Bossing, nagsalita na tungkol sa pang-lalait sa anak niyang si Tali

Nagsalita na si Vic Sotto tungkol sa pang-lalait na natanggap kamakailan ng bunso niyang anak na si Tali Sotto. Sa interview, sinabi ni Bossing na sa kabila ng pambabatikos na natatanggap ni Tali, mas mahalaga pa rin na mas marami itong napapasaya at napapangiti. View this post on Instagram These two have definitely taken over my cameraroll 🤣 who has the most photos on your phone? A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on Aug 27, 2020 at 7:57pm PDT “Ang importante naman, higit na nakararami 'yung napapasaya ni Tali. Napapa-smile niya sa araw-araw sa tuwing magpo-post ang kanyang nanay. “Tapos 'yung mga ilan na hindi natutuwa, hindi ko na lang pinapansin 'yon. Pinagpapasa-Diyos ko na lang 'yon. “I try to understand these people dahil malay natin baka may pinagdadaanan o may problema lang sa buhay, mainit ang ulo niya at the time. Iniintindi ko na lang 'yon. “Mas importante, mas nakararami 'yung good comments,”