Posts

Showing posts from October 21, 2020

Exclusive: Super Tekla nagsalita na sa reklamo ng kanyang live-in partner

Image
Sinagot na ni Super Tekla nitong Miyerkules ang mga akusasyong ibinato laban sa kanya ng kanyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag. Noong Martes, nagreklamo si Michelle sa programa sa YouTube na "Raffy Tulfo in Action" kung saan inakusahan niya ang komedyante ng pang-aabuso. Ayon kay Michelle, pinipilit siya ni Tekla na makipagtalik kahit sa mga araw na siya ay may sakit. At kapag siya ay tumanggi, hindi umano siya at kanyang anak binibigyan ng pera para ipambili ng pagkain. Sinabi din ni Michelle na si Tekla ay gumagawa ng malaswang gawain kahit sa harap ng kanyang mga kamag-anak, kabilang ang mga bata, na nakatira sa kanila.  Idinagdag niya na pinilit pa siya ni Tekla na gumamit ng contraceptive injection. “kasi hindi po niya mapigilan yung sarili niya. Gusto niya po akong galawin. Para po safety, pina-injectionan niya po ako. ” sabi ni Michelle Sa pagsagot sa mga paratang, naging emosyonal si Tekla at sinabi na ito ay isang sensitibong isyu na dapat tinalakay la

Partner ni Tekla nahuling may hawak na baraha habang ini-interview ni idol Raffy?

Image
"Ang taray ni ate girl nakuha pa niyang mag baraha habang iniinterview ni sir Raffy 9:01 to 9:30 minutes makikita niyo" -Netizen Sa part 2 ng Tekla serye sa programa ni idol Raffy Tulfo, ipinagtanggol ni Donita Nose si Tekla laban sa mga akusasyon ng kinakasama nitong si Michelle Lhor Bana-ag. Mahal daw ni Tekla si Michelle pero naging bad influence umano ito kay Tekla dahil sa pagsusugal at paggamit ng droga.  View this post on Instagram A post shared by Donita Nose (@donitanose) on Oct 4, 2020 at 12:10am PDT Ayon naman kay Ogie Diaz, pinabulaanan daw ni Tekla ang akusasyon ni Michelle na pagiging manyakis nito at sinunog pa umano ni Michelle ang condo ni Tekla. Sa pagpapatuloy ng interview sa eksaktong 10.49 time frame ng video makikitang itinaas ni Michelle ang kanyang kamay na may tila hawak na baraha na agad naman din niyang ibinaba.  Maraming mga netizens ang nakapansin nito: Pero kung itataas ang video quality sa high resolution, makikita

"Hindi po kami nakakakain sa tamang oras" siwalat ng kapatid ni Michelle kay idol Raffy Tulfo

Image
Sa part 2 ng Tekla serye sa programa ni idol Raffy Tulfo, ipinagtanggol ni Donita Nose si Tekla laban sa mga akusasyon ng kinakasama nitong si Michelle Lhor Bana-ag. Mahal daw ni Tekla si Michelle pero naging bad influence umano ito kay Tekla dahil sa pagsusugal at paggamit ng droga. Ayon naman kay Ogie Diaz, pinabulaanan daw ni Tekla ang akusasyon ni Michelle na pagiging manyakis nito at sinunog pa umano ni Michelle ang condo ni Tekla. Dahil sa parang naging 2 is to 1 ang labanan, humiling si Michelle kay idol Raffy Tulfo na makapagsalita rin ang kanyang kapatid para maipagtanggol siya nito. Panoorin ang video sa ibaba;

Manager ni Super Tekla, Pinagtanggol ang kanyang Alaga kay idol Raffy Tulfo

Image
Humarap si Rose Conde ang manager ni Super Tekla  sa part 3 ng Tekla serye sa program  ni idol Raffy Tulfo para ipagtanggol ang komedyante. Buwelta ng manager ni Tekla, plinano raw umano ni Michelle at ng pamilya nito ang pagkuha ng mga video kay Tekla para idiin ang komedyante sa pagsusumbong nila kay Idol Raffy.  Nanghihingi rin daw umano si Michelle ng perang pangumpisa mula kay Tekla bago sila maghiwalay. Ngunit nanindigan si Michelle at desidido raw siyang kasuhan si Tekla.

