Posts

Showing posts from November 1, 2020

Donnalyn Bartolome todo ang iyak matapos ibalik ng kanyang ex-BF ang lahat ng kanyang mga gamit

Image
"Ibinalik niya lahat ng gamit ko." Donnalyn Bartolome Inilabas ni Donnalyn Bartolome ang isang napaka-emosyonal na episode ng kanyang vlog sa YouTube. Sa vlog na ito isiniwalat ni Donnalyn na ang kanyang romantikong relasyon, na itinago niya sa publiko, ay natapos na. Matapos nilang maghiwalay, ibinalik sa kanya ng dating kasintahan ang lahat mga gamit at pag-aari ni Donnalyn.    View this post on Instagram A post shared by Donnalyn Bartolome🇵🇭 (@donnalynbartolome) on Nov 1, 2020 at 5:00am PST Habang nag a-unbox si Donnalyn, umiyak ng malakas ang vlogger nang maging sentimental sya sa natapos nitong relasyon. Narito ang sabi ni Donnalyn: “It’s my first time being open about my broken heart by unboxing things my ex returned to me on the day of the dead.. a day for my now seems lifeless heart." “to D’ex, though I hope you wait another 6 months before replacing me haha, I still wish you find the right one who can give you everything I can’t. I’

"Ano ng plano? Tulog na lang?" Angelica Panganiban, binatikos ng Duterte supporters dahil sa tweet nito

Image
"Ano ng plano? Tulog na lang? Kilos kilos naman para sa sinumpaan para sa bayan at mga pilipino..." -Angelica Panganiban Sa kasagsagan ng Super Typhoon Rolly sa Southern Luzon at Bicol region, nag-trending sa TwitterPH ang hashtag na #NasaanAngPangulo. Nangyari ito matapos mapansin na wala si Pangulong Duterte sa Sunday press briefing tungkol sa aksyon na gagawin ng pamahalaan para matulungan ang mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Rolly. Ipinaliwanag naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na umuwi ang Pangulo sa Davao at nakatakdang bumalik sa Maynila sa November 3. Ayon kay Spox. Roque, ang Pangulo umano ang nag-utos na magkaroon ng press briefing.    View this post on Instagram A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on Jan 16, 2020 at 8:53am PST Kahit walang binanggit na pangalan ang aktres na si Angelica Panganiban sa kanyang tweet, marami ang naniniwalang para sa Pangulo ang cryptic post niyang ito: "Ano n

DENNIS DATU halos tangayin ng malakas na hangin habang nagbabalita

Image
“Hindi na kakayanin na tumayo sa lakas ng hangin!" - Dennis Datu Kamakailan lang ay nanalasa ang bagyong Quinta sa Pilipinas kung saan itinaas ang Signal no. 3 sa ilang lugar.   Isa sa  pinaka-apektuhan ng bagyong Quinta ay ang Oriental Mindoro kung saan tinatayang mahigit 1,000 pamilya ang nag-evacuate . Upang makapagbigay ng update sa bagyo, ilang reporters ang pumunta sa Oriental Mindoro kung saan nag-landfall ang bagyo.  Isa sa pumunta ang reporter ng Teleradyo na si Dennis Datu. Habang nagbabalita si Dennis Datu na nasa Calapan, Oriental Mindoro, halos tangayin na siya ng hangin sa lakas nito.

NETIZEN nag-alok ng tulong kay Michelle Bana-ag at pamilya nito

Image
"Sabihin mo lang kung magkano yung halaga ng pustiso mo, gagawan natin ng paraan na matulungan ka," -Kuya Rashid Isang video sa Facebook ang binahagi ni Shabby Bana-ag ang kapatid ni Michelle Lhor Bana-ag na kung saan isang lalaki na tinawag niyang Kuya Rashid ang handa umanong tumulong sa kanilang pamilya. Napanood daw kasi ni Kuya Rashid ang pag-atras ni idol Raffy Tulfo sa mga tulong na sana'y ibibigay kay Michelle at sa pamilya nito kaya naman siya na raw ang tutulong sa mga ito.  "Michelle, kung winidrow ni idol Raffy ang tulong niya sayo, kami ang handang tumulong sa inyo," sabi ni Rashid. "Sabihin mo lang kung magkano yung halaga ng pustiso mo, gagawan natin ng paraan na matulungan ka," sabi nito Sinabi din ni Rashid na wag dapat mag-alala si Michelle na baka mawala sa kanya ang kustodiya ng anak nila ni Tekla sa kanya. "Wag kang panghinaan ng loob sa sinabi ni Raffy na aalisin sayo ang kustodiya na bata, dahil wala pag pagpapa

