Posts

Showing posts from November 12, 2020

Vlogger na si Donnalyn Bartolome lubos na hinangaan ng mga netizens sa pagtulong sa mga nasalanta ni Bagyong Ulysses

Image
"Personal na dinala ni Donnalyn ang kanyang mga donasyon na rescue boats sa Marikina City at Rizal kaya nasaksihan niya ang malaking perwisyo na iniwan ni Typhoon Ulysses." Hinangaan ng marami ang vlogger na si Donnalyn Bartolome dahil sa kanyang tapang at malasakit sa kapwa sa panahon ng sakuna. Nang makita ni Donnalyn na lubog na sa baha ang Marikina City at ang ibang bayan sa Rizal dahil sa Typhoon Ulysses, gumawa siya agad ng paraan na puntahan ang naturang lugar para personal na tumulong sa mga nasalanta ng bagyo, kahit na residente siya ng ParaƱaque City.  View this post on Instagram A post shared by Donnalyn BartolomešŸ‡µšŸ‡­ (@donnalynbartolome) Bumili at nag-donate si Donnalyn ng mga rescue boats para sa mga kababayan nyang na stranded sa bubungan ng kanilang mga tahanan at humihingi ng saklolo habang sinasalanta ng Typhoon Ulysses. Humingi rin siya ng pasensya kung nahirapan ang mga volunteers na sunduin ang mga stranded na residente pero na

Driver ng SUV na tumakas sa Engkuwentro sa Cavite, nasa Camp Crame na

Image
Sumuko na ang driver ng SUV na isa sa suspek sa shootout na naganap sa Cavite City na kinilalang si Reymundo de Leon Suniga, 34, tubong Barangay Salomague,  Bugallon, Pangasinan. Si Zuniga ay tumakas habang binabaril ng kanyang amo na si Methusael Brown Cebrian ang mga miyembro Cavite-HPG nang sitahin ang sinasakyan nilang Nissan Terra na walang plaka at conduction sticker sa isang anti carnapping operation sa Manila -Cavite Road, Brgy. 8, Pulo 3, Cavite City.  Ang suspek ay dinala ng mga tauhan ng SOD-HPG sa Camp Crame Quezon City sa pamumuno ni PCMS Edison Manocum ng Cavite City-PNP. Ayon kay PNP-HPG chief Police Brigadier General Alexander Tagum, sasampahan ng mga reklamong kriminal si ZuƱiga dahil umano sa pagiging parte nito sa krimen. Nabatid na matapos ang engkuwentro ay dumating sa crime scene ang misis ni Cebrian na siyang opisyal ng Navy at positibong kinilala na mister niya ang napatay. Ang sasakyan na ginamit ng suspek ay na-turn over na din sa pulisya para sa imbestigas

Misis ng nasawi na HPG officer sa engkuwentro sa Cavite, binigyan ng medalya

Image
Binigyan ng 'Medalya ng Kadakilaan' ang asawa ng napatay na tauhan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group na si Sergeant Julius Arcalas kamakailan sa Cavite City. Noong Lunes, iginawad ng PNP ang parangal kay Arcalas at binigyan din ng mga iskolarship ang kanyang limang mga anak. “Maski ako hindi ko rin alam kung ano ang susunod na mangyayari. Kailangan ko maging matatag kasi meron akong limang anak,” sabi ng kanyang asawa na si Celerina Arcalas. Namatay si Arcalas matapos mauwi sa barilan ang pagsita sa isang motoristang walang lisensya na lulan ng sasakyang walang plaka at conduction sticker. Patay rin sa insidente ang suspek na nakilalang si Methusael Cebrian na dati nang inireklamo ng panunutok ng baril. Ang suspek na driver ay sumuko naman sa mga awtoridad at mahaharap sa mga singil sa pagiging kasangkapan sa krimen. Pasasalamat Gusto kong simulan ang aking pasasalamat sa ating Ama sa Panginoong Hesus sa Inay Maria at sa mahal kong mga... Posted by C

Isang lalaki nahuli cam habang tinatangay ng malakas na agos ng tubig sa Marikina River

Image
Isang lalaki ang nahuli sa camera na nagsusumamo ng tulong habang siya ay tinatangay ng nagngangalit na tubig ng Marikina River sa pananalasa ng Bagyong Ulysses noong Huwebes. Mula sa isang tulay, kinukunan ng GMA News ang agos ng tubig nang marinig ang isang malakas na hiyaw ng isang lalaki. Biglang lumabas ang lalaki mula sa maputik na tubig na humihingi ng tulong. Sinabi ni Jonathan Andal ng GMA News na makikita ang ulo ng lalaki na nakaangat mula sa tubig habang sinusubukan niyang manatiling nakalutang habang dinadala palayo sa ilog. Walang sinumang makakatulong sa lalaki sa oras na iyon, at ang mga lokal rescuers ay nagpapatuloy na hanapin siya sa oras ng pag-post nito. Panoorin ang video sa ibaba:

