Posts

Showing posts from October 11, 2020

Kabit, pina-Tulfo si Legit Wife

Image
Nagpasaklolo ang isang lady guard na si Arlene Adrales sa programa ni idol Raffy Tulfo upang ireklamo ang legal wife ng kanyang dating karelasyon na si Jay Mortera.  Ang reklamo niya, sinugod at sinaktan umano siya ni misis na si Charry Mortera at ng anak nito sa kanyang trabaho. Katwiran naman ni legal wife, hindi pa raw kasi tumitigil si kabit sa pakikipag-ugnayan sa mister niya. Pero ayon sa  lady guard ay hiwalay na sila ng lalaki.  Namagitan naman si idol Raffy Tulfo sa maaanghang na sagutan at mga paratang ng dalawa sa isa't isa. Sa huli ay nagkasundo naman ang tatlo na tapusin na ang gulo sa pagitan nila.    

Baho ni Pia Wurtzbach ibinulgar ng sarili niyang kapatid na si Sarah Wurtzbach

Image
Mukhang malala ang namumuong hidwaan sa pagitan ng magkapatid na sina Pia Wurtzbach, 31, at ng nakababatang kapatid nito na si Sarah, 28. Nag-viral kasi sa social media ang maaanghang na salitang binitawan ni Sarah tungkol sa kanyang ate na si Pia at maging sa kanilang inang si Cheryl Alonzo Tyndall. “Ang baho ng ugali mo. Dami mong kuda pero sorry wala.” “Tapos mangdadamay ng ibang tao na wala naman sa usapan.” “Magsama kayo ni mama @piawurtzbach.” “Nagiisa mong kapatid ayaw mong supportahan tapos mangdadamay ka palagi ng ibang tao na wala naman sa usapan.” “Kung alam lang ng tao kung gaano kabaho ugali nyo ni mama. di porket nananahimik ako ako yung masama.” “Ako pa kailangan lagi magpakumbaba eh ako na nga yung naabuso. T*ng*** nyo @piawurtzbach.” Narito ang iba pang mga maaanghang sinabi ni Sarah kay Pia: “I’m broke kasi I have a normal job. With 2 kids. Tapos kapag bibigyan mo ako ng pera hihirit ka ng ‘grabe noon sweldo ko ng isang buwan to noh. Tapos ngayon barya na lang’ “Bit**

Vlogger na si Makaganda, ginamit lang umano ni Christian Grey ang kanyang katawan para makahakot ng views sa kanilang vlog

Image
Trending ngayon sa social media ang internet celebrity vlogger na si Caffey Namindang a.k.a. “Makaganda” matapos nitong maglabas ng sama ng loob tungkol sa kanyang boyfriend at vlogging partner na si Christian Merck Grey sa kanyang Facebook live nitong Linggo, October 11, 2020. Sa kanyang live video, ibinisto ni Makaganda na ang lahat ng ginagawa nila sa kanilang mga Youtube vlogs ay pawang scripted at walang katotohanan. Dinagdag pa niya kinokontrol siya ni Christian Merck sa mga kanilang ginagawa na video at madalas ginagamit pa ang kanyang katawan para makahakot ng maraming views sa kanilang vlogs. Ayon pa kay Makaganda, na maliit na halaga lamang ang nakukuha niya sa milyon milyong kinikita ni Christian sa kanyang Youtube channel na mayroon ng mahigit sa 3 million subscribers. “Sa milyon milyong kinikita niya sa isang buwan, limang libo lamang ang ibinibigay sa akin niyan pati kay mama,” ani Makaganda. Panoorin ang video sa ibaba:

Bro. Eddie Villanueva sinagot si Pastor Quiboloy sa pagbabalik-TV ng it's Showtime sa A2Z Channel 11 na pagmamay-ari nito

