Tekla Serye, sa Raffy Tulfo in Action hindi umano gaano kumita dahil dito

Isiniwalat ni idol Raffy Tulfo sa kanyang talent manager na si Ogie Diaz na ang trending na isyu ng Tekla-Michelle ay hindi kumita ng malaki sa YouTube. Ito ay matapos na may netizen na nagsabing umabot sa ₱9 million ang kinita ni idol Raffy sa YouTube channel nito sa trending na trending na Tekla Serye. Sa latest vlog ni Ogie Diaz, sinabi nito na inamin sa kanya ni Idol Raffy na ang mga video ng panayam kay Michelle Lhor Bana-ag ay nakakuha ng red-flag mula sa video-sharing platform na Youtube. View this post on Instagram A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz) on Sep 19, 2020 at 9:47pm PDT Sabi ni Ogie: “Dahil ako ay manager ni Raffy, may kumalabit sa akin, ‘Ang laki siguro ng kinita ni Raffy Tulfo doon sa pagpapa-interview ni Michelle’, yung live-in partner ni Tekla. Kasi ginawa raw series ng 'Raffy Tulfo in Action' ‘yung pagpapa-interview ni Michelle.” "Just to let you know, ‘yun pong mga videos na ‘yun ay na-red flag. Ibig sabihin, na-di