Tinutuluyan ni Vice Ganda at Ion Perez sa Quezon province, nawasak ng Bagyong Ulysses

Image
"Needed to evacuate our villa dahil nawasak na ung mga villas at bumagsak ang mga puno sa paligid namin. " -  "Needed to evacuate our villa dahil nawasak na ung mga villas at bumagsak ang mga puno sa paligid namin. " Vice Ganda Ibinahagi ni It's Showtime host Vice Ganda sa twitter ang naging karanasan nito sa bagyong Ulysses na humagupit din sa tinutuluyan nila sa world-class resort na Balesin Island sa Polilio Island sa Quezon province. Sa nasabing world-class resort kasama niya roon ang kasintahan na si Ion Perez at kaibigan na si Jhong Hilario. View this post on Instagram A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on Nov 5, 2020 at 12:49am PST Sa kanyang tweet, sinabi ni Vice Ganda na kinailangan nilang lisanin ang tinutuluyang villa sa Balesin Island dahil sa winasak na umano ito ng mga nagtutumbahang puno sa kanilang paligid. "Last night was ‘delubyo’ levels here in Balesin." "Needed to e

Bagyong Ulysses, nag-iwan ng matinding pagbaha sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon

Image
Nagising nalang ang mga residente ng Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon na lubog ang kanilang mga lugar sa tubig baha dulot ng Bagyong Ulysses. Ang bagyong Ulysses na may internasyonal name na Vamco ay nagdala ng malakas na pag-ulan sa Luzon noong Huwebes, kung saan binaha ang maraming lugar sa rehiyon at nag-udyok sa mga residente para lumikas. Idinaan ng mga netizens sa social media ang kanilang pagbahagi ng mga kahindik-hindik pangyayari sa kanilang mga lugar. LOOK: Lubog na ang 2-storey house sa Marikina City, at kalahati na ng ikatlong palapag ang lubog sa tubig, ayon kay Laine Castillo, isang netizen. Ganito ang sitwasyon sa lugar takdang 7:44AM, at wala pa raw naipapadalang rescue sa lugar. WATCH: https://t.co/mnapjEjknU pic.twitter.com/gaObYQ0hKj — Unang Hirit (@UnangHirit) November 12, 2020 Lubog na car ko šŸ˜ŖšŸ˜ŖšŸ˜Ŗ Posted by Leo Bukas on  Wednesday, November 11, 2020 #RescuePH Patulong naman po estrella heights subdivision barangay burgos rodriguez rizal Wala pa d

Jericho Rosales at asawang si Kim, sinuong ang baha gamit ang surfboards para sagipin ang mga kababayan na-stranded sa Marikina City

Image
“Ayaw na nilang lumabas ng bahay, e. Takot sila kasi gusto nila may coast [guard] sana,” - Jericho Rosales Kabilang ang Marikina sa nakaranas ng hagupit ng bagyong Ulysses. Dahil sa tuluy-tuloy na buhos ng ulan, umabot na sa 22 meters ang water level sa Marikina River, mas mataas pa kesa sa level ng tubig nito na 21.5 meters noong rumagasa ang bagyong Ondoy. Dahil dito binaha din ang village kung saan nakatira ang celebrity na sina Jericho Rosales at Kim Jones. Kaya naman gamit ang surfboards ng mag-asawa sumuong sila sa baha para tulungan ang kanilang mga ka-village sa Marikina City. “This morning paglabas namin, baha na. Usually kapag baha dito kasi, ganyan talaga. Laging ganyan ang problema. Sometimes walang boats or flotation devices so naglabas kami ni Kim ng surfboard,” sabi ni Jericho.  “Okay naman ['yung mga napuntahan namin sa bahay], safe naman sila, thank God. May mga iba lang na hindi na mapuntahan nung rescue teams kasi malakas na 'yung agos and wala pang bo

MalacaƱang sinuspinde ang Gov’t work, klase sa mga public schools sa Luzon sa Biyernes Nov. 13

Image
Sinuspinde ng MalacaƱang ang pasok sa trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno  at mga klase sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan  sa ilang lugar sa Luzon bukas, Biyernes, ika-13 ng Nobyembre dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses. Narito ang mga lugar na sakop ng suspensyon: National Capital Region Region I Region II Region III CALABARZON MIMAROPA Bicol Cordillera Administrative Region Gayunman, magpapatuloy pa rin sa operasyon ng mga ahensya na may kinalaman sa basic at health services, at disaster preparedness and response. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.  Ipinauubaya naman ng MalacaƱang ang pagsuspinde ng trabaho sa mga pribadong kumpanya, tanggapan at mga paaralan sa kanilang pamunuan. “We leave the suspension of work for private companies, offices and schools to their respective heads’ discretion,”  sabi ni presidential spokesperson Harry Roque.