Posts

Showing posts from October 30, 2020

DATING LANDLADY ni Michelle isiniwalat kung paano nito winasak ang dating inuupahang bahay!

Image
Isang landlady ng dating live-in partner ni Tekla na si Michelle Bana-ag ang hindi na napigilan na ilabas ang sama ng kanyang loob sa social media matapos niyang makita ang dati niyang mga tenant na pinag-uusapan at kinakampihan pa ng ilang mga netizens. Sa isang Facebook post pinakita ni Rose Marie ang mga litrato ng kanyang pinapaupahang bahay matapos itong bigla nalang iiwan ni Michelle at ng kanyang pamilya matapos nilang hindi makapagbayad ng upa.  Narito ang kanyang pahayag sa post: "Hindi ko sana to ilalabas kung hindi sila nagtulfo at akala mo aping api. Hindi ko rin to pinakalat para siraan sila. Isa lang ito sa paraan upang malaman ng ibang tao kung anu talaga ugali nila. Sila po ung sikat na ngayon sa #raffytulfoinaction , sila ay nangupahan sa amin at nagiwan ng mga bayarin. Sila rin ay Nakablotter sa kadahilanan ginawang tresspassing at paninira. 8 months na po ang nakakaraan. At ITO PA EVIDENCE NG KASALAHULAAN AT KADUGYUTANG GINAWA NILA SA AMIN." Hi

NDRRMC #RollyPH maihahalintulad sa Bagyong Tisoy noong 2019

Image
Sinabi ni NDRRMC executive director Undersecretary Ricardo Jalad nitong Biyernes na ang Bagyong Rolly ay maihahalintulad sa Bagyong Tisoy na tumama sa mga lalawigan sa Luzon at Visayas noong nakaraang taon. "Base sa presentation ng PAGASA kanina, sa tingin ko parang kasing-lakas siya ng Typhoon Tisoy last year. Si Typhoon Tisoy last year, mas kakaunti 'yung casualties natin kaysa kay Ursula, 'yung sumunod kay Tisoy. Dahil dito kay Tisoy marami 'yung talagang preemptive evacuations natin," pahayag ni Jalad sa isang online press briefing. Nag-iwan si bagyong Tisoy ng hindi bababa sa 12 patay at 54 indibidwal na sugatan. Mahigit 225,000 na pamilya mula sa Region III, V, VIII at Cordillera Administrative Region (CAR) ang naapektuhan ng bagyo. Nilinaw din ng NDRRMC na hindi papalo si Rolly sa supertyphoon. "Sa official na advisory sa atin ng PAGASA, ito'y aabot sa typhoon level lang, ang pinakamalakas na nakikita niya na hangin na dadalhin ay nasa 185 kil

KAPATID ni Michelle tinawag na bastos si idol Raffy Tulfo?

Image
"Bastos 😑😑 tinawag ba naman akong mataba πŸ‘ΏπŸ˜‘ bakit? Ako lang ba mataba sa mundo??!!!! 😑 Kahit mataba ako, maganda ako no!! " Kapatid ni Michelle Bana-ag na si Shabby ay hindi nakapagpigil sa pagtawag sa kanya ni idol Raffy na mataba ito. Rumesbak ito sa kanyang mismong social media account. Bilang inis umano nito at bilang ganti kay idol Raffy nananawagan ito sa social media na sinungaling din umano si idol Raffy at hindi nito maintindihan bakit sila pa ang kinakalaban samantalang sila umano ang ginutom at binastos ni Tekla. Halos sa mga videos niya pinaparingan nito ang mga netizen na bumabatikos sa kanya. Naiinis umano ito sa panlalait na kanyang natatanggap.  Balak pa sana niyang ireklamo ang mga taong binubully siya na mataba dahil ang totoo umano ay ginugutom sila at ginagawang alila ni Tekla. Subalit hindi na niya ito tinuloy dahil alam umano niyang hindi siya papanigan ni idol Raffy.

Madam Auring, Pumanaw na sa edad na 80

Image
Pumanaw na ang tinaguriang celebrity fortune teller na si Madam Auring sa edad na 80 ngayong Biyernes, October 30. Ito ay kinumpirma ng apo ni Madam Auring na si Daryl Simon Pecson sa pamamagitan ng isang Facebook post. Sa kaniyang post nagpasalamat si Pecson sa kaniyang lola na aniya ay patuloy na nagsumikap para sa kanilang pamilya sa kabila ng edad nito.  Hindi naman binanggit ni Pecson ang dahilan ng pagkamatay ni Madam Auring. Narito ang post ng apo ni Madam Auring:  “#RestInPeace my Lola. "few days ago binisita kita magkausap lang tayo, dinalhan kita ng mga pasalubong at mga pangangailangan mo lubos ka nagalak. “Grabe ang pinag daanan mo during your senior years pero you still worked hard for your family (us) i feel sad and happy.” “Sad kasi i will never see you again, mga wisdom words mo, korni jokes, happy bondings, and pagkurot sa aking pisngi hanggang mamula. “Happy ako kasi you have done everything you could to make us feel loved the way you know how, your strug