Posts

Showing posts from October 24, 2020

Biglang lobo! Subscribers ng Donekla in Tandem YouTube channel road to 1 Million na

Image
Masayang inanunsyo ng Donekla in Tandem sa kanilang official Facebook page na umabot na sa 442,000+ and counting ang subscribers ng YouTube channel nina Super Tekla at Donita Nose. Lubos din silang nagpasalamat sa kanilang ga katandem na mahal na mahal daw ng dalawang Kapuso comedians. View this post on Instagram A post shared by Donita Nose (@donitanose) on Oct 2, 2020 at 7:34am PDT Hindi raw nila inakala na mas lalong dadami ang mga nagmamahal at nagtitiwala sa kanila lalo na ngayon may kinakaharap na kontrobersya si super Tekla. "There's a rainbow ๐ŸŒˆalways after the rain ⛈ HAPPY 400k SUBSCRIBERS mga katandem!!! ๐Ÿฅบ๐Ÿ’› salamat sa pagmamahal, pagtitiwala, pasuporta sa amin, hindi namin inakala na mas lalong dumami nagmahal, yumakap, nagtiwala sa amin ๐Ÿ˜ญ para sainyo to mga katandem! uulitin namin, MAHAL NA MAHAL NAMIN KAYO, MARAMING SALAMAT!! ๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿ’› God bless us always!" there's a rainbow ๐ŸŒˆalways after the rain ⛈ HAPPY 400k SUBSCRIB

Merk "Makagwapo" Galit na galit ng malamang may iba na pala si Makaganda?

Image
Muling nag-trending sa social media si Christian Merck Gray aka Makagwapo matapos niyang maglabas ng isang video kung saan sinabi nito na mayroon siyang nakakagulat na nalaman tungkol sa dati niyang partner na si Makaganda. Sabi niya:  "Ngayong gabing 'to meron akong napakalupet na nalaman, ngayong gabing 'to," "Sorry ngayon ko lang kasi nalaman. As in, ngayong oras na 'to, ah siguro mga one hour ago na.  View this post on Instagram A post shared by Christian Merck Grey (@christianmerckgrey) on Nov 12, 2018 at 2:32am PST Nagulat kasi ako sa ebidensiya. Wala 'tong dagdag bawas, hindi 'to i-scripted." "Yung Basha mo Pinopopoy ng iba. Tropa mo pa. So hindi lahat ng ahas nasa gubat. Yung iba kasama mo sa vlog," "Pero parang may mali. Meron isang masyadong malinis,"  View this post on Instagram A post shared by Caffeynamindang (@_caffeyheaven_) on Mar 14, 2019 a

Dalawang lalaki, nakatira sa iisang bubong kasama ang pinag-aagawan nilang transgender woman

BABALA: SENSITIBONG PAKSA! DALAWANG LALAKI SA DIPOLOG CITY, NAKATIRA SA IISANG BUBONG KASAMA ANG PINAG-AAGAWAN NILANG... Posted by Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) on  Saturday, October 24, 2020 "Una kong nakilala si Leonizo. Nahulog 'yung loob ko sa kanya kasi sobrang bait at gentleman niya.  Pero nu'ng nagtagal kami, siyempre nagkakaroon na ng away.  Tuwing nag-aaway kami, si Kariff 'yung nagko-comfort sa akin. Hanggang nahulog na rin ang loob ko kay Kariff.  Nakikipaghiwalay ako kay Leonizo pero hindi niya matanggap. Hanggang sa nag-decide na kaming tatlo na tumira na lang sa iisang bubong.” -Venus "Nu'ng una hindi ko matanggap na kaming tatlo 'yung magkasama. Maraming tumutol sa pagsasama namin. Pero pinaglaban ko si Venus. Sobra ko siyang mahal. Buhay ko inalay ko sa kanya. Nagseselos talaga ako tuwing magkasama sila. Pero unti-unti na rin akong nasanay kahit masakit." -Leonizo  "Na-love at first sigh

Idol Raffy, posibleng itigil ang tulong pinansyal sa partner ni Tekla na si Michelle Lhor

Image
Hindi na binalewala ni idol Raffy ang panawagan ng mga netizens lalo na nga ang mga nakapanood ng video ng unang lumapit si Michelle para ireklamo ang partner nitong si Tekla. Matatandaang matapos madinig ang panig ni Michelle ay galit na galit si idol Raffy sa mga nadinig mula kay Michelle. Kabilang dito ang reklamong ginugutom umano sila ni Tekla tuwing hindi ito napagbibigyan ni Michelle na mag-do. Kaya naman ay agad na nagpadala ng tulong pinansyal si idol Raffy. Matapos naman madinig ang side ng mga nagtanggol kay Tekla ay nahati ang opinyon ng mga netizen. Ang simpatya nila ngayon ay mas pumabor naman kay Tekla. Hiling ngayon ng mga netizen kay idol Raffy na naiipit na sa gulo ng dalawa sana daw ay ipa-lie detector test si Michelle para malaman kung siya ba ay nagsisinungaling o nagsasabi ng totoo. Pinagbigyan agad ni idol Raffy ang hiling ng mga netizens kaya naman tinawagan niya si Michelle upang tanungin kung papayag itong magpa lie detector test. Pumayag naman si Michelle sub

Weather Update Lugar na nasa ilalim ng Signal No. 1 dahil sa Bagyong Quinta

Image
Itinaas sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 ang ilang mga lugar sa bansa dahil sa Bagyong Quinta na may bahagyang galaw patungong kanluran hilagang-kanluran ng Philippine Sea. Sa pinakahuling severe weather bulletin ng PAGASA narito ang mga lugar na nasa ilalim ng Signal No. 1: Marinduque Camarines Norte Camarines Sur Catanduanes Albay Sorsogon Northern Samar the northern portion of Masbate (Mobo, Uson, Milagros, Masbate City, Baleno, Mandaon, Balud, Aroroy, Dimasalang) including Ticao and Burias Islands-the southern portion of Quezon (Atimonan, Pagbilao, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Pitogo, Lopez, Macalelon, General Luna, Catanauan, Mulanay, Buenavista, San Narciso, San Andres, San Francisco, Guinayangan, Calauag, Tagkawayan, Quezon, Alabat, Perez) Makararanas naman ang Batanes, Babuyan Islands at northern coastal areas ng Ilocos Norte at Cagayan ng manaka-nakang paglakas hanggang sa malalakas na bugso ng hangin na may northeasterly surge. Inaasahang lala

Not a Prank, Alex Gonzaga at mga magulang tinamaan ng COVID-19

Image
Inihayag ni Alex Gonzaga na siya at ang kanyang pamilya ay gumaling mula sa COVID-19 matapos na tamaan ng sakit ilang linggo na ang nakalilipas. Binahagi niya ang kanilang karanasan sa isang vlog sa kanyang YouTube channel kahapon, Oktubre 23. “Maraming nagtatanong sa akin kung bakit di pa ko lumalabas sa ‘Lunch Out Loud.’ Hindi po ako nagpapakita sa show kasi nagka-COVID po ako and thank God ako ay naka-survive,” View this post on Instagram A post shared by Alex Gonzaga (@cathygonzaga) on Aug 19, 2020 at 5:54am PDT “Nagka-COVID po ako, and thank God, ako ay naka-survive.  Actually, the whole family. Nagkaroon po ng outbreak dito sa bahay ,”   Bukod sa kanyang mga magulang nahawa din ang kasamahan nila sa bahay na si Sophie at pati na rin ang konsehal na nobyo ni Alex na si Mikee Morada.  Nilinaw naman ni Alex na nag negatibo na sila matapos nilang sumailalim sa 14 na araw ng home quarantine. "Hindi ko po ito nakuha sa work kundi sa kasamahan namin sa b

Security guard na kapatid ni Tekla, Pinasinungalingan ang mga alegasyon ni Michelle Lhor laban sa komedyante

Image
Nagsalita na rin ang kapatid ni Super Tekla na si Alex Librada sa gitna ng kinahaharap nitong isyu ngayon. Sa Facebook post ni Alex nitong Oktubre 23 ipinakita niya ang pagsuporta sa kapatid na komedyante sa kabila ng kontrobersiyang kinahaharap nito ngayon. Ayon sa kanya, mula pagkabata ay nakasama at kilala na raw niya ang kanyqang kapatid na likas na may mabuting puso noon pa man.    Pinasinungalingan din niya ang mga akusasyon ni Michelle Lhor Bana-ag laban kay Tekla. Narito ang kanyang pahayag: "Kung mayroon mang tao na mas nakakakilala kay Super Tekla o Romeo Librada, walang iba kundi ako," "Ako simula pagkabata hanggang ngayon magkasama kami, ako ang nakakaalam kung anong ugali mayroon siya!" "Masakit sa kalooban na ang kapatid ko na mabait at mapagbigay ay masasangkot sa isang kasinungalingan na paratang," "Tol, tibayan mo lang loob mo lalaban tayo. Wala sa dugo ng mga Librada ang inaapakan. Tandaan mo yan tol," Posted b