Posts

Showing posts from October 28, 2020

Pananakit ni Ambassador Mauro sa kasambahay nitong kapwa Pinay sa Brazil, nahuli-cam

Image
Iniimbestigahan ng DFA ang 8 buwan na umano’y pagmamaltrato ni Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro sa 51-anyos niyang kasambahay na isa rin Pinoy na nangyari sa loob ng kaniyang official residence sa Brazil. Makikita sa video na sinampal, piningot, hinagisan ng gamit at tila kinurot ni Mauro ang kawawang 51-anyos na kasambahay. Sa video, makikita rin ang kasambahay na minsang napaupo na lang sa pag-iwas kay Mauro, at may pagkakataon na nagpahid siya ng mukha na tila naiyak na sa ginawa sa kaniya ng amo. Hiningan na umano ng panig si Mauro pero hindi raw ito tumugon. Kung mapatunayang nagkasala si Ambassador Mauro, papatawan daw ito ng DFA ng nararapat na kasong administratibo o kriminal.   

Super Tekla, Tatanggapin ulit si Michelle Lhor Bana-ag?

Image
"Na mi-miss mo ba si Michelle? Pag lumapit si Michelle sa pinto mo kumatok." -Ogie Diaz Trending ngayon sa social media ang latest interview ni Ogie Diaz kay Super Tekla, matapos mabisto na nagsisinungaling lamang ang dating live-in partner nito na si Michelle Lhor Bana-ag sa mga paratang nito sa komedyante. Sa interview na ipinost sa Youtube channel ni Ogie Diaz unang tinanong ni Ogie si Tekla sa kung ano ang kanyang saloobin sa nangyaring ito. Sa pagpapatuloy ng panayam, inamin ni Tekla na maraming beses siyang sinaktan ng pisikal ni Michelle sa halos buong  anim na taon nilang relasyon at mayroon siyang mga peklat upang mapatunayan ang mga ito. Ibinahagi din ng komedyante na mayroong isang pagkakataon na siya ay sugatan at duguan matapos siyang atakihin ni Michelle at ng kapatid nito. Inihayag din niya na maraming beses na niyang inireklamo si Michelle sa mga opisyal ng barangay. "Pagpunta ko ng baranggay hindi ako inertertain kasi first time daw nilang maka-encount

Mga babaeng online seller, hinoldap ginapos ang kamay at paa

Image
Bulacan - Mula sa orihinal na Facebook post ng biktima na si Shenaicka Ocalinas Cruz: "Hanggang ngaun di ko maisip saken samin ng mga kapatid ko mangyayari ung gantong pangyayari. Hinoldap po ung shop ko na ang bantay ung kapatid at ang mga kaibigan nya 😔 Nicolle Ann Ocalinas , Marjorie Gianan , MJ Francisco. Yung kaba at takot ko kanina nung nakita ko naka dapa sa Lapag at nakatali ang kamay at paa nilang tatlo naiyak ako sa sobrang awa at takot. 😭  Alam ko kilala ko at kilala ako ng nag utos mag nakaw sa Shop dahil pinag kamalan nya na ako ung isa sa bantay na babae. Binanggit nya pangalan ko na naicka at paulit ulit daw ako minumura. Pera sa paluwagan ang pilit nyang kinukuha sa kapatid ko. 😭  Nakakatakot sobraa di ko alam paano pa kami mag bubukas Ng Shop. 😭😭 Andami nakuha sa shop mga ibang hulog sa paluwagan , mga cp , loptop , atm , bankbook ko at pera nung tatlong bantay. 😔  Di ko alam paano gagawin ko ngaun. 😔😔😔 Buti nlang at walang nangyari sa tatlo

Donita Nose, Tinawag na Pambansang Beshy ng mga netizens

Image
Nakapagbigay inspirasyon sa maraming tao ang malapit na kaibigan ni Super Tekla na si Donita Nose sa gitna ng kontrobersya ng dating partner ni Tekla na si Michelle Bana-ag. Ipinagtanggol ni Donita ang reputasyon ni Tekla, binigyan siya ng mga payo, nilinis ang kanyang condominium unit, tinulungan siyang mamili ng mga bagong gamit, at kinalinga siya sa kalagitnaan ng kanyang pinagdaraanang pagsubok.  Ito ang dahilan kung bakit ang komedyante ay tinawag ng maraming mga netizen bilang bagong "Pambansang Beshy".  Sa Facebook post ni Donita, sinabi niya na na-appreciate niya ang pagtawag sa kanya na "Pambansang Beshy". "Nakakatuwa ang sabihan ka ng PAMBANSANG BESHY. ❤😍🙏" Nakakatuwa ang sabihan ka ng PAMBANSANG BESHY. ❤😍🙏 Posted by Donita Nose on  Tuesday, October 27, 2020

Super Tekla, Binweltahan si MIchelle Lhor

Image
"Siya ang nananakit hindi ako" - Super Tekla Trending ngayon sa social media ang latest interview ni Ogie Diaz kay Super Tekla, matapos mabuking na nagsisinungaling lamang ang dating live-in partner nito na si Michelle Lhor Bana-ag sa mga paratang nito sa komedyante. Sa interview na ipinost sa Youtube channel ni Ogie Diaz unang tinanong ni Ogie si Tekla sa kung ano ang unang naging reaksyon nito ng malaman niyang sinumbong siya ni Michelle Lhor kay idol Raffy Tulfo. Sa pagpapatuloy ng panayam, inamin ni Tekla na maraming beses siyang sinaktan ng pisikal ni Michelle sa halos buong  anim na taon nilang relasyon at mayroon siyang mga peklat upang mapatunayan ang mga ito. Ibinahagi din ng komedyante na mayroong isang pagkakataon na siya ay sugatan at duguan matapos siyang atakihin ni Michelle at ng kapatid nito. Inihayag din niya na maraming beses na niyang inireklamo si Michelle sa mga opisyal ng barangay. Sinabi din ng Kapuso star na ginamit ni Michelle ang kanyang ATM card nan