Posts

Showing posts from November 9, 2020

Pangulong Duterte, magbibigay ng bulletproof vests at body cameras sa mga PNP-HPG personnel

Image
Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na magbigay ng bullet proof vests at body cameras sa Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG). Ito ay matapos ang shootout insident na nangyari sa Cavite kung saan isa sa hanay ng pulisya ang nasawi na  si Police Chief Master Sergeant Julius Arcalas. Ayon kay PNP-HPG Director Police Brigadier General Alexander Tagum, nais ng Pangulo na palakasin ang kapabilidad ng HPG. Maliban sa bulletproof vests at body cameras, nais din ni Pangulong Duterte na bigyan ang mga HPG personnel ng long firearms.  Ipinapaabot ng Pangulo ang pakikiramay sa pamilya ni Police Chief Master Sergeant Julius Arcalas.   Tiniyak naman ni Pangulong Duterte na maibibgay ang karampatang tulong  at hustisya para sa pamilyang naulila.

P5M Kuya Wil, naghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Catanduanes

Image
Isa ang Gigmoto, Catanduanes sa mga lugar na matinding hinagupit ng Super Bagyong Rolly noong November 1, 2020. Kahapon, November 8, 2020, bumisita si Willie Revillame, kasama ang staff ng Wowowin at kanyang mga kaibigan sa Gigmoto, Catandues, Gamit ang helicopter na mismong si kuya Wil ang piloto nagdala sila ng mga kumot, gamot, at iba pang mga pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayang nasalanta ng bagyo.  Nagbigay rin si kuya Wil ng limang milyong piso kay Catanduanes Governor Joseph Cua bilang karagdagang tulong sa mga residente ng Gigmoto.  Tila ghost town ang Gigmoto dahil sa mga bahay, puno, at pananim na winasak ni Super bagyong Rolly kaya wala pa rin kuryente at cellphone signal sa nasabing lugar. Maaalalang isang residente ng Gigmoto ang nanawagan sa TV ng tulong mula kay Kuya Will na agad namang tinugunan ng TV host. Dumating ngayong araw sa Catanduanes si WIllie Revilliame upang magtungo sa Gigmoto para mag-abot ng tulong sa mga... Posted by DZGBNewsOnlin

Matapos ang Super Bagyong Rolly, Bagyong Ulysses nagbabanta ngayon sa Catanduanes

Image
Matapos ang Bagyong Rolly, Bagyong Ulysses naman ang nagbabanta sa Catanduanes. Sa pinakahuling forecast track ng PAGASA, sa Miyerkules inaasahang lalapit sa Catanduanes ang nasabing bagyo bago ito mag-landfall sa Camarines o Quezon Provinces.  Bagyong Rolly aftermath Catanduanes Bahagyang lumakas ang Bagyong Ulysses at isa nang Tropical Storm na huling namataan sa layong 575 kilometers silangan ng Borongan, Eastern Samar. Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour (km/h) malapit sa gitna at pabugsong aabot sa 80 kph at kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h. Ayon kay PAGASA, bagama’t hindi pa ito pumapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR), makaka-apekto naman ito sa Ilocos Norte, Apayao, Batanes, Cagayan, Bicol Region, Eastern Visayas at Quezon.

Driver ng SUV na tumakas sa Engkuwentro sa Cavite, Sumuko na sa kapulisan

Image
Sumuko na ang driver ng SUV na isa sa suspek sa shootout na naganap sa Cavite City na nakilalang si Reymund De Leon Zuñiga sa ISAF ng Armed Forces. Si Zuniga ay tumakas habang binabaril ng kanyang amo na si Methusael Brown Cebrian ang mga miyembro Cavite-HPG nang sitahin ang sinasakyan nilang Nissan Terra na walang plaka at conduction sticker sa isang anti carnapping operation sa Manila -Cavite Road, Brgy. 8, Pulo 3, Cavite City.  Ayon kay PNP-HPG chief Police Brigadier General Alexander Tagum, sasampahan ng mga reklamong kriminal si Zuñiga dahil umano sa pagiging parte nito sa krimen. "Presently nasa kustodiya siya ng Highway Patrol Group and today he will be facing criminal cases na ifafile natin for his part during that incident," sabi ni PNP-HPG chief Police Brigadier General Alexander Tagum.  Hindi gayunman sinabi sa report kung kailan sumuko sa ISAF si Zuniga at kung nai-turn-over na siya sa Cavite Police para sa kaukulang pagsisiyasat.  Nabatid na matapos ang engk