Image
Kamakailan ay kinuwestiyon ni Kingdom of Jesus founder Pastor Apollo Quiboloy si Jesus is Lord founder na si Bro. Eddie Villanueva kung payag ba ito  na hayagang ipalabas ni Vice Ganda ang homosexual activity nito sa kanyang TV station na Zoe-11.  "Kasi kung lalabas diyan si Vice Ganda o ang ABS-CBN, may mga show na ganyan, ito-tolerate ba ng isang nagmamay-ari, ng isang religious leader, nagmamay-ari ng isang istasyon na papayagan ba niyang yan ay ipalabas sa kanya na parang you are espousing homosexuality which is against the faith that you are preaching? Sa kanya natin iyon itanong.”  ani pastor Quiboloy. Matatandaang nagkaroon ng partnership ang ABS-CBN at Zoe-11 TV network na pagmamay-ari ni Bro. Eddie Villanueva kaya muling naipalabas sa telebisyon ang ilang programa ng ABS-CBN Ayon kay Bro. Eddie , hindi racist at religion fanatic si Jesus at mahal nito ang lahat ng tao.  "Jesus Christ is not a racist.. not a religious fanatic. not a political fanatic. Jesus Christ is

Pastor Apollo Quiboloy, nagsalita sa muling pag-ere ng It's Showtime sa Telebisyon

Image
Sa programa ni Pastor Apollo Quiboloy noong October 9, 2020, hiningan siya ng isang viewer ng kanyang reaksyon patungkol sa muling pag-ere ng It’s Showtime sa television station na pag-aari ni Bro. Eddie Villanueva. "Okey lang po ba na ipalabas sa TV o i-tolerate ang homosexual activity ni Vice Ganda sa isang religious TV Channel?” ang tanong kay Pastor Quiboloy. "Tanungin natin si Bro. Eddie Villanueva kung ano ang masasabi niya rito,” ang sagot ni Quiboloy. "Kasi kung lalabas diyan si Vice Ganda o ang ABS-CBN, may mga show na ganyan, ito-tolerate ba ng isang nagmamay-ari, ng isang religious leader, nagmamay-ari ng isang istasyon na papayagan ba niyang yan ay ipalabas sa kanya na parang you are espousing homosexuality which is against the faith that you are preaching? Sa kanya natin iyon itanong.” pahayag ni pastor Quiboloy. "Kung ako ang may-ari niyan, puwede kong ipaarkila pero may kasulatan na gagawin: 'Do not promote this here,'  Tulad sa SMNI, mag-adv

Foreigner na nakapang-asawa ng pinay, nagpapasaklolo matapos palayasin ng asawa nang maubos ang kanyang pera

Image
Kaawa-awa ang sinapit ng isang foreigner na ito na si Holger Solager na galing sa bansang Denmark. Ayon sa kwento, pumunta sya dito sa Pilipinas upang pakasalan ang kanyang nobyang pinay pero makalipas lamang ang isang taon, inubos ng pinay lahat ng pera ng foreigner at tsaka iniwan sya. Ang mas malala pa ay may pinapagawa umano foreigner na bahay pero kalaunan nalaman nyang hindi nakapangalan sa kanya ang bahay tapos pinalayas pa daw siya ng pinay. Taga North Cotabato umano ang pinay na napangasawa nya, apat na araw na po syang stranded sa Airport dahil wala syang Swab Test at Travel Pass. Wala na rin syang kapera-pera kahit piso kaya naiwan sya ng flight nya pauwing Denmark, sinubukan nya daw humingi ng tulong sa embassy nila pero pinalabas lang daw sya at hindi sya pinakinggan kaya napilitan syang matulog sa kalsada. May mga bata raw na lumapit sa kanya at nag-alok ng tulong at pinagamit sya ng tablet para daw makapag communicate sa kaanak nya sa Denmark pero pinagtangkaan lang pala

Lalaking hinuli dahil walang face mask, nakipagmatigasan kay idol Raffy!

Image
Nagreklamo ang isang lalaki na si Jomil Ejona ng Brgy. Marcelo Green sa ParaƱaque kay idol Raffy Tulfo matapos umano itong hulinin ng mga taga-barangay sa loob mismo ng kanilang compound na walang suot na face mask.  Paliwanag ni Ejona na nasa loob na siya ng kanilang kwarto nang makita at sitahin siya ng mga taga-barangay na naroon para magdala ng pagkain sa ilang mga kasama ng lalaki na naka-isolate. Boarding house style kasi ang tirahan ng complainant  at common pa ang kanilang comfort room. Ang katwiran ng mga tanod, dapat pa ring mag-suot ng facemask ang lalaki dahil marami at iba't ibang pamilya silang  naroon na maaring magkahawahan kung hindi mag-iingat.