.  Marami sa ating mga kababayan ang na-trap sa loob ng kanilang mga bahay at maging sa bubong ng kanilang mga bahay. Hindi naman nag-atubili ang aktor na si Jericho na lumabas sa kanilang bahay kasama ang asawang si Kim Jones, upang papaano ay makatulong sa ilan gamit ang kanilang surf board.

Sasakyan at bahay ni Archie Alemanya, lubog din sa baha dahil sa Ulysses

Image
"Eto ang kalagayan ngayon ng aming street" - Gee Canlas Kabilang ang mag-asawang sina Archie Alemania at Gee Canlas sa mga Pilipinong naapektuhan ng Bagyong Ulysses na sumalanta sa maraming lugar sa buong bansa. Nag-post sa Instagram ang sila Archie kung saan makikita ang kanilang bahay at mga kotse na nakalubog sa tubig para mai-update ang kanilang mga kaibigan at pamilya sa kanilang sitwasyon. Sinabi ng celebrity na sa simula raw ay hanggang sa baywang lang ang tubig ngunit tumaas pa ito hanggang dibdib sa kasagsagan ng napakalakas na bagyo. Buti na lamang at ligtas siya at ang kanyang pamilya sa kabila ng nangyari.

Nadia Montenegro, umiyak matapos malubog sa baha ang bahay at mga sasakyan

Image
"to my Mom Kat stop crying na. We’ll make it through. My Hero Hutch Montenegro Pla & my whole family. i love u all." -Nadia Montenegro Hindi rin nakaligtas sa baha na hatid ng bagyong Ulysses ang village sa Marcos highway kung saan nakatira si Nadia Montenegro. Binahagi ni Kapamilya actress na si Nadia Montenegro sa social media ang kalagayan niya matapos masalanta din ang kanilang village sa Marcos highway ng bagyong Ulysses.  Sa kanyang Instagram post makikitang pinasok ng baha ang kanyang bahay, lubog ang mga kagamitan at lumubog pa ang lahat ng kanyang mga sasakyan. View this post on Instagram A post shared by Nadia montenegro (@officialnadiam) Nag-upload din ang aktres ng video kung saan mapapanood siyang umiiyak dahil sa nangyari. View this post on Instagram A post shared by Nadia montenegro (@officialnadiam) Ayon kay Nadia, maraming gamit at pag-aari niya ang nasira dahil sa matinding baha subalit nagpapasalamat