Super Tekla, Makukulong? Michelle Lhor Bana-ag sinagot ang tanong sa kanya ni Ogie Diaz

Image
Naging headline si Super Tekla matapos siyang ireklamo ng kanyang live-in partner na si  Michelle Lhor Bana-ag sa programa ni Raffy Tulfo. Sinabi ni Michelle na hindi sila ng anak niya binibigyan ng komedyante ng pera kahit pambili ng pagkain kung hindi siya papayag na makipag-siping kay Tekla. Sa October 21, 2020 episode ng Wanted sa Radyo ni idol Rafy Tulfo nagsalita at dinepensahan nina Ogie Diaz at Donita Nose ang kaibigan nilang si Tekla. Maging ang manager nitong si Rose Conde ay nagbigay rin ng pahayag sa programa. Ayon sa manager, siya mismo ang nagsabi kay Tekla na hiwalayan na nito si Michelle Lhor Bana-ag dahil walang maidudulot na maganda sa kanya, pero hindi raw ito ginawa ni super Tekla dahil mahal niya ito. Direktang namang tinanong ni Ogie Diaz ang partner ni Tekla kung ano ba ang gusto nitong mangyari, kung makikipag-ayos ba o itutuloy ang reklamo at ipakulong si Tekla.  "Itatanong ko lang kay Michelle, sa puno't dulo nito anong gusto niyang maging resulta nit

Super Tekla, Dinenay ang mga akusasyon ng live-in partner; Ogie Diaz, Donita Nose nagsalita na!

Image
"Di ko alam kung ano nakain niya, pro di siya nagsasabi ng totoo, nag-iimbento lang siya!" -Super Tekla. Nagsalita sina Donita Nose at Ogie Diaz sa Raffy Tulfo in Action at sinabi na dinedenay ni Super Tekla ang mga akusasyong ginawa ng kanyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag. Sinabi ni Donita Nose na dinenay ni Super Tekla ang mga akusasyong ginawa ng kinakasama nito. View this post on Instagram A post shared by Donita Nose (@donitanose) on Oct 4, 2020 at 1:18am PDT Sinabi din ng komedyante na para sa kanya, bakit tatagal ng apat na taon sina Michelle at Tekla kung siya ay inaabuso. Sinabi naman ni  Ogie Diaz na naka-usap niya si Tekla, na nagsabing, "Di ko alam kung ano ang nakain niya, ngunit hindi totoo ang mga sinasabi niya." Ayon sa kanila sinabi ni Super Tekla na " Nag-iimbento na lang siya." Nabunyag din na sina Michelle at Tekla, ay nagsusugal at gumagamit ng iligal na droga.

Super Tekla tinawag na “war freak” ang live in partner na si Michelle Lhor Bana-ag

Image
“Dito sa pangalawa sobang hirap, kasi ano 'to e war freak. Mas malalim 'yung hugot ng depression ng batang ito noong nakilala ko,” -Super Tekla Trending ngayon sa social media ang isang vlog ni Ogie Diaz kung saan nai-kwento ni Super Tekla ang kanyang live in partner na  si Michelle Lhor Bana-ag. Muling pinanood ng mga netizen ang nasabing vlog na nai-upload noon pang Setyembre 28  matapos ireklamo si Super Tekla ng kanyang live in partner sa programa ni idol Raffy Tulfo na "Raffy Tulfo in Action". View this post on Instagram A post shared by Donita Nose (@donitanose) on Oct 2, 2020 at 7:34am PDT Sa vlog, inilarawan ng Kapuso comedian ang kanyang kinakasama at ina ng kanyang pangalawang anak bilang isang "war freak". Sinabi din ni Super Tekla na si Michelle ay naging “depressed” dahil sa problema sa pamilya. “Alam ko kasi nagkaroon ka ng partner una, tapos doon may anak ka. Dito naman sa pangalawa, gaano kahirap 'yung pinagdaanan m

Mahigit 10 food delivery riders, nabiktima na naman ng pekeng booking sa Las Piñas

Image
Aabot sa 10 food delivery rider na naman ang nabiktima ng pekeng booking sa BF Resort Village, Las Piñas nitong Lunes.  Tinatayang aabot umano sa mahigit P20,000 ang inabot ng mga inorder na pagkain ng manloloko. Kuwento ng uploader ng nag-viral na video na isang 59 anyos na housewife, nagulat na lamang siya at may nagsisidatingan na mga motor sa kanilang bahay at hinahanap ang umano’y customer na si “Marl dela Cruz.” “May nag-doorbell po kasi ang sabi niya sa akin ‘ma’am, may delivery po kayo, order.’ Sabi ko, ‘kuya, wala akong order sa’yo.’ Sabi niya, ‘nako, ma’am, naloko po kami. Ito po hindi ko na po matawagan.’ Sabi niya, ‘ma’am, marami po kami.’ Sabi ko, ‘anong marami?’ Tapos maya-maya datingan po ‘yong mga delivery,”   Sabi niya, hindi sa kanila ang mga order at ipinakita pa ng isa sa mga rider na ibinigay ng umano’y customer ang address nila at dadagdagan na lang ang delivery fee ng P100 bilang hindi nito umano nabago ang pinned location. Ayon sa uploder, naaawa siya sa mga foo