Posts

Showing posts from October 22, 2020

Raffy Tulfo, Pinayuhan si Tekla na Magsalita na kaugnay ng issue na kinakaharap nito

Image
"May mga netizen na nagsasabi na baka pera lang ang habol nito at baka planted yung mga videos na ipinadala sa amin. Sabi ko, 'Pwede.’ " -idol Raffy Tulfo Pinayuhan ni Action man idol Raffy Tulfo si Super Tekla hinggil sa mabibigat na akusasyon ng kanyang kasalukuyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag. Matatandaang si Michelle Lhor Bana-ag ay nagsumbong sa Raffy Tulfo in Action noong Martes upang magreklamo tungkol sa hindi pagbigay ng financial support ng komedyante sa tuwing hindi ito makipagtalik sa kanya.  Posted by Michelle Lhor Apuya Bana-ag on  Thursday, September 26, 2019 Sa isang virtual press conference, sinabi ni idol Raffy na inaasahan niya na ang napag-usapang isyu sa pagitan ni Tekla at ng kanyang live-in partner ay malutas sa lalong madaling panahon. Hinimok din niya ang dating co-host na "Wowowin" na makipag-ugnayan sa Raffy Tulfo in Action upang maipagtanggol niya ang kanyang sarili mula sa lahat ng mga akusasyong ibinato ni Michelle.

Michelle Lhor may Panibagong Akusasyon laban kay Super Tekla

Image
Umabot na sa part 4 ang Super Tekla serye sa programang Raffy Tulfo in Action sa YouTube. Sa huling serye sinabi ni Michelle Lhor  na maging ang kanyang 15-anyos na pamangkin na si Sean, ay nakaranas din ng pang-aabuso mula kay Tekla. Kwento ni Sean na sinasabihan umano siya ng komedyante ng mga hindi magagandang bagay. "Tuwing pag pupunta po sila dito, mero po siyang sinasabi sa akin na pakita raw po ng ari ko, para daw para hanapan daw niya ako ng bakla at para daw po ma-presyohan" kwento ni Sean. "So parang ibebenta ka sa isang gay?" tanong ni idol Raffy. "Opo" sagot ni Sean. "Nagsasabi ka ba ng totoo? Bakit ka ibebenta samantalang siya naman ang sumusuporta sa inyo sa buong mag-anak niyo?" tanong ni idol Raffy. Wala pang sagot si Tekla sa bagong akusasyong ito mula sa pamangkin ni Michelle ngunit pinabulaanan na niya ang mga naunang paratang mula sa kanyang live-in partner. Panoorin ang video sa ibaba:

Unang live-in partner ni Tekla sa loob ng 8 taon, nagsalita na rin

Image
"Hindi naman po siya ganung klaseng tao"  -Airyn Gonzales Sa kasagsagan ng kontrebersiya na kinakaharap ng komedyanteng si Super Tekla, biglang lumitaw sa eksena at nagsalita ang dati nitong kinakasama na si Airyn Gonzales. Sa part 4 ng Tekla serye sa programang Raffy Tulfo in Action ikinwento ni Airyn kay idol Raffy ang tunay na ugali at pagkatao ng dati nitong kasintahan. Ayon kay Airyn walong taon silang nagsama ni Tekla at mayroon silang isang anak. Kwento niya nagkahiwalay sila ng komedyante dahil pag-aabroad nito.  "Bakit po kayo nagkahiwalay?" tanong ni idol Raffy Tulfo "Kasi medyo bata pa ako, gusto kong maabot ang pangarap ko na matulungan yung pamilya ko kaya nag-abroad ako." sagot ni Airyn Dagdag pa niya na ayaw umano siyang payagan ni Tekla sa plano nitong pagabroad pero pinilit pa rin daw niya ang gusto niya kaya sila nagkahiwalay. "Ayaw niya po kasing pumayag pero tinuloy ko pa rin yung gusto ko." ani Airyn. Nagbigay rin ng komen

Raffy Tulfo, tinanong si Michelle kung totoo bang baraha ang nahagip sa video habang ini-interview siya

Image
Sa part 2 ng Tekla serye sa programa ni idol Raffy Tulfo, ipinagtanggol nina Donita Nose at Ogie Diaz si Tekla laban sa mga akusasyon ng kinakasama nitong si Michelle Lhor Bana-ag.  Sa interview ni idol Raffy kay Michelle sa nasabing episode makikitang itinaas ni Michelle ang kanyang kamay na may tila hawak na baraha sa kanyang kanang kamay na agad naman din niyang ibinaba.  Maraming mga netizens ang nakapansin nito: Sa part 4 ng serye, tinanong ni idol Raffy Tulfo si Michelle kung totoo nga bang baraha ang nahagip sa video. "Isang paglilinaw lang Michelle, may mga netizen nagsasabing habang kausap namin kayo kahapon kayo raw ay nagbabaraha?" tanong ni idol Raffy "Face mask po yun sir, kaya po ako natatawa sa mga pinagsasabi nila." sagot ni Michelle "Ni-review po namin yung video inislowmo po namin at face mask nga po." sabi ni idol Raffy Panoorin ang video sa ibaba:

