Posts

Showing posts from October 20, 2020

UPDATED WALANG PASOK: Class Suspensions for Wednesday, October 21, 2020

Image
Kanselado ang mga klase sa mga sumusunod na lugar dahil sa Tropical Storm Pepito. La Trinidad, Benguet --public and private Our Lady of Perpetual Succor, Marikina --pre-school to college Coronado's School of Quezon City --all levels Please refresh this page for updates.

Sakristang babae na ginahasa umano ng pari, inalok ng pera upang iatras ang kaso

Image
Labis na nag-aalala ang kaanak  lalo na ang ina ng sakristang babae na ginahasa umano ng isang pari sa Lala, Lanao Del Norte. Ayon sa ina ng biktima, madalas tulala ang kanyang anak at nagkukulong lang sa kwarto. Sa labis na kahihiyan nagpasya ang mga ito na umalis muna sa kanilang tahanan at pansamantalang ilayo ang anak. Subalit ang isa pang masakit aniya, inalok umano siya ng 100,000 piso ng isang ring pari na kaibigan ng suspek upang iurong umano ang kaso. "Sabi ko sa kanya pag-isipan ko muna ang nangyari sa aking anak" sagot ng ina ng alukin umano ito ng pera. Kinumpirma naman ng hepe ng police station ng Lala na may nag-alok nga ng pera sa kaanak ng biktima. "Marami akong narinig na mayroong nag-ooffer at everyday daw tumataas ang offer"  Sa ngayon, hinihintay pa ang resolusyon ng piskalya dahil narin sa kahilingan ng suspek na magkaroon ng imbestigasyon sa kaso at masagot ang akusasyon ng biktima.

Super Tekla, inakusahang ginugutom ang live-in partner at anak kapag hindi ito napagbibigyan makipag-loving

Image
"I can't believe I'm hearing this!" -idol Raffy Tulfo Humingi ng tulong sa Raffy Tulfo sa Action ang kinakasama ng komedyanteng si super Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag. Nirereklamo niya ay ang pamimilit umano sa kanya na magloving ni Super Tekla kahit na kapapanganak lang niya, at kung hindi siya papayag ay di siya binibigyan ng pagkain. Nagforward siya ng isang video sa RTIA, na ipinakita na nagtatalo sila ni Tekla. Nang makausap si Michelle ni Idol Raffy, umiiyak siya at isinalaysay ang lahat ng pang-aabuso na ginawa umano sa kanya ni Tekla.

Nakakakilabot na Flashflood sa Bulatukan River sa Cotabato, NahuliCam

Image
Dahil sa local thunderstorm, nakaranas ng matinding buhos ng ulan ang Barangay Rodero, Makilala, Cotabato nitong Lunes. Ang malakas na ulan ay nagdulot ng flash flood at landslides sa lugar. Ang malakas na buhos ng ulan ay sanhi din ng pag-apaw ng Bulatukan River. Sa video na kuha ni Andriane Feb Eyong, makikitang umapaw ang Bulatukan River sa Barangay Rodero, Makilala. Napinsala ng flashflood ang overflow bridge kaya hindi makadaan ang mga sasakyan.