Posts

Showing posts from October 13, 2020

Ang Pinakabagong iPhone model ng Apple, Inilabas na!

Image
Inilunsad ng Apple Inc noong Martes ang iPhone 12 na may mas mabilis na 5G connectivity na may starting price na $799. Ang iPhone 12, ay may 6.1-inch display, at flat sides na may flush display, katulad ng iPhone 5 ng kumpanya.  Ipinakilala din ng Apple ang  "Mini" version na may 5.4-inch na display screen na nagkakahalagang $699 at ang "Pro" version na may tatlong mga camera. Narito ang mga features ng iPhone 12:

Bagong-bukas na gasolinahan, hinoldap ng 4 na lalaki

Image
Nakunan ng CCTV ang panghoholdap na ginawa ng apat na lalaki sa isang kabubukas lang na gasolinahan sa Pagadian City, Zamboanga del Sur. Mapapanood sa video na isa sa mga salarin ang puwersahang pumasok sa kinaroroonan ng cashier at kinuha ang P180,000 na kita. Mapapanood sa video na puwersahang pumasok ang isa sa mga kawatan sa opisina ng cashier tsaka tinangay ang P180,000 na kita ng gasolinahan. Kinuha din ng mga salarin ang baril ng guwardiya. Kasalukuyang pinaghahanap na ng mga awtoridad ang mga kawatan.

Bagyong Ofel: Mga lugar na nasa ilalim ng Signal No. 1 ayon sa PAGASA

Image
Nadagdagan ang mga lugar ang inilagay sa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) no. 1 bilang ang tropical depression Ofel ay napanatili ng lakas nito habang dahan-dahang gumagalaw patungo sa Silangang Samar-Hilagang Samar Area, ayon sa PAGASA noong Martes ng gabi. Ayon sa 8 a.m. severe weather bulletin ng PAGASA, Ang signal no. 1 ay naitaas sa mga sumusunod na lugar: Batangas, the southern portion of Laguna (Luisiana, Majayjay, Liliw, Nagcarlan, Rizal, San Pablo City, Calauan, Alaminos, Los Baños, Bay, Magdalena), the central and southern portions of Quezon (Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, San Narciso, San Andres, Mulanay, San Francisco, Catanauan, Lopez, Calauag, Quezon, Alabat, Perez, Atimonan, Tayabas City, Mauban, Sampaloc, Lucban, Gumaca, General Luna, Macalelon, Pitogo, Unisan, Plaridel, Padre Burgos, Agdangan, Pagbilao, Lucena City, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio), Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Camarines Norte, Camarine

Metro Manila Skyway Stage 3, Tapos Na!

Image
Inanunsyo ni San Miguel Corp. President and COO Ramon Ang na tapos na ang Metro Manila Skyway Stage 3. “I’m happy to announce that the whole structure of Skyway 3 is now complete. With this, Skyway 2 in Buendia is now officially extended all the way to the North Luzon Expressway,” sabi ni Ang. May habang 17.93 kilometers, ang proyektong Skyway Stage 3 ay kumokonekta sa Northern at Southern Luzon—maaari nang tawirin ang kalakhan ng Metro Manila nang hindi dumadaan sa EDSA.  “After many challenges this project faced in previous years, the dream of connecting north and south and providing an alternative to EDSA is now a reality,” dagdag pa nito. Sinimulan ang konstruksyon nito noong 2014. Dahil sa Skyway Stage 3 project, maaari nang pumuntang SLEx galing NLEx sa loob lamang ng 20 minuto, mula sa dating tatlong oras. Gayunman, sinabi ni Ang na ang expressway ay hindi pa mabubuksan sa publiko, dahil ang finishing works, tulad ng proper curing ng aspalto, ay naantala dahil sa tuloy-tuloy a

Pinay tennis player 2nd place sa world junior ranking

Image
Second placer sa world junior ranking ang Pinay tennis player na si Alex Eala. Ito ay matapos na makapag tala ni Alex ng na 2,148.75 points hanggang noong Oktubre a-12. 💪🏼 #2 of the @ITF_Tennis Junior Ranking!! Congratulations Alex Eala! Everyone at the #RafaNadalAcademy by Movistar is very proud of you! What a great achievement 👏🏼 Let’s keep going and working hard! MABUHAY 🇵🇭! pic.twitter.com/HbJEc5YJeA — Rafa Nadal Academy by Movistar (@rnadalacademy) October 13, 2020 Ilang puntos lang ang lamang sa nakasungkit ng first place na si Elsa Jacquemot ng France na mayroong 2,261.25 points. Kamakailan ay nag-pagitang gilas din ang Pinay tennis player sa French Tennis Open. Subalit nabigo pa rin naman itong manalo matapos na makatunggali si Jacquemot sa French Open semi-final.

Pulong Duterte nahalal bilang chairman ng Committee on Accounts

Image
Kasunod ng pagpapalit ng House Speakership, pinalitan na din ang namumuno sa House Commiitee on Accounts at nahalal si Presidential son at Davao Representative Paolo Duterte. Papalitan ni Pulong sa nasabing posisyon si Cavite Rep. Abraham Tolentino. Una nagmosyon si Deputy Majority Leader Juan Pablo "Rimpy" Bondoc na mahalal sa nasabing pwesto ang Presidential son at walang naging pagtutol sa mosyon. Ayon sa website ng Kamara, ang Committee on Account ay inaatasan na harapin ang "lahat ng mga bagay nang direkta at pangunahing may kinalaman sa internal budget ng Kamara kabilang ang paghahanda sa badyet, pagsusumite at pag-apruba, pagbigay, accounting, at financial operations." Sa ilalim ng 2021 National Expenditure Program, ang Kamara ay may panukalang badyet na P15.6 bilyon para sa susunod na taon. Ang halagang ito ay mas mababa kaysa sa P15.8 bilyon na natanggap ng kamara sa ilalim ng 2020 General Appropriations Act.

Lady grab driver na inaresto ng nakaalitang pulis, Nakalaya na

Image
Nakalaya na mula sa kulungan ngayon Martes ang babaeng grab driver na si Florence Norial na nasangkot sa isang pakikipagtalo sa isang pulis sa Taguig City noong nakaraang linggo. Ito ay kinumpirma ng hepe mismo ng pulisya ng Taguig City na si Police Colonel Celso Rodriguez. Nagbayad ang kampo Norial ng P3,000 na piyansa para sa kasong unjust vexation na inireklamo sa kanya.  Samantala, ang mga reklamong alarm and scandal, direct assault and violation of Art. 151 of the Revised Penal Code ay dinismiss dahil sa kawalan ng probable cause. Sa isang post sa Facebook, pinasasalamatan ng kasintahan ni Norial na si Mirza Miguel Shahzad ang lahat na nagpahayag ng suporta at nagpaabot ng tulong sa kanilang kampo. "Marami pong salamat sa lahat ng tumulong sa amin.  Kay Sir Raffy Tulfo, Raffy Tulfo In Action, Grab Philippines, family and friends, at lalo po sa social media na tumulong para po maiabot kay Sir Raffy Tulfo ang nangyare. Nailabas na po namin sya after almost 7 days.  Pumayat sya