ELECTRIC TOWER sa Camsur, Bumaluktot sa lakas ng hagupit ng bagyong Rolly

Image
Isang electric tower sa Pili, Camarines Sur ang bumaluktot sanhi ng malakas na hangin ng Bagyong Rolly. Sa isang video na ibinahagi ni Camarines Sur Representative na si Luis Raymund Villafuerte sa mga mamamahayag nitong Linggo, na kuha umano ng netizen na si Szhue Szhien, isang tower ng National Grid Corporation of the Philippines ang nakita na yumuyuko sa gitna ng malakas na hangin na bumabayo sa lalawigan. WATCH: An electric tower in Camarines Sur bends due to the strong winds brought by Typhoon Rolly in the province. Video courtesy of Rep. LRay Villafuerte @gmanews pic.twitter.com/Wz8YO517Di — Erwin Colcol (@erwincolcol) November 1, 2020 Sa isa pang video, isang hanging bridge sa Camaligan, Camarines Sur ay nahuli na hinahampas ng malakas na hangin, na naging sanhi ng malakas na pag-ugoy nito. WATCH: A hanging bridge in Camaligan, Camarines Sur sways violently amid the strong winds of Typhoon Rolly. Video courtesy of Rep. LRay Villafuerte @gmanews pic.twitter.com/fDtz

4 NASAWI sa Albay sa pananalasa ng Bagyong Rolly

Image
Nakapagtala na ng apat na casualties sa Albay dahil sa pananalasa ng Bagyong Rolly ayon kay Governor Al Francis Bichara. “Apat na. Sa ngayon, apat ‘yung accounted for. ‘Yung tatlo related sa ilog, nagoverflow, nawasak ‘yung dike at ‘yun ‘yung mga namatay,” ayon kay Bichara sa panayam ng Dobol B sa News TV. Nabagsakan ng nabuwal na puno ang naiulat na casualty sa Daraga sabi ng Gobernador. “‘Yung isa ‘yung nadaganan ng malaking punong-kahoy,” aniya. Sabi pa ni Bichara isa sa mga biktima ay isang limang taong bata. “‘Yung batang ‘yun malamang inanod ‘yun… siguro isang pamilya habang ano nabitawan siguro, inanod ‘yung isang bata. ‘Yung isa naman, inanod ng lahar, at sa Polangui mayroon ding inanod sa ilog,” saad nito. Nakataas pa rin sa Signal No. 4 ang lugar.

Super typhoon Rolly, patuloy ang pananalasa; Super typhoon Siony, pumasok na sa Pilipinas

Image
Humina na ang bagyong Rolly ngunit nakataas pa rin ang Signal No. 4 sa 20 pang mga lugar ayon sa PAGASA. Signal No. 4: Camarines Norte Camarines Sur Catanduanes Albay Hilaga ng Sorsogon (Donsol, Pilar, Castilla, Sorsogon City, Prieto Diaz, Gubat, Barcelona, Juban, Casiguran, Magallanes) Burias Island Marinduque Metro Manila Cavite Laguna Batangas Rizal Quezon kasama ang Polillo Islands Pampanga Bulacan Timog ng Aurora (Dingalan) Bataan Timog na bahagi ng Zambales (San Marcelino, San Felipe, San Narciso, San Antonio, Castillejos, Subic, Olongapo City, Botolan, Cabangan) hilangang-kanluran ng Occidental Mindoro(Mamburao, Paluan) including Lubang Island hilaga ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Baco, Calapan City, Naujan, Pola, Victoria, Socorro, Pinamalayan) Signal No. 3 : natitirang lugar ng Sorsogon Hilaga ng Masbate (Mobo, Masbate City, Milagros, Uson, Baleno, Aroroy, Mandaon) kasama ang Ticao Island nalalabing bahagi ng Zambales Romblon Nalalabing parte ng Occidental Mi

BAGYONG SIONY, Tuluyan ng pumasok sa PAR

Image
Tuluyan nang pumasok ng PAR kaninang 8 a.m. ng umaga ang bagyong may international name na #Atsani at pinangalanan namang Bagyong #SionyPH ng PAGASA. Taglay nito ang lakas ng hangin na umabot sa 75 kph at pagbugsong umaabot sa 90 kph. Kumikilos ito pa West Northwest sa bilis na 30 kph at huling namataan sa layong 1,365 km East ng #CentralLuzon. Babantayan natin ito sa mga susunod na araw dahil mataas ang tyansang mag-landfall naman ito sa #NorthernLuzon, ilang araw matapos manalasa ang Bagyong #RollyPH.