Dating live-in partner ni Tekla, nagsalita na rin

Image
"Hindi naman po siya ganung klaseng tao"  -Airyn Gonzales Sa kasagsagan ng kontrebersiya na kinakaharap ng komedyanteng si Super Tekla, biglang lumitaw sa eksena at nagsalita ang dati nitong kinakasama na si Airyn Gonzales. Sa part 4 ng Tekla serye sa programang Raffy Tulfo in Action ikinwento ni Airyn kay idol Raffy ang tunay na ugali at pagkatao ng dati nitong kasintahan. Ayon kay Airyn walong taon silang nagsama ni Tekla at mayroon silang isang anak. Kwento niya nagkahiwalay sila ng komedyante dahil pag-aabroad nito.  "Bakit po kayo nagkahiwalay?" tanong ni idol Raffy Tulfo "Kasi medyo bata pa ako, gusto kong maabot ang pangarap ko na matulungan yung pamilya ko kaya nag-abroad ako." sagot ni Airyn Dagdag pa niya na ayaw umano siyang payagan ni Tekla sa plano nitong pagabroad pero pinilit pa rin daw niya ang gusto niya kaya sila nagkahiwalay. "Ayaw niya po kasing pumayag pero tinuloy ko pa rin yung gusto ko." ani Airyn. Nagbigay rin ng komen

'Hindi totoo ’yan' Umiiyak na sagot ni Tekla sa mga akusasyon ng kanyang live-in partner

Image
Sinagot na ni Super Tekla nitong Miyerkules ang mga akusasyong ibinato laban sa kanya ng kanyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag. Noong Martes, nagreklamo si Michelle sa programa sa YouTube na "Raffy Tulfo in Action" kung saan inakusahan niya ang komedyante ng pang-aabuso. Ayon kay Michelle, pinipilit siya ni Tekla na makipagtalik kahit sa mga araw na siya ay may sakit. At kapag siya ay tumanggi, hindi umano siya at kanyang anak binibigyan ng pera para ipambili ng pagkain. Sinabi din ni Michelle na si Tekla ay gumagawa ng malaswang gawain kahit sa harap ng kanyang mga kamag-anak, kabilang ang mga bata, na nakatira sa kanila.  Idinagdag niya na pinilit pa siya ni Tekla na gumamit ng contraceptive injection. “kasi hindi po niya mapigilan yung sarili niya. Gusto niya po akong galawin. Para po safety, pina-injectionan niya po ako. ” sabi ni Michelle Sa pagsagot sa mga paratang, naging emosyonal si Tekla at sinabi na ito ay isang sensitibong isyu na dapat tinalakay la

Idol Raffy Tulfo, Pinagreretiro na

Image
 "Kailangan may pagmamahal ka sa iyong trabaho kasi kapag mahal na mahal mo ang trabaho mo, kahit mahirap pa iyan, kahit gaano kakumplikado iyan, at least, nakakabawas yung stress ng job na ‘yon because you love it,” -Raffy Tulfo Binunyag ni idol Raffy Tulfo ng nakakagulat na balita  patungkol sa kanyang kalusugan kamakailan sa programang "Idol in Action Mediacon." Ayon kay Tulfo, pinapagreretiro na siya ng kanyang cardiologist mula sa kanyang nakaka-stress na trabaho alang-alang sa kanyang kalusugan. View this post on Instagram A post shared by Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction) on Oct 12, 2020 at 9:25pm PDT "One of my cardiologists called me up. Kung puwede, mag-retire na raw ako. Stop ko raw muna itong ginagawa ko dahil napakinggan at napanood niya yung estilo ng programa ko." kwento ni Raffy Tulfo Ayon sa doktor, maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa puso ni idol Raffy ang lahat ng tensyon, stress at mga kontrobersiya na araw-ara

AFP Southern Luzon chief may babala sa aktres na si Liza Soberano

Image
"Liza Soberano, there' s still a chance to abdicate that group (Gabriela Women's Party)" Nakatanggap ng babala ang aktres na si Liza Soberano mula kay Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. Southern Luzon military commander ng AFP patungkol sa pagkakaroon ng ugnayan sa Gabriela Youth. Sa kanyang pahayag na nai-post sa NTF-ELCAC Facebook Page, sinabi ni Parlade na hindi dapat na red-tag si Soberano dahil pinaglalaban lamang nito ang women’s rights.  View this post on Instagram A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano) on Jul 4, 2020 at 7:01am PDT Gayunman, sinabi niya na dapat nang putulin ng aktres ang ugnayan nito sa Gabriela Youth sapagkat maaari siyang magrekrut bilang miyembro ng NPA. Narito ang buong pahayag ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. kay Liza Soberano:  "Let us not red-tag Liza Soberano. It's not fair to her. She is merely supporting advocacy for women's rights. She has to be protected in the exercise of her